Riiiiiingggg!!! Tunog ng aking alarm clock na nag sasabing alas singko na ng umaga at kelangan ko na gumayak para umabot sa 7am na call time namin papuntang Tarlac. Naka receive na rin ako ng text mula kay Edna na nang gigising sa akin at tilay excited kaya gumising ng maaga.
Sumunod na nag text si Kuya Bhadz na nag good morning at sinabing nag re-ready na rin sa aming pag alis. Inasikaso ko muna ang aking mga gamit at nag luto na ng pang almusal upang pag gising ng aking Ina at kapatid ay kakain na lang sila tutal tulog pa rin sila at wala akong balak gisingin sila sa kanilang pag tulog.
Nang matapos ko lahat ng aking gagawin at makapaligo ay nag iwan ako ng note para kay Mama na nag sasabing nakaalis na ako at hindi ko na sila ginising upang mag paalam. Tinext ko rin ang iba kong mga kasama na nag reply naman na malapit na rin sila sa terminal.
Limang minuto bago mag alas siete ay nakarating na rin ako sa terminal ng bus kung saan nakita ko na ang aking mga kasama na tila'y masyadong excited sa aming pag alis. Hinanap ko agad si Edward ngunit hindi ko ito makita kung saan naroroon ang aking mga kasama. "Asan si Edward?" tanong ko sakanila.
"Bumili lang ng pagkain para baunin sa byahe" ani Apol.
"Ayan na siya parating na rin siya" batid ni Unity na may hawak na pocket book sa kanang kamay.
"Di talaga mawawala sa iyo yang binabasa mong precious romance ah? Try mo kaya mag wattpad?" pabiro ko kay Unity.
"Grei umagang umaga wag mo ako simulan. Kutusan kita diyan eh!" ani Unity.
"Siya nga pala nakabili na ba kayo ng ticket?" tanong ko.
"Na sa akin na. Binilhan ka na rin ni Edward. Bayaran mo na lang sakanya" sagot ni Edna.
Lumingon ako sa aking likod at nakita ko na rin si Edward at nag pasalamat at binigay ko na rin ang aking bayad sakanya para sa binili niyang ticket para sa akin. "Thank you. Tabi tayo sa bus ha?" pangiti kong sambit kay Edward.
"Sige no problem. 7:30 ang alis ng bus kaya pwede na tayong sumakay" ani Edward.
At agad na rin naming tinungo ang bus na sasakyan namin papuntang Tarlac at di nag tagal ay umandar at umalis na rin ito sa terminal. Tinupad naman ni Edward ang aking request na makatabi siya sa pang dalawahang upuan at nakita ko rin si Kuya Bhadz at Edna na mag katabi at tila'y nag bubulungan sabay tingin sa akin na nakangiti na parang nakakaloko at may ibig sabihin.
Hindi ko na lang sila pinansin at ibinaling ko na lang ang aking atensyon kay Edward. "Anung oras ka nakarating sa terminal kanina?" tanong ko sakanya.
"Mga aalas sais y media. Maaga ako nagising eh" sagot ni Edward sa aking tanong.
"Ganun ba. Di ka rin excited noh?" pabiro kong sabi sakanya.
"Siyempre excited ako gumala. Sinong bang hindi." ani Edward.
"Sabagay. Talagang mabagal lang siguro akong gumayak." pangiti kong sambit sakanya.
Inalok niya ako ng kanyang pagkain na binili nya kanina bago kami sumakay ng bus. "Donut oh gusto mo? Di pa kasi ako nag almusal." alok ni Edward.
"Ah sige lang. Kakatapos ko lang naman kumain ng almusal bago ako pumunta sa terminal thank you!" sagot ko.
Inumpisahan na rin niyang kumain ng kanyang dalang donut habang pinag mamasdan ko siya. Di ko namalayan ang mga sumunod na ginawa ko na parang automatic ko na lang ginawa sakanya. Nakita ko na sa pag kagat niya ay may naiwang confectionary sugar sa kanyang bibig at agad kong kinuha ang aking panyo at pinunasan ko mismo ang gilid ng kanyang mga labi.
Tila'y nagulat naman siya sa aking ginawa at tinignan ang paligid namin kung may tumitingin sa amin oh wala. "Anong ginagawa mo?" bulong niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Wala ng Iba
RomansaA story about friendship, trust, and love. Ating lasapin ang isang pagkakaibigan, barkadahan, at ang pagsibol ng isang pag ibig sa di inaasahang pagkakataon. Isang storya na hango sa aking buhay pag ibig. Abangan natin si Grei at Edward at kung paa...