CHAPTER 6: Ang Misyon

46 0 0
                                    

  "Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhrrrrggggggggggggggggghhhhh!!! Ahhhhhhhhhhggghhhh!!!!!" Isang tili ng babae ang narinig ko mula sa tubig.

Nakita ko namang umahon sa dagat mula sa pag langoy ang aking barkda na nag eenjoy at napalitan ng takot ang kanilang mga mukha. Napansin ko na si Unity ay umiiyak habang hawak ang kanyang kaliwang kamay.

"Anu nangyari sa'yo Unity?" Tanung ni Apol na tumakbo pa mula sa kanyang kinaroroonan habang nakaupo sa buhanginan.

"Boss ang hapdi ng kamay ko. Parang hinampas ng belt. Ang sakit at ang hapdi. Feeling ko sinusunog ang kamay ko sa sakit!" Sagot ni Unity.

Nilapitan ko si Unity at at tinignan ang kamay niya. Namamaga ito at pulang pula. "Naku na dikya ka Unity! Masakit yan. Buhusan mo ng suka at asin! Saka mo iihaw!" Pabiro kong sabi.

"Boss naman eh. Ang sakit na talaga!" Paiyak na sabi ni Unity.

Lingid sa aking kaalaman ay naka sunod na pala si edward sa aking likuran. Bigla siya nag salita para kay Unity. "Ihian mo kamay mo para mawala ung pamamaga at mabawasan yung sakit na nararamdaman mo." ani niya.

"Kadiri naman yun. Pero kung yun lang ang lunas para maibsan ang sakit eh sige pwede na rin. Sino sainyo ang pwedeng umihi sa kamay ko?" Ani Unity.

"Ako na lang din gagawa. Umupo ka muna diyan sa buhangin at kukuha lang ako ng baso. Dun ako iihi para at ibubuhos ko sa kamay mo." sagot ni Edward.

Medyo na pupuno ng tensyon ang aking mga kasama at tila'y ayaw ng maligo sa tubig dahil sa dikya. "Oh di  na kayo maliligo? mamaya na lang hapon para wala ng dikya. Payapa ang dagat kaya nagsulputan yung mga dikya na yun!" Batid ko.

"My God! I hate jellyfish it's so scary!" Ani Glenn sa mahinhin niyang boses.

"Di ka nila gagalawin at reyna ka nila noh! Sirena ka kaya sa dagat!" Patawa kong sabi para maalis konti ang takot na nararamdaman nila sa dagat.

"Gago what are you saying! Sige na nga mamaya na lang tayo maligo guys. Let's go!" Sagot ni Glenn.

"Haha tumulong muna kayo sakanila mag luto para makakain na tayo. Wait lang namin si Edward para maihian na etong kamay ni Unity." Ani ko.

Nagsibalikan na nga sila sa cottage para tumulong sa pag luluto habang inaantay namin si Edward. "Unity, siguro inaantay mo si Edward na ihian ka deretso jan sa kamay mo noh? hahaha!" ako.

"Sira ka talaga Grei. Anu pinag sasasabi mo. Ako na nga tong nadikya eh niloloko mo pa ako hmp!" ani Unity.

"Ikaw naman binibiro lang kita eh. Kiss ko na lang kamay mo para mawala hihi." Ako.

Di nagtagal dumating na si Edward dala ang isang basong ihi na siyang ibubuhos sa kamay ni Unity at dala rin ang isang supot ng asin. "Umupo ka ng maayos Unity at ilayo mo yang kamay mo. Bubuhusan ko na ng ihi para mawala na yang sakit. After nun eh lagyan mo ng asin. Ibabad mo lang sa kamay mong namamaga." Ani Edward.

Sinunod naman ni Unity ang sinabi ni Edward at tuluyan ng binuhos ang sinasabing lunas sa atake ng dikya sa kamay niya. Matapos ang ginawa niya ay agad naman kaming bumalik sa cottage para ipahinga si Unity at tapusin na namin ang pag luluto. Ang iba saamin ay naatasang mag ihaw at mag hiwa ng mga gulay. Ako naman ang nag luto ng pinakbet at si Kuya at nag luto ng pritong tilapia. Si Edward at Edna ay nag ayos na ng lamesa sa labas ng cottage at si Yeth naman at Glenn ay nag timpla ng juice. Sila William at Ronald naman ay nautusang bumili ng yelo. Kanya kanyang trabaho ang ginawa ng barkada upang matapos na lahat at makakain na kami ng tanghalian.

Sumapit ang alas dose at sakto nakahanda na lahat sa lamesa. Nag siupuan na ang lahat at sa aking kanan si Edna at sa aking kaliwa naman ay si Yeth. Kaharap ko sa mesa si Edward katabi si Kuya Bhads. Si Unity ay nasa dulo ng lamesa at ang apat na sila apol nama'y nahati sa magkabilaang dulo.

Wala ng IbaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon