"Asan ka na? nandito na kaming lahat. Ikaw at si Edward na lang ang inaantay! Mag kasama ba kayo?!" Pairitang bungad ni Yeth sa cellphone ko nang aking sagutin ang tawag.
"Hindi ko siya kasama. Five minutes anjan na ako. Napuyat lang ako kagabi cenxa naman!" sagot ko. Late na rin ako nakatulog kagabi kakalaro ng computer games tapos ko mag ayos ng mga gamit na aking dadalhin sa outing namin.
"Naku naman Grei bilisan mo nga. Nakakuha na kami ng ticket. Binilhan ko na kayo ni Edward. Bayaran nyu ako ng doble at late kayo!" ani ni Yeth.
Natawa naman ako sa sinabi niya. "Aba pinagkakitaan mo pa ako. Sige na andito na ako sa taxi. Tawagan mo na rin si Edward para makaalis na tayo."
"Natawagan ko na siya bago ikaw noh! Kaya bilisan mo ok? Naku Pilipino Time ka kahit kailan!" Sabi ni Yeth.
"Ma, ipaharurot mo na tong kotse. Atat tong kasama ko. Kanina pa daw ako inaantay. (Sabi ko sa mamang driver). Oh ayan narinig mo? Pinaharurot ko na. Wag kang exicted jan. Malapit na ako jan sa terminal." Ani ko.
"Heller! Haha sige na. Eto kakarating lang ni Edward. As usual ikaw nanaman ang late! Bilisan mo ha! Bye!"
Tinignan ko ang aking orasan at 8am na nga pala. Ma le late nanaman ako ng limang minuto ayon sa aking pag tantiya ng oras ng dating ko sa terminal ng bus. Sakto nga ang aking tantya sa oras at nakarating din ako 8:05 AM. Nakita ko silang lahat na nag aantay na. Ang iba nasa bus na. Si Yeth, Edna at Edward ay naka upo sa isang bench at tila inaantay na lang ako. Nang makita nila akong bumaba ng taxi ay dali dali naman silang tumayo at sinalubong ako at sabay-sabay na kaming pumasok sa bus.
"Oh eto ticket mo langya ka ang tagal mo! May pa reminder ka pang nalalaman kagabi eh ikaw din naman etong na late ng bongga!" Ani Yeth.
"Oo na sorry naman! Akala mo naman aalis na yung bus. TIgnan mo oh hindi pa puno!" Sagot ko.
"So aantayin mo pang mapuno? Epal ka. Sana iniwan ka na lang namin! Bayaran mo na ako sa ticket!" Patawa niyang sabi.
Lumapit naman saakin si Edna at tinanong ako kung bakit ako na late. Napansin ko naman si Edward na naka ngiti lang pero walang sinasabi. Sinuklian ko rin naman siya ng ngiti at binaling ko ang atensiyon ko kay Edna.
"Kanina pa kayo dito?" Tanong ko kay Edna.
"Oo kanina pa. Mga fifteen minutes before eight andito na kami. Etong si Yeth ang aga gumising at nag luto agad ng umagahan. SIyempre dinamay na kami at ginising ng maaga para maka gayak agad. Alam mo naman kami madami pa rituales sa pag aayos ng katawan namin." Mahinhin na sagot ni Edna.
"Ganun ba? Excited lang yan. Eh panu di pa nakakaligo siguro sa dagat at gusto nang lumangoy mermaid style!" Sagot ko na siya namang ikinatawa ni Edna. Nakakuha na kami ng mga bakanteng upuan sa bus at tinabihan naman ako ni Edna. Habang si Yeth at Edward naman ang nasa harapan naming upuan.
Busy ang karamihan samin na nag se-selfie. Hindi mawawala ang mga moments na ganun. Siguro nga natural na lang gawin ang selfie lalo pag nag kakasiyahan.
"Guys guys! Tingin kayo sa camera! Post ko toh sa facebook. Dapat marami tayong pictures. Umpisahan na natin dito sa bus!" Ani ni Apol.
Agad naman kami sumunod sakanya at kanya kanyang wacky moments ang ginawa namin sa loob ng bus habang nag tatawanan at di maiwasan ang pag ka irita ng ibang mga pasahero ng bus sa aming ingay at magulong grupo. Di na lang namin sila pinapansin. Ayaw namin masira ang masayang moment na toh. Sadya talagang may mga Kill-joy na tao kainis!
Matapos ang bente minutos na pag hihintay ng bus simula ng makarating ako sa terminal ay tuluyan na ngang umandar ang sasakyan patungo sa aming destinasyon. Masaya ang lahat saamin at kanya kanyang trip. Ang iba saamin ay natulog muna, ang iba naman nag sa-sound trip. Habang kami ni Edna ay patuloy na nag se-selfie at nag tatawanan. Pupunuin daw niya ang album niya ng pictures naming mag babarkada lalo na kaming mga ka close niya.
BINABASA MO ANG
Wala ng Iba
RomanceA story about friendship, trust, and love. Ating lasapin ang isang pagkakaibigan, barkadahan, at ang pagsibol ng isang pag ibig sa di inaasahang pagkakataon. Isang storya na hango sa aking buhay pag ibig. Abangan natin si Grei at Edward at kung paa...