CHAPTER 19: Friendzone? :(

53 1 0
                                    

Gabi na ng makarating kami ng Maynila at agad naman kaming dumeretso sa Paranaque kung saan kami tutuloy ni Edward. Halos isang oras din ang biyahe namin sa jeep ng makarating kami sa bahay ng kanyang ate.

"Andito na pala kayo. Tamang tama nakaluto na rin ako!" ani Ate ni Edward.

"Ate si Grei nga pala friend ko. Siya yung kasama ko na mag a-apply sa agency papuntang Malaysia" pag papakilala sa akin ni Edward.

"Nice meeting you Grei! Welcome sa house namin!" ani Ate.

"Hello po nice meeting nyu din! Salamat po ate!" ani ko.

Agad na rin kami dumeretso sa hapagkainan upang tugon sa pag papaunlak ng ate ni Edward sa amin. Masaya kami nag kwentuhan kasabay ang mga pamangkin ni Edward at ang kanyang Ate at asawa nito. Matapos naming mag hapunan ay dumeretso na rin kami sa kwarto na inalok sa amin ng ate ni Edward.

"Dito tayo sa kwarto ng isa kong pamangkin. Mabait ang ate ko na ito." ani Edward.

"Pansin ko nga mabait talaga siya. So dalawa lang tayo dito?" pangiti kong tanong.

"Oo naman bakit ayaw mo?" sagot ni Edward.

"Hindi naman sa ganun. Gusto ko nga eh kasi ano....."

"Ano? haha loko.."

Nagpahinga na rin kami at nakatulog agad dahil sa pagod sa biyahe. Maaga pa ang pagpunta namin sa agency bukas kaya napagpasyahan namin magpahinga muna.

Kinabukasan ay maaga kaming bumangon ni Edward at inihanda ang mga kailangan namin tulad ng aming mga resume at iba pang credentials para sa pag a-apply namin ng trabaho. Matapos din naming mag umagahan ay nag paalam na rin kami sa ate ni Edward at agad na rin kaming tumungo sa agency. Sa sobrang traffic dahil inabutan kami ng rush hour ay halos 2 oras ang biyahe namin nang makarating kami sa agency.

"Grabe naman halos wala pang limang minuto yung itinagal natin sa agency na yun. Mas matagal pa tayo nag biyahe eh." ani ko.

"Oo nga eh grabe traffic dito sa maynila. Di na nag bago." ani Edward.

"So saan tayo ngayon? Anu balak mo?" tanong ko.

"Punta tayo sa Mall of Asia!" alok ni Edward.

"Oo sige tara! Nagugutom na rin ako. Dun na tayo mag lunch" tugon ko.

Nang makarating kami sa MOA ay tumungo na rin kami sa isang restaurant upang kumain. Napag usapan namin ang pag aapply namin sa Malaysia at kung anu anu pa. Habang kami ay masayang nag uusap ay bigla naman nag ring ang cellphone ni Edward at agad siyang tumayo at lumabas ng restaurant upang sagutin ito.

Makalipas ng sampung minuto ay bumalik si Edward at napansin ko ang napa kalungkot niyang mukha. Napansin ko rin ang unti-unting pag bagsak ng kanyang mga luha na agad naman niyang pinunasan gamit ang paper napkin. 

"Edward? Anung nangyari sa iyo? Ok ka lang ba?" pag aalala kong tanong sakanya.

"Wala ito. Kalimutan mo na lang" maikli niyang sagot.

"Yan ka nanaman. Sabi ko naman sa iyo na pwede mo akong sabihan ng mga problema mo. Tungkol saan ba?" ani ko.

Bago siya sumagot ay napansin ko ang muling pangingilid ng kanyang mga luha sa mata. "Break na kami." sagot ni Edward.

"What?? Bakit daw?? Sino yung jowa mo??" pabigla kong tanong.

"Oo. Tumawag siya sa akin. Pinag bintangan niya akong merong iba at may proof daw siya. Ewan ko bahala siya." sagot ni Edward.

Tuluyan ng lumuha ang mga mata ni Edward at binigyan ko naman agad siya ng paper napkin upang punasan ang mga mata niya. Hinawakan ko ang mga kamay niya bago ako nagsalita.

"Panu naman niya nasabi iyong mga yun? Totoo ba na meron kang iba? Sino ba kasi yun?" tanong ko sakanya.

