CHAPTER 11: Make Him Fall in Love!

45 2 3
                                    

Nakita ko siya sa food court at agad ko naman siyang pinuntahan. "Anu ginagawa mo diyan? Dun ka sa pwesto namin oh kung kakain ka."

"Ah hindi na. Naka order na kasi kami at may kasama ako. Nilibre lang ako eh hehe" pag tanggi ni Edward.

"Ganun ba? Sino kasama mo?" ani ko.

Medyo nagulat ako ng may mag salita sa aking likod "Hello! Oh Grei ikaw pala yan. Halika sumalo ka sa amin." 

"Ay Sir Dandi ikaw po pala yan. Ah sorry po. Sige nakaupo kami ng sa isang lamesa eh nakita ko naman itong si Edward kala ko mag isa lang niya. Sige po babalik na ako sa sakanila." ani ko.

"Ah okay sige. Sigurado ka ba? Ayaw mong sumabay sa amin?" ani Sir Dandi.

"Hindi na po at inaantay na rin ako ng mga kasama ko. Kakatapos lang din po namin kumain. Thank you sir. Sige Edward kita na lang tayo mamaya. Mauna na ako" pagpapalam ko. 

'Si Sir Dandi pala ang kasama niyang kakain. Akala ko ang jowa niya' sabi ko sa aking isip. Si Sir ay isa sa aming mga professor na nag tuturo sa HRM department. Alam ng lahat na isa siyang gay at hindi naman niya ito tinatago at isa pa eh halata naman sakanya. Hindi nga lang siya yung cross-dresser type or yung nag me-make up. 'Siguro nanliligaw yun kay Edward?' yun ang pumasok sa aking isip. Medyo nakaramdam ako ng selos pero konti lang. Di pa naman ako sigurado kung anu ang status nila. 'Hay naku anu ba itong mga naiisip ko!' 

Tameme akong bumalik sa aming upuan dahil napapaisip ako. "Hoy! Ba't ang tahimik mo? Si Edward yun diba? Bakit hindi mo siya tinawag dito?" mga tanong ni Yeth sa akin.

"Ha? Ah eh....Kasama niya si Sir Dandi eh nilibre daw siya ng food." ani ko.

"Ah okay. Baka type ni Sir Dandi yang si Edward. Balita ko nanliligaw daw siya sakanya eh." Bulgar ni Yeth.

"Talaga? Chismosa ka huh?! Pano mo naman nalaman?" pabigla kong tugon.

"Eh last semester pa yun eh. Nakakatanggap si Edward ng chocolates galing sakanya. Pogi naman si Edward at mabait pa kaya siguro natipuhan ni Sir Dandi ang kaibigan nating yan."

Lalong tumindi ang aking hinala na nag pakirot lalo sa aking nararamdaman. Yung medyo selos kanina sa aking sarili ay lalong lumakas. Hindi na ako nag salita at tumahimik na lang. Ayaw kong sabihin sa aking barkada na medyo affected ako sa mga nangyayari kay Edward ngayon at kay Sir Dadndi. Nag usap usap pa rin sila tungkol sa susunod naming outing na magaganap sa Tarlac pero tila'y nawalan na ako ng gana upang makisali pa sa pag uusap nila at agad na rin ako nag paalam sakanila. Sinabi ko na may last subject pa ako at dederetso na akong uuwi sa bahay.

Agad naman silang nag paalam sa akin at lingid sa kanilang kaalaman ang tunay kong nararamdaman kaya nawala ang aking pag ka bibo sa aming usapan. Buti na lang hindi na nila ako tinanong masyado kung bakit wala akong imik.

Matapos ang aking last subject ng kinahapunan na yun ay agad naman ako umuwi ng bahay. Kakatapos lang ng exam namin at ilang araw na lang, semester break na namin sa school.

'Kung nanliligaw si Sir Dandi kay Edward........Pero imposible naman na sagutin niya toh. Ang tanda na nun eh. Hindi pwede toh. Kung kelangan ko unahan si Sir Dandi kay Edward ay gagawin ko.' sabi ko sa aking sarili habang naka higa ako sa aking kwarto.

Hindi ko talaga maalis sa aking isip sila Edward at Sir Dandi at kung anu-anu na ang tumatakbo sa aking imahinasyon at pag iisip sa mga ginagawa nila. Sinabi ko sa aking sarili na sana ay nag kakamali lang ako ng inaakala. Sana hindi totoo lahat ng aking naiisip tungkol sakanila. 

Ang misyon na binigay sa akin ni Edna ay tila bumabalik sa akin negatively. Mukhang ako pa tuloy ang mag su-suffer in the end. Naisipan ko naman na itext si Edward upang mag tanong sakanya tungkol sakanila ni Sir Dandi pero nag dalawang isip ako at nangibabaw sa aking sarili na pabayaan muna at palagpasin muna ang mga nangyari.

Wala ng IbaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon