"Anu ba naman yang tanong mo kuya? Isa ka rin eh noh? Hindi kami ni Edward period!" depensa ko. Aaminin ko na napangiti ako sa tanung niya.
"Oh tignan mo iba ang ngiti mo. Iba ang dating niya sa'yo. Napansin ko lang naman na medyo close kayo. Sorry ha observant lang talaga ako." ani ni Kuya Bhadz.
"Kuya naparami ka ata ng inom. Itulog mo na lang yan ang dami mong nalilikhang imagination. Ba't di ka na lang mag fine arts!" ika ko.
Tumawa lang siya ngunit hindi na nag salita. Mabuti naman at mala Christy Fermin ang ginagawa niyang pag papaamin sa akin. Nag tungo na kami sa kwarto pag tapos mag himalos at mag toothbrush at dahil na rin sa napaka habang araw eh agad namang bumagsak ang aking katawan at tuluyan ng nakatulog.
_____________________
Nagising ako at naamoy ko agad ang masarap na niluluto ng kung sino man sa barkada namin ang nag luluto ng almusal. Pag dilat ko ng aking mga mata ay nakita ko pang tulog si Glenn at William. Ang ibang barkada kong mga lalake ay malamang gising na. Bumangon ako at mabuti na lang wala akong hungover na naramdaman dahil konti lang naman ang ininum ko kagabi. Hinanap ko si Edward ngunit wala ito sa kanyang kama.
"Good morning!" pag bati sa akin ni Unity! "Boss gisingin mo na rin yung iba at 12 noon daw ang check out natin not unless mag eextend pa tayo ng oras."
Ngumiti lang ako at agad akong bumalik sa kwarto naman sabay pagpag sa pinto ng malakas upang gisingin na ang mga tulog ko pang kasamahan. "HOY MAG SI GISING NA KAYO JAN! MAY SUNOG!! MAY SUNOG!" sabay tawa ko! Nakita ko naman na bumangon agad ang dalawa at halatang may mga hungover!
"Oh my G! Do you have to do that? God my head hurts!" reklamo ni Glenn habang si William naman ay walang reaksyon at halatang inaantok pa.
"Ang arte! Gumising na kayo jan. Alas diyes na ng umaga. Check out na tayo after two hours" batid ko.
"That early? Hayz I want to sleep more" ika ni Glenn.
Lumabas naman ako na tumatawa at agad kong tinungo ang kusina. "Hmmmm. Ang bango ah? Naks nag luluto si Kuya Bhadz at Edward! Asan nga pala sila Yeth at Edna? Yung ibang girls?" tanong ko sakanila.
"Nasa dagat ata sila. Si Unity nag aayos ng lamesa para makakain na tayo ng pang umagahan." sagot naman ni Edward.
"Ah eh anung niluluto nyu? Sarapan nyu ha medyo nagutom na ako. Natunaw ata ng alak lahat ng mga kinain ko kagabi hehe." ani ko.
"Maluluto na tong pritong tuyo at itlog. May kamatis na rin at fried rice sa labas." sagot ni Edward.
"Ah ganun ba? Sige basta sarapan mo ha. Impress me." sabay kindat ko sakanya.
Napansin ko naman na si kuya Bhadz ay nakatingin sa akin at naka ngiti. Alam ko na ata ang nasa isip niya pero di ko na lang binigyan ng pansin. Agad naman ako lumabas para tulungan si Unity na mag isang nag aayos ng lamesa.
"Hoy Unity ang panghi mo pa rin! Grabe naman kumapit yang ihi ni Edward sa kamay mo? Di ka pa ba naliligo?" kasabay ng pag bibiro ko sakanya ay ang aking pag halakhak.
"Anya (ano?) ang bastos mo talaga Grei. Naligo naman ako kagabi noh hmpf!" pag tatampo niya.
"Sika met (ikaw naman) sabay kiss sa cheeks. Drama queen ka talaga. Iba ang dulot sa iyo ng pocket books mo ah. Tigilan mo na nga yang pag babasa mo." at niyakap ko siya.
"Grei babatukan na kita. Alam mo naman diba? Pocket book is my life!" batid niya.
"Unity babatukan na rin kita eh. Alam mo rin naman diba? Nilalambing lang kita mwah mwah" pangungulit ko sakanya.
BINABASA MO ANG
Wala ng Iba
RomantikA story about friendship, trust, and love. Ating lasapin ang isang pagkakaibigan, barkadahan, at ang pagsibol ng isang pag ibig sa di inaasahang pagkakataon. Isang storya na hango sa aking buhay pag ibig. Abangan natin si Grei at Edward at kung paa...