CHAPTER 12: Hidden Feelings!

45 2 4
                                    

Agad kong binuksan ang aking cellphone upang mabasa ang kanyang limang mensahe para sa akin.

TEXT:

Edward: Sorry hindi ko nasagot tawag mo :(

Edward: Huy?

Edward: Nasa labas kasi ako kanina.

Edward: Hello tatawag na ako?

Edward: Tulog ka na ba?

Napangiti naman ako sa mga text message niya ng aking mabasa ang lahat ng ito. Hindi na ako nag reply pa at tinuloy ko na ang aking pag tulog. Mag papakipot muna ako konti at bukas ko na lang siya tatawagan ulit.

Nagising ako ng maaga dahil maaga din naman ako nakatulog kagabi. Alas siete pa lang ng umaga at sabado ngayon, walang pasok sa school ngunit bumangon na ako para makapag luto ng breakfast namin. Next week ay maluwag na ang mga schedule namin at tanging completion na lang ng mga requirements ang gagawin namin para sa pagtatapos ng semester na susunod na linggo.

Relax mode muna at gusto ko gumala ngayong araw na ito. Naisipan kong tumawag kay Edward at sa tingin ko ay gising na rin yun at mag a-alas nuebe naman na ng umaga pag tingin ko sa orasan. Kinuha ko ang aking cellphone sa kwarto at i-denial ang number ni Edward at nag simula ko na siyang tawagan.

Nag ring ng dalawang beses at agad naman niya itong sinagot. "Hello good morning" bati ko kay Edward sa phone.

"Hello! Sorry late reply na ako kagabi." ani niya.

"Ayos lang yun. Nakatulog na rin ako kagabi kaya hindi ko na nagawang mag reply sa mga text messages mo sa akin."

"Kamusta ka naman? At bakit ka nga pala natawag kahapon?"

"Ah tungkol sana sa..........tungkol sana dun sa ano...sa may outing ulit daw sa Tarlac. Alam mo na ba tungkol dun?" hindi ko magawang itanong ang gusto ko talagang itanong sakanya kaya nasabi ko na lang tungkol dun sa outing namin.

"Ah oo nasabi na sa akin ni Apol at Yeth. Nilapitan ko yung upuan nyu dun sa food court pero nakaalis ka na." batid niya.

"Buti nasabi na nila sa iyo. So sasama ka ba?"

"Oo naman sasama ako. Nag paalam na rin ako kay ate at pinayagan naman ako tutal eh sembreak naman natin. Ayaw ko naman ma bored dito sa bahay habang kayo eh nag eenjoy sa kila Geng hehe"

"Masaya nga yung plano nila. Para ma refresh mga utak natin tapos ng semester na ito."

"Tama ka jan."

"May plano ka bang lumabas ngayon?"

"Oo may lakad ako ngayon. Punta lang ako sa isang friend ko." sagot ni Edward.

"Ganun ba. Sige ako na lang lalabas at baka mag punta na lang ako sa boarding house nila Yeth."

"Cenxa na ha hindi ako makakasama. Anu ba gagawin mo dun?" paumanhin niya.

"Wala kasi ako gagawin dito sa bahay at na bobored lang din ako kaya naisip kong bisitahin sila sa boarding house."

"Ok next time na lang ako sasama"

"Oh sige. Kumain ka na ba?" tanong ko.

"Di pa eh at halos kagigising ko lang din nung tumawag ka. Ikaw ba?"

"Tapos na ako. Maaga ako nagising eh at ako na rin nag luto." sagot ko.

"Wow! Sarap siguro ng niluto mo?"

"Aba siyempre naman. Fried rice at beef tapa."

"Nakakagutom naman!"

"Sige kumain ka na nga at maliligo na rin ako."

Wala ng IbaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon