Author's Note:
I saved this chapter for the valentines guys. Sana kiligin kayo kahit konti. Eto na po ang chapter 17. Thank you for reading and Happy Valentines to all! <3 <3 <3
---------------------------------------------------------------------------------
"Kuya Bhadz anu nananaman ang balak mo ha?" bulong ko sakanya.
"Ok Grei dahil sa ikaw ang naituro ng bote..........just answer my question.......Truth or Dare?" batid niyang may halong nakakalokong ngiti.
Tila may binabalak itong si Kuya Bhadz na hatala sa kanyang mga ngiti. Pag pinili ko ang truth...baka paaminin niya ako kung sino ang type ko sa barkada. Alam niya ang nararamdaman ko kay Edward at ayaw ko pang sabihin sa barkada yun kaya naman sumagot ako. "Dare....."
"Hmmm....Dare? Ok.....This is your consequence.........Kiss the person on my left for five seconds.....On the lips...Kung pwede torrid.." patawa niyang sabi na siya namang ikinabigla ko. Hindi ko rin inexpect ang dare na ibibigay niya sa akin. Nakita ko naman ang reaction ni Edward na nanlalaki ang mga mata at may binubulong kay Kuya Bhadz na hindi ko marinig.
Umiiling lang si kuya bilang hindi pag sangayon sa sinasabi ni Edward sakanya. Agad din nag tilian ang mga babaeng kasama namin at kinalapag pa ang lamesa upang iudyok at ituloy ang aming pag hahalikan ni Edward.
"Go na!! Bawal ang KJ dito! Woooooo!" patili ni Yeth.
"Oo nga push mo yan Grei! Five seconds lang naman eh!" ani Unity na tila'y kinikilig.
"Okay lang yan Grei at Edward wala naman lalabas. What happens here will stay here!" sambit naman ni Edna.
Sa sobrang pressure ko ay kinuha ko ang bote ng alak at tinungga ko ito at uminom ng isang basong chaser. Halos masuka suka naman ako at naramdaman ko ang spiritu ng alak na sumapi sa aking katawan at unti-unti ako nahilo.
"Kelangan ba talaga five seconds?" Narinig kong sinabi ni Edward.
"Oo noh. Bakit ayaw mo?" ani Kuya Bhadz.
"Ang tagal naman nun kasi." reklamo ni Edward.
Agad naman akong tumayo sa aking kinauupuan at tumabi kay Edward. Nag tilian muli ang aming mga kasamahan and this time pati mga lalaki. Sobrang pressure na ang binibigay sa amin ni Edward ng aming barkada kaya gusto ko na itong gawin at tapusin agad. Anu ba naman ang limang segundo and besides mahal ko naman si Edward. Pero ang ikinababahala ko lang ay ang magiging reaction ni Edward after.
Pinakita ko sa aking barkada na hindi ko kagustuhan ang dare na binigay nila sa akin ngunit iyon ay palabas lamang. Sa totoo lang ay matagal ko nang gustong mahalikan ang mga labi ni Edward kaya naman ang pag inom ko ng alak ay isang pampalakas ng loob para saakin.
"Edward sorry ha. Dare lang naman. Gawin na natin ito para matapos na" bulong ko kay Edward ng humarap na ako sakanya.
"Ayos lang. Sige gawin na natin" bulong niya pabalik.
Biglang nanahimik ang aming barkada at lahat ng mga mata nila'y nakatutok sa aming dalawa. Sobrang kaba ang nararamdaman ko ngayon. Ito ang unang beses na mahahalikan ko si Edward kahit hindi ko pa sinasabi kung anu talaga ang tunay na nararamdaman ko sakanya.
Muli akong lumapit sakanya at hinawakan ang kanyang kanang mukha gamit ang kaliwa kong kamay. Pinagmasdan ko muna ang kanyang mukha na sa ngayon ay nakapikit na. Sinara ko na rin ang aking mga mata at unti-unting idinampi ang aking mga labi sakanya.
Nung unang tatlong segundo ay smack kiss lang ang ginawa ko. Ngunit naramdaman ko ang pag buka ng kanyang bibig at nag lapat na ng tuluyan ang aming mga labi. Gumaan ang aking ulo at buo kong katawan. Hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman. Alam kong nangingibabaw ang sobrang saya ngunit may halong kaba.
BINABASA MO ANG
Wala ng Iba
RomanceA story about friendship, trust, and love. Ating lasapin ang isang pagkakaibigan, barkadahan, at ang pagsibol ng isang pag ibig sa di inaasahang pagkakataon. Isang storya na hango sa aking buhay pag ibig. Abangan natin si Grei at Edward at kung paa...