Nagpaalam ako sa barkada na may bibilhin lang at sinabi ko na isasama ko si Edward at susunod na lang kami sa inuman na magaganap sa labas ng aming cottage. Sinenyasan ko naman si Edward gamit ang aking ulo sabay kindat. Lumabas ako ng ng dagat at sumunod naman ito sa akin.
"Saan tayo pupunta?" Tanong niya sa akin.
"Mag lalakad lakad lang. Gusto ko ng hangin dito sa dagat pag gabi" ako.
"Ako rin eh. Gusto ko talaga yung ganito lang. Tahimik at presko." ani niya.
"Alam ko naman yun kaya nga ikaw ang sinama ko. Tahimik ka lang pag mag kakasama tayong lahat at napapansin ko hindi ka masyado nag sasalita kaharap sila" ako.
"Ganun na nga. Madami na kasi kayo nag sasalita at nahihirapan naman ako sumabay sa usapan nyu kaya nakikinig at nakikitawa na lang ako". Batid ni Edward.
Nag patuloy kami sa pag lalakad at ninanamnam ang malamig na simoy ng hangin sa paligid ang ang payapang agos ng tubig sa dagat. Maliwanag ang kapaligiran na nang gagaling sa kinang ng buwan at ang maaliwalas na kalangitan kung saan makikita ang karamihan sa mga bituin.
"Bat hindi mo sinama si Edna?" Tanong ni Edward.
"Pag kasama ko yun eh lalong maingay at baka ma OP (out of place) ka pag kasama ko siya. At isa pa may mas peace of mind ako pag tahimik lang mga kasama ko parang ikaw." sabay ngiti ko sakanya.
"Kung sabagay. Thank you na rin at ako ang napili mong isama dito."
"Oo naman. Walang anu man. Bukas eh uuwi na tayo kaya samantalahin hehe" ako.
"Umiinom ka ba?" tanong niya.
"Oo. Ikaw ba?" ako.
"Umiinom din." sagot niya.
"Malamang nag kakasiyahan na dun. Gusto mo na bang bumalik?" ani ko.
"Maya na lang konti. Masarap ang hangin dito eh. Mag lakad lakad muna tayo." ani niya.
Nakalayo na kami mula sa aming resort at patuloy pa rin ang pag lalakad namin hanggang sa may marating kaming isang lugar kung saan ay may malalaking bato na halos labing dalawang talampakan ang taas. Napakaganda ng tanawin kahit gabi at makikita mo ang humahapas na tubig sa bato. "Halika upo tayo dun. Akyat tayo sa mga bato". Paanyaya ko kay Edward.
Agad naman siyang sumunod sakin. Nauna na akong umakyat at inabot ko ang kanyang kamay upang di siya mahirapan at madulas sa pag hakbang niya sa mga bato. Naabot namin at tuktok ng bato at kami'y naupo at pinag masdan ang mga bituin at ang buwan. Nanatili kami sa ganoong posisyon habang nilalasap ang tahimik na kapaligiran at malamig na hangin.
"Alam mo mas magaan ang loob ko ngayong kasama kita kesa noon. Ang tahimik mo kasi at walang imik." Pambasag ko sa katahimikan naming dalawang.
"Tahimik lang talaga ako diba nga. Ikaw na rin nag sabi eh. Pero ako man mas gumaan ang loob ko sa iyo ngayong mas nakikilala kita. Palabiro ka kasi at masyadong straight forward mag salita." ani ni Edward.
"Mas ok na yun kesa naman maging plastik ako noh. Okay na yung alam nila ang ugali ko na ganito na medyo prangka mag salita kesa maging backstabber ako tulad ng ibang tao diba?" ako.
"Kung sabagay may point ka naman. Mas okay na yung minsan eh binabasag mo kami nakakatawa naman talaga." Ani niya.
"Sorry naman kung pati ikaw eh nababasag ko minsan haha. Ganun lang talaga ako and now you know hehe" ako.
"Naku okay lang naman yun!" ani niya.
"Ok? Eh kung maka irap ka sakin eh. Kung nakakamatay lang ang irap mo dahil napaka talim niya eh siguro sa boarding house pa lang nila Yeth eh patay na ako hehe" ani ko.
BINABASA MO ANG
Wala ng Iba
RomanceA story about friendship, trust, and love. Ating lasapin ang isang pagkakaibigan, barkadahan, at ang pagsibol ng isang pag ibig sa di inaasahang pagkakataon. Isang storya na hango sa aking buhay pag ibig. Abangan natin si Grei at Edward at kung paa...