"Gisingin mo na nga Grei. Anung oras na oh!" Isang boses ng babae ang narinig kong nag salita na nagpagising sa akin sa pagkakatulog.
"Sige ako na bahala." Sambit ng isang lalake.
Pag mulat ko ng aking mata ay siya naman ang pag pintig ng sakit sa aking ulo ngunit wala na ang tama ng alak. Ikinalat ko ang aking tingin at napansin ko na nasa loob ako ng isang kwartong pamilyar sa akin. Naka higa ako sa ilalim ng isang double decker na kama at nakita ko ang pinto na bumukas at iniluwa nito sila kuya Bhadz at Edna at agad na silang pumasok.
"Grei alis na tayo. Alas nuebe na ng gabi. Siguro naman nahismasmasan ka na jan sa sobrang lasing mo kanina" ani Kuya Bhadz. Di agad ako nakapag salita at tinakpan ko lang ang aking mukha ng unan.
"Hoy wag yang unan ko at mangangamoy ano yan!.....yucky ka talaga kanina!" pagtawang sambit ni Edna.
"Paano ako nakarating dito?" tanong ko sakanila dahil wala talaga akong naalala.
"Inalalayan kita kanina at hindi magandang makita ka ng mga boarders na natutulog sa sala" ani Kuya Bhadz.
"Ganun ba. Salamat. Gabi na pala. Tara na at maka uwi na tayo. Ang sakit ng ulo ko pa rin. Gusto ko na mag pahinga" ani ko.
"Kumain ka muna kaya?" ani Edna.
"Di na baka ilabas lang din ng sikmura ko" pagtanggi ko.
"Nilinisan ni Kuya Bhadz kanina yung irrigation sa labas at binuhusan ng tubig. Alam mo na nangangamoy" pangiting sabi ni Edna.
"Loko ka. Ang hina ko kasi uminom pero pinainom niya ako!" sabay turo ko kay Kuya Bhadz.
"Hoy ikaw ang may kagustuhan na uminom ng marami noh. Aba ako pa sinisi mo!" patawang sagot ni Kuya.
"Sorry naman" ani ko.
"Palibhasa may pinag dadaanan ang friendship natin!" ani Edna.
"Oo nga eh" ani Kuya Bhadz.
Nanlaki naman ang mga mata ko at tila ako ang pinag usapan nila kanina habang ako ay natutulog. Binigyan ko sila ng isang matalim na tingin sabay hawak sa aking kumikirot pa rin na ulo. "Ako nanaman topic nyu kanina mga epal kayo. Tara na nga!" ani ko.
"Hot issue ka ngayon eh" sabay halakhak ni Edna.
"Tumigil nga kayo! Sinabi nyu ba sa iba?" tanong kong may pag kabigla.
"Hindi noh. Bago pa dumating yung mga girls kanina eh di na namin pinag usapan yun. Alam naman namin na hindi mo pa sinasabi sakanila" batid ni Edna.
"Buti naman. Wala rin akong balak saabihin sakanila. Si Edward nga di pa alam na may gusto ako sakanya. Nauna pa kayo" pangiti kong sabi.
"Hay naku basta diskarte mo yan. Saka na natin toh pag usapan." ani Edna.
Agad na rin ako tumayo at bumaba na rin kami galing sa kwarto palabas ng boarding house. Bago pa kami makalabas ay nakita ako si Unity at Eph na nasa sala habang nanunuod ng TV. "Boss alis na kami. Cenxa na nilasing kasi ako ni Kuya Bhadz!" sambit ko habang narinig ko naman si kuya Bhadz na tumutol sa aking sinabi.
"Oh Grei gising ka na pala. Di mo na naabutan sila Yeth at Geng. Umuwi na sila sa Tarlac kanikanina lang." Batid ni Eph.
"Ganun ba? Kelan daw tayo papasyal sakanila?" Tanong ko.
"Day after tomorrow. Nasabihan ko na rin lahat. Si William lang ang di makakasama. Si Ronald naka uwi na rin sa Tarlac." sagot ni Eph.
"Ah okay sige. Pag usapan na lang natin yan bukas ha. Mauna na ako sakit talaga ng ulo ko eh".
BINABASA MO ANG
Wala ng Iba
RomanceA story about friendship, trust, and love. Ating lasapin ang isang pagkakaibigan, barkadahan, at ang pagsibol ng isang pag ibig sa di inaasahang pagkakataon. Isang storya na hango sa aking buhay pag ibig. Abangan natin si Grei at Edward at kung paa...