"Mga boss!!!" Bumungad si Glenn sa pintuan dala ang maaliwas na ngiti. "Meet my new friend Bhadz!" Pag papakilala niya sa kanyang kasama. Di naman lingid sa aming kaalaman ang tunay na sexualidad Glenn. Matangkad siya, maputi, gwapo, ngunit mahinhin mag salita at pala ingles pa.
Pinakilala niya saamin si Bhadz na animo'y nahihiya pang mag salita at amin itong pinapasok. Di katangkaraan, moreno, may katabaan at simpleng manamit with jeans at jacket lang ang get up. "Hello guys. I'm Bhadz. Friend ko si Glenn at kaka shift ko lang mula engineering to HRM. Sinamahan ako ni Glenn para mag enroll kanina sa department nyo."
"Hi Bhadz nice meeting you. Welcome sa HRM family at welcome na rin sa barkada namin." batid ni Yeth.
"Hello Bhadz I'm Apol. Eto namang si Yeth di agad nag pakilala. Yan si Yeth. Yung nasa dulo nag babasa ng pocket book eh si Unity. Etong katabi na pogi eh si Edward. At yung dalawang makulit dun, yan si Edna at Grei." Pakilala ni Apol samin. Kumaway lang si Edward at ngumiti. Si Unity naman ay lumapit kay Bhadz upang bigyan ng welcome hug. Sweet talaga etong si Unity dahil na rin siguro sa pag babasa ng nobela sa pocket book My Precious Romance blah blah.
Nag tinginan naman kami ni Edna at napangiti sa isa't isa. "Oh hi I'm Edna!"
"Grei nga pala." sabay abot ko ng aking kamay. Napansin ko ang lagkit ng kanyang tingin saken ngunit hindi ko na lang ito pinansin.
"Nice meeting you. And nice meeting all of you guys!"
Naupo na kami sa aming mga kinauupuan at nag simula ulit mag salita si Yeth tungkol sa plano namin. "Actually timing ang pag dating nyu mga boss. Nag paplano kami na mag out of town tayong lahat sa La Union sa province nila Grei. Maganda ang mga beaches dun or kung gusto nyu mag swimming pool na lang tayo what do you think?"
"Naku Yeth di ka pa ba nag sasawa sa tubig ng swimming pool sa university? Mag beach na lang tayo tutal madami namang sirena sainyo." Batid ko habang nag tawanan naman ang iba saamin.
"Hay naku boss kaya ko nga kayo tinatanung diba. Oh well sabagay mag beach na lang tayo mas maige pa at ng makapag bonfire pa tayo sa gabi. Overnight tayo dun ha. Sa isang araw na natin toh gagawin pag dating nila April at Geng galing province." Paliwanag ni Yeth.
Tila nag agree naman ang lahat sa plano at wala naman kumontrang iba bukod sakin. "Ok then. Sasabihan ko na lang sila Geng at April mamayang gabi. Tatawagan ko na lang sila." Ani Apol.
"Teka lang mga boss. Sino ang magluluto at mamimili ng mga dadalhin natin sa dagat?" Sabat ni Unity na akala ko'y nasa pocket book lang ang pag iisip.
"Anu ka ba Unity mga HRM tayo kaya walang problema sa pag luluto." Sagot ni Yeth.
"Tama! And para hindi hassle satin eh sa La Union na lang din tayo mamalengke ng mga sangkap sa lulutuin nating mga putahe. Mas fresh at mas mura pa dun." Batid ko.
Sa probinsya namin sa La Union ay malapit lang ang dagat at ang palengke at kung anu anu pang mga main establishment tulad ng simbahan at munisipyo mula sa bahay namin. "Nice! I'm gonna cook international dish for us mga boss. I'm planning to put that up on a competition this semester. I need to practice a lot dahil isasali daw ako ni Dean sa competition" pa hinhin na pagkakasabi ni Glenn"
"Naku iba talaga tong si Glenn. Ang hangin talaga ng dating. Edi siya na!" Bulong ko kay Edna.
Napangiti naman si Edna sa sinabi ko sakanya. "Make sure Glenn at maiimpress mo kami sa lulutin mo ha. Dapat masarap yan." Siniko ko si Edna at baka mahalata ni Glenn na siya ang pinag uusapan namin.
Habang nag didiskusiyon sila kung sino ang mga mag luluto ay napatingin naman ako kay Edward, sakto naman na nakadikit ang tingin niya sakin kaya tumaas ang aking dalawang kilay. "Baket?" tanong ko sakanya.
