CHAPTER 16: TRUTH or DARE?

43 1 2
                                    

"Gising na at mag meryenda muna kayo mga anak" boses ng isang babae na nang gigising sa ibang kasamahan namin na sanhi naman ng aking pag kagising agad. Madali lang naman ako magising kahit sa konting ingay lang. Agad naman ako bumangon at pag tingin ko sa orasan ay alas singko na pala ng hapon.

"Nay ako na bahala sa kanila" ani Geng sa kanyang Ina.

Lumabas na ang kanyang ina sa aming kwarto at tuluyan na nga kaming ginising ni Geng. Napansin ko si Kuya Bhadz na napakalakas humilik. Mukhang nag papaliksahan sila ni Glenn. Mabuti na ring nakapag pahinga kami ngayong hapon dahil mamayang gabi ay basagan nanaman kami sa pag inom ng alak.

"Mga boss!!! Hello!! Andito na ang reyna nyu!" agad iniluwa ng pinto si Yeth at bakas sa kanyang mukha ang tuwa ng makita kami. "Gumising na nga kayo jan! Hindi kayo namasyal dito para lang matulog mag hapon!" pasigaw naman niyang sinabi.

"Reyna ka jan? Baka reyna ng mga mangkukulam dito sa probinsya!" pabiro kong sabi kay Yeth.

"Hoy tigilan mo ako at baka ikaw ang una kong kulamin jan noh" sagot ni Yeth habang napapatawa.

Isa-isa na rin kami nag si labasan ng kwarto at tumungo sa labas ng kanilang bahay upang simutin ang sariwa at malamig na simoy ng hangin. Tinawag na rin ni Apol si Geng at Yeth upang makabili na sa bayan ng aming iinumin ngayong gabi.

Hinanap ko si Edward upang tawaging mamasyal sa bukid. Agad ko naman siyang nakita na nakikipag usap kay Edna. "Edward samahan mo nga ako." ani ko.

"Ha? Saan tayo pupunta?" ani Edward.

"Sa bukid mag se-selfie." ani ko.

"Hoy akala ko ba isasama mo kami ni Kuya Bhadz?" tanong ni Edna.

Nilakihan ko ang tingin ko sakanya at sinigurado kong hindi nakita ni Edward. "Ha? Bukas na lang tayo. Lika ka na Edward!" sambit ko.

"Hmp! Sige kayo na lang. Basta bukas ha apat tayo nila Kuya." ani Edna.

At agad na rin kami tumungo sa bukid at nakita ko ang isang maliit na shed na gawa sa sawali at dahon ng nyog at kawayan. "Dun tayo." alok ko.

Patuloy kaming nag lakad sa mga pilapil hanggang sa makarating kami sa shed at naupo. "Dito muna tayo at mas presko ang hangin. Mas malamig pa." ani ko.

"Oo nga eh mas nakakarelax dito." batid ni Edward. "Bakit di mo sinama yung dalawa?"

"May gusto kasi akong itanong sa iyo." ani ko.

"Anu yun?" tanong ni Edward.

"Sana sagutin mo with all honestly ha?" ako.

"Sige sa abot ng aking makakaya hehe"

"Sino ba kasi yung jowa mo??" tanong ko.

"Bakit ba kasi gusto mo malaman?"

"Eh bakit ba kasi ayaw mo sagutin yung matagal ko nang tinatanong sa iyo?" ako.

"Malalaman mo rin sa tamang panahon" sagot naman ni Edward.

"Sige bigyan mo ako ng clue" ani ko.

"Clue? Hmmmmm. Model siya ng university natin" sagot niya.

"MODEL?!? Wow ikaw na. Sino dun? Ang dami naman nila eh" tanong ko.

"Basta yun lang muna sasabihin ko sa iyo ok. Saka ko na sasabihin at ipapakilala ko sa iyo mismo." batid niya.

"Eh Bakit ayaw mo ipakilala sa aming lahat."

"Dahil ikaw lang ang pinag kakatiwalaan ko. It's confidential" ani Edward.

Wala ng IbaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon