Nagsimula na nga 2nd semester namin sa Unibersidad at isang taon na lang ay gagraduate na kami. Nanatili ang masayang samahan naming mag babarkada at patuloy naman ang pagiging malambing ko kay Edward at iniwasan ko na rin ang mga biro ko sakanya dahil sa nalaman ko na medyo pikon pala ito. Napansin ko din ang pagbabago ng kanyang pakikitungo sa akin at tila'y sinusuklian niya ang aking pagiging malambing. Nagiging sweet na rin siya in fairness naman sakanya.
Napapadalas ang pag labas-labas namin ni Edward lalo na ang pag punta namin sa OMG restaurant na paborito namin kung saan kami nag ka-kape o kumakain ng meryenda. Mas lalo namin nakilala ang isa't isa at umabot na sa punto na nagsasabi na rin siya sa akin ng kanyang mga problema pero hindi naman masyadong heavy drama.
Minsan, napapansin ko siyang may ka text at naluluha pa ito habang binabasa niya ang mga mensahe sa kanya ang kung tama ang aking kutob ay galing ito sa kanyang jowa at marahil nag aaway sila. May isang hapon na magkasama kami at biglang may tumawag sa kanyang cellphone. As usual lumayo siya sa akin konti pero dinig ko ang kanilang pag tatalo kung saan napapasigaw pa si Edward sa kanyang kausap sa phone.
Pilit ko man siyang tanungin kung anu ang problema niya sa kausap niya ngunit ang sinasabi lang niya sa akin ay okay lang siya at kaya niya lutasin iyon mag isa basta wag na lang daw namin pag usapan at masaya naman siya pag ako ang kasama niya. "Ah so ako ang clown mo? Kulang na lang mag damit ako ng pang payaso eh gusto mo?" ani ko.
"Hindi naman sa ganun. Masaya lang ako na ikaw ang kasama ko dahil parang nakakalimutan ko mga problema ko at tulad nga ng lagi kong sinasabi sa iyo eh gumagaan ang loob ko pag kausap kita." batid ni Edward.
"Eh yun naman pala eh. Bakit ayaw mo sabihin yang problema mo? Sa jowa mo yan siguro? Hindi mo pa pinapakilala ah? Taga dito ba talaga yan sa Baguio? Alam mo Edward, pwede mo naman sabihin lahat ng problema mo sa akin eh para mas lalong gumaan yang kung anu man ang bumabagabag sa iyo."
"Ok nga lang ako. Please wag na natin pag usapan yun. Gusto ko masaya lang tayo. Pwede ba yun?"
"Sige na po. Opo kung yun po ang gusto mo. Susundin ko na lang po." ani ko.
"Salamat ha"
"Oh tama na ang drama. San mo gusto pumunta? Gala tayo sa SM gusto mo?"
"Kahit saan ikaw na bahala."
Nag pasya kaming magtungo sa SM at nag lakad lakad kami sa Session road pagkagaling namin sa school. Hapon na yun at medyo nag didilim na. Habang nag lalakad kami ay napansin ko naman si Edward na naka head set. "Anu? Ganyan ka na lang? Mag kasama nga tayo pero ang isip mo wala dito." sambit ko.
Agad niya tinanggal ang headset sa kanyang tenga at nag tanong kung anu ang sinabi ko sakanya at hindi daw niya narinig. Inulit ko ulit ang sinabi ko sakanya at agad naman siya tumawa. Nagulat na lang ako sa sumunod na nangyari. Nilagay niya ang isang pares ng headset sa kaliwang tenga niya at nilagay ang isang pares aking kanang tenga.
Binigyan niya ako ng isang matamis na ngiti at sabay sabing "Oh ayan para napapakinggan mo ang musika ko. At mag kakarinigan din tayo at the same time.
Hindi ko maipaliwanag ang naramdaman ko sa pagkakataon na iyon. Parang pinag halo ang lamig at init sa aking katawan na siya namang nag dulot ng pamumula sa aking pisngi. Naramdaman ko iyon sa aking mukha sigurado ako. 'Ako kinikilig sa ginawa niya? Aba matinde itong si Edward. Sa maliliit na bagay na ginagawa niya eh napapakilig niya ako? Ayus ah?' Sabi ko sa aking isip.
Hindi ako nakapag salita sa kanyang ginawa kaya sinuklian ko na lang ng ngiti ang kanyang sinabi sa akin. Nag patuloy kami sa pag lalakad ng bigla akong makaramdam ng pananakit ng aking ulo. Agad kong inilagay ang aking kamay sa kaliwang bahagi ng aking noo at pinaikot ko ang aking mga palad para maibsan ang sakit. Napansin naman ito ni Edward at tinanong ako kung ok lang ako.
BINABASA MO ANG
Wala ng Iba
RomanceA story about friendship, trust, and love. Ating lasapin ang isang pagkakaibigan, barkadahan, at ang pagsibol ng isang pag ibig sa di inaasahang pagkakataon. Isang storya na hango sa aking buhay pag ibig. Abangan natin si Grei at Edward at kung paa...