"Ha? Ah eh wala. wala." Pa ilang niyang sagot muling at ibinaling ang tingin sa ibang mga kasama namin na nag uusap usap.
Medyo nairita naman ako sa kanyang katahimikan kaya muli kong kinuha ang kanyang atensiyon. "Edward. Anu balak mo? I mean anu gagawin mo? mag luluto ka rin ba? O mamamalengke?" tanung ko.
"Ah eh bahala na." maikli nyang sagot. Hindi na siya muling umimik pa kaya naman di ko na rin siya tinanong. Nakita ko si Bhadz na wala ring kibo at tila nahihiya pa rin na sumali sa usapan ng barkada.
"Bhadz anung course mo dati?" tanung ko.
"Civil Engineering." sagot niya.
"Ay talaga ba? eh bakit lumipat ka sa HRM ang ganda nga ng course mo eh?" ani ko.
"Wala sa Engineering ang passion ko kaya naisipan ko na lang mag HRM. Matagal ko ng gustong kumuha ng HRM or Culinary pero yun kasi ang pinakuha ng parents ko."
"Ganun ba? So gaano ka naman katagal sa Engineering?" tanong ko.
"4th year na dapat ako this semester pero talagang hindi ko gusto ang kurso na kinuha ko." ani ni Bhadz.
"Oh my gulay! Grabe naman!"
"Ganun nga. Pero masaya ako dahil pinayagan na ako ng parents ko kunin ang gusto kong kurso" sambit niya.
"Grabe talaga! Edi ang tanda mo na? Oh my? Ilang taon ka na? edi kuya ka na namin?"
Di maipinta ang mukha niya sa reaction ko pero sa huli ay napatawa siya. "Maka grabe ka naman. Oo mas matanda ako sainyo. Well tulad nga ng sinabi ko. Passion ko ang mag luto kaya nag shift ako." ani Bhadz.
"So dapat pala ginagalang ka namin. Mga boss. Meet our New Boss in the house. Kuya Bhadz 4th year Engineering student at ngayon ay HRM na wahoooo!" Napatawa naman ang iba at yung iba nag palakpakan pa sa pag papakilala ko ulit kay Kuya Bhadz. Simula nun ay tinawag na namin siyang Kuya sa grupo namin.
Di namin namalayan ang oras at umabot na kami ng alas siete ng gabi at nag desisyon na na mag siuwian sa kanya kanya naming mga bahay. Habang abala naman sila Unity at Yeth na nag luluto ng hapunan nila sa boarding house. Inalok pa kami na mag hapunan na lang doon ngunit tinanggihan na lang namin ito. Siyempre budgeted ang food allowance nila at ayaw na namin maki salo upang mag kasya sakanila ang ihahain nilang pagkain sa boarding house.
Kasama sila Glenn, Bhadz, Apol, Edward, at ako. Sabay sabay na kami nag paalam sa mga barkada namin sa boarding house. Sila Glenn at Bhadz ay sabay nag jeep pauwi habang si Apol ay nag taxi. Kami ni Edward ay nag lakad muna pababa ng session road.
"Grabe ang lamig noh?" Ani ko.
"Oo nga eh."
Ringggggggggggggg!!!!! Napansin kong may tumatawag sa cellphone ni Edward kaya napatigil kami sa gilid ng daan. Habang siya ay lumayo sakin ng kaunti upang di ko madinig ang pag uusapan nila ng caller niya sa cellphone niya. Pag kalipas ng limang minuto ay lumapit sakin si Edward.
"Boss una ka na umuwi. May aantayin pa ako dito."
"Tignan mo toh! Kala ko sasabay ka na saken eh. Sige mag text ka na lang pag nakauwi ka na. Kargo pa kita kung anu mangyari sa'yo dito." Ani ko.
"Oo mag tetext na lang ako salamat." Sagot niya.
Iniwan ko na siya habang nakatayo siya sa gilid ng daan malapit sa pinto ng isang fastfood restaurant. Ng makalayo na ako ay agad naman akong lumingon at napansin ko na dumating na ata ang isang lalaki na hinihintay niya at dahil sa kalayuan ay di ko maaninag kung sino ito.
A little vote and comment would so much appreciated. Guys comment nyu mga saluobin niyo sa kwento ha. Thank you. Please fill up my appetite to write by your precious comments thanks :D
BINABASA MO ANG
Wala ng Iba
RomansaA story about friendship, trust, and love. Ating lasapin ang isang pagkakaibigan, barkadahan, at ang pagsibol ng isang pag ibig sa di inaasahang pagkakataon. Isang storya na hango sa aking buhay pag ibig. Abangan natin si Grei at Edward at kung paa...