"Hi-hindi totoo yung mga paratang niya sa akin. Ba-baka gusto na lang talaga niya makipag hiwalay." sagot niya habang umiiyak.

"Hmmm so wala kang pang iba....hmmm....baka nga gusto lang niyang makipag hiwalay sa iyo. Sino ba kasi yun? Ang landi naman nung babaeng yun!"

Tumingin siya sa akin bago siya mag salita. " Kelangan ko na rin siguro aminin sa iyo kung sino siya."

"Sige makikinig ako" tugon ko.

"Ipangako mo lang sa akin na kung ano man ang sasabihin ko sa iyo ay sa atin lang dalawa"

"Pangako. Sa atin lang dalawa hindi ko sasabihin kahit kanino."

Yumuko si Edward at iniwas ang tingin sa akin. "Actually hindi siya babae. Lalake ang jowa ko. Nakipag break na sa akin ang boyfriend ko.

Nanlaki ang aking mga mata sa kanyang mga rebelasyon at hindi ako nakapagsalita hanggang sa tinuloy ni Edward ang kanyang pag kukwento.

"Kilala mo siya Grei. Model siya ng university natin yung maraming picture sa tarpaulin sa labas ng school. 6 months na rin kaming may relasyon." pag amin ni Edward.

"Ganun ba. Hindi ko alam ang sasabihin ko Edward. Pero parang may idea na ako dati" tugon ko sa kanyang sinabi.

"Ha? Paano? Alam mo na dati pa?" pabigla niyang tanong.

"Well hindi naman sa alam ko na pero parang nag karoon lang ako ng idea. Remember nung time na mag kasama tayo sa session habang pauwi na? Diba sinabi mo sa akin na mauna na ako dahil may aantayin ka pa. Ayun nakita ko kung sino yung dumating pero hindi ko lang namukhaan. So inisip ko baka yun ang jowa mo kaya tinatanong kita dati kung sino yung ka relasyon mo" pag e-explain ko sakanya.

"Ah oo siya nga iyon. May hinala ka na pala sakin dati."

"Oo naman pero siyempre nirerespeto kita kaya hindi na kita kinukulit nung sinabi mong wag natin pag usapan. Pero thank you at sinabi mo sa akin ngayon kung sino siya. At least alam kong pinag kakatiwalaan mo ako" sambit ko.

"Malaki ang tiwala ko sa iyo kaya sinabi ko na rin." tugon niya.

"Ang pogi pala ng jowa mo. Este ng ex mo" patawa kong sabi.

"Pogi nga may attitude naman hayz" ani Edward at ngumiti.

"Wag mo na isipin yun. Basta dapat maka graduate tayo at makapag work na rin. Yun ang mahalaga ngayon para sa atin."

Bakas pa rin ang lungkot sa mukha ni Edward kaya muli kong hinawakan ang kanyang mga kamay. "Tandaan mo andito lang ako lagi para sa iyo Edward. Wag ka na malungkot please? Makaka move on ka rin. Tutulungan kita. Diba promise ko sa iyo magiging masaya ka pag kasama mo ako? Kaya sana wag ka na malungkot." ani ko.

"Salamat ulit ha. I want you to know that you never fail to make me happy. Salamat at lagi kang andiyan para sa akin. Salamat at may nasasabihan ako ng mga problema ko sa aking love life" ani Edward.

Hinawakan ko ang kanyang baba (chin) at inangat ang kanyang mukha. "Ngiti ka na. Sige papangit ka pag nakakunot ang mukha mo. I love you Edward!" 

Agad din siyang ngumiti at hinawakan ang aking kamay na nasa kanyang baba (chin) at pinisil ang mga ito. "Salamat Grei. Pero sa ngayon friends lang muna tayo ha? Hindi pa ako ready pumasok sa isang relasyon habang kaka break ko pa lang sa jowa ko." sambit ni Edward.

Nakaramdam ako ng kirot sa aking puso pero hindi ko pinakita kay Edward ang aking naramdaman sa kanyang mga sinabi. "Okay lang yun. Diba sabi ko naman sa iyo na mag aantay ako. Mahal kita at totoo yun. I believe that true love waits" pangiti kong batid.





-----------------------------------------------------------------------------------------

Keep falling in love guys!

-grei

Wala ng IbaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon