Gumising kami ng maaga upang makapag handa para sa aming swimming. Nag handa na ng pang umagahan ang Nanay ni Geng at inaya na kaming kumain. Masaya kaming lahat na mag babarkada na nag salo-salo sa hinanda nila at di nag tagal ay nag tungo na rin kami sa resort.
Buong maghapon naman kami nag swimming kasama na ang walang kamatayang mga selfie at groupie pictures naming mag babarkada. Bago sumapit ang gabi ay nag pasya na rin kami umuwi sa bahay nila Geng.
Kinabukasan din ay nag pasya na rin kami bumalik sa Baguio. Bago kami umalis ay nagpasalamat at nag paalam na rin kami sa pamilya nila Geng. Nag paiwan pa sila Yeth at Ronald dahil taga tarlac din naman sila.
Napakabilis ng naging sembreak namin at ngayon mga seniors na rin kami sa wakas. Natapos na rin kami mag enroll at dahil sa full load units ako last semesters at ngayon nakuha ko na lahat ng subjects ko. Ibig sabihin nito ay matatapos na rin ang aking pag aaral sa college at ga-graduate na rin ako.
"Grei may offer ako sa inyo. May kakilala kasi ako sa isang agency. Hiring sila sa Malaysia kahit fresh graduate eh tinatanggap nila. Gusto nyu mag apply?" ani Yeth.
"Sure! Gusto ko yan. Sino pa sinabihan mo?" tugon ko.
"Wala pa ikaw pa lang. Alam mo naman ga-graduate na rin ako this semester. Yung iba eh may isang sem pa kaya ikaw pa lang sinabihan ko" ani Yeth.
"Ah okay. Si Edward eh kasabay natin ga-graduate ngayon. Sabihin mo rin sakanya" ani ko.
"Ikaw na mag sabi tutal close naman kayong dalawa."
"Sige ako na bahala. So anu plano mo?" tanong ko.
"Bago ang graduation eh dapat mag apply na tayo kaya ihanda mo na yung resume mo" ani Yeth.
"Okay sige aasikasuhin ko na yan. Tatawagan ko na lang si Edward para masabihan siya" ako.
Agad ko naman tinawagan si Edward at sinabi ko sakanya na kelangan namin mag usap tungkol sa pag aapply sa ibang bansa. Agad kami nag kita sa aming tagpuan sa OMG restaurant kung saan inantay ko siyang dumating. Makalipas ang kinse minutos ay dumating na siya.
"Uy musta na? Musta bakasyon mo?" bungad kong tanong.
"Ayos naman ikaw?" pabalik niyang tanong.
"Medyo boring. Namiss nga kita eh" sambit kong naka ngiti.
"Grabe ka naman. Miss agad? Eh nung isang araw lang nagkita din tayo kaw talaga."
"Ganun talaga" ani kong tumatawa. "Anyway Edward may offer sa akin si Yeth tungkol sa pag apply sa Malaysia. Work yun. Gusto mo mag apply?"
"Hmmm Malaysia? Diba malapit lang dito yun sa pinas? Magkano daw sahod?" tanong niya.
"Di ko din alam eh. Malalaman natin yan pag nag apply tayo at natanggap. So ano? Go tayo?"
"Ipapaalam ko muna sa ate ko. Pero kung mag aapply lang naman sige. Gusto ko din maranasan ang mainterview para pag nag apply ako eh sanay na ako sumagot. Parang stepping stone lang ba." ani Edward.
"Oo nga ganun na nga. Yun din kung papayag si Mama. Pero after naman ng graduation yun. Mahirap mabakante. Maganda yun may offer agad tayo bago pa tayo ga-graduate" tugon ko.
"Tama ka diyan. Pag iisipan ko yan at sana payagan ako ni ate."
"Sana nga payagan ka at payagan din ako para mag kasama tayo sa ibang bansa. Ma so-solo na kita heheh" ani ko.
"Baliw!" patawa niyang batid.
Nagpatuloy pa rin kami sa pag uusap hanggang sa napag desisyunan na rin naming umuwi. Naging normal ang takbo ng aming pag aaral at todo focus kami upang matapos namin lahat with high grades at sinigurado namin na mag mamarcha kami suot ang mga toga namin sa darating na graduation.
Napag usapan na rin naming tatlo nila Yeth at Edward ang plano naming mag apply sa agency para makapag trabaho kami sa ibang bansa. Pumayag naman ang aking Inay sa aking plano na mag trabaho sa Malaysia at sinabing suportado niya ako sa aking desisyon. Kahit si Edward ay pinayagan din mag apply ng kanyang ate at masaya niya akong inalok na tumuloy sa kamag anak nila sa Paranaque habang kami ay nag aaply.
Nang makaluwag luwag kami sa aming schedule sa school at napag pasyahan namin nila Yeth na mag punta ng Maynila upang mag pasa ng aming mga resume sa sinabi niyang Agency. Nagtungo kami sa Maynila at tumuloy muna kami nila Edward at Yeth sa Cavite kung saan nakatira ang tiyahin ni Yeth at dun kami tumuloy.
Dahil din naman sa pag aaral namin ay di rin kami nag tagal sa Maynila. Pagkatapos namin mag submit ng resume sa agency ay umuwi rin kami agad sa Baguio.
"Panu kung matanggap tayo? Tutuloy ka ba sa Malaysia?" tanong ko kay Edward habang nasa biyahe pauwi.
"Hindi ko pa alam eh. Depende rin sa sitwasyon. Eh ikaw?" tugon niya.
"Ganun din ako. Di pa final ung desisyon ko about that." sagot ko.
Pinag usapan namin ang mga pwedeng mangyari sa amin pag kami ay nakaalis. Marami kaming plano at kasama na rin dun ang pag aaply sa abroad. Sa mura naming edad ay tila napaka bata namin mag abroad but on the other side. Magandang experience ito para sa amin.
Dalawang linggo matapos ang pag aaply namin sa agency ay nakatanggap kami ng mensahe na nag sasabing kelangan namin mag punta ulit sa agency para sa interview sa inapplyan naming trabaho abroad.
"Edward next week na yung interview natin. Sabi ni Yeth di daw siya makakasama at may defense sila sa Feasibility nila. How about you? Matutuloy ka ba?" tanong ko sakanya.
"Oo matutuloy ako. Sayang naman sana makahabol siya." sagot ni Edward.
"Oo nga eh. So anu plano natin?" ani ko.
"Sa Paranaque na lang tayo tumuloy sa isang ate ko. Dun sila nakatira. Tutal maluwag na rin ang schedule ko kaya makakapunta ako sa interview." ani Edward.
"Ako manmaluwag at wala na rin ako masyadong gagawin next week.So tuloy tayo ha?"
"Oo naman sige ako na bahala sa tutuluyan natin."
"Exciting naman yan. May privacy ka ba dun? Sana may sarili tayong kwarto....joke!!!!" patawa kong sambit.
"Loko loko mo talaga. Sige tatawagan ko na ate ko dun para masabihan siya na tutuloy tayo sa kanila next week. Bye!" pag papaalam niya.
Natuwa naman ako at matutuloy kami ni Edward sa interview namin sa Maynila. Masaya din ako sa idea na dalawa lang kami ang mag pupunta sa dun.'This is it. Masosolo ko si Edward at walang mga asungot hehe. Siguro pwede ko siya yayaing mag date or something. Basta dapat maging masaya kami.' sabi ko sa isip ko.
Madami akong nabuong plano dahil dalawa lang kami ni Edward ang mag pupunta ng Maynila. Madaming tumakbo sa aking isip kung paano namin susulitin na mag kasama kaming dalawa. Nakaka excite lang. 'Pero sana maging maayos din ang pag punta namin dun.Hindi lang puro kalandian. Hehehe. Anu ba itong naiisip ko. Basta excited na ako. Iniisip ko pa lang na dadalawa lang kami sa kwarto ay kakaiba na ang nararamdaman na ako brrrrr............'
----------------------------------------------------------------------
Sorry guys for this short chapter. Babawi ako sa mga next chapter. Malapit na rin ang eding siguro mga limang chapter na lang. Labyu Guys. Salamat sa pag babasa!
-grei
PS: Vote and Comment please.....
BINABASA MO ANG
Wala ng Iba
RomanceA story about friendship, trust, and love. Ating lasapin ang isang pagkakaibigan, barkadahan, at ang pagsibol ng isang pag ibig sa di inaasahang pagkakataon. Isang storya na hango sa aking buhay pag ibig. Abangan natin si Grei at Edward at kung paa...