CHAPTER 4: Oh My Gulay!

57 1 0
                                    

Nakarating ako sa bahay at sinalubong naman ako ng aking Mama at niyaya ng kumain. Nag text na rin ako kay Edward at sinabi kong nakauwi na ako.

Text: Andito na ako sa bahay boss. Text ka na lang pag nakauwi ka na. 

Natapos na akong kumain at nakapag hilamos na. Deretso na ako ng kwarto at nag laro sandali ng computer game sa aking laptop. Ngunit napansin kong wala pa ring reply etong si Edward. Hindi naman sa nag aalala ako pero mahirap na kung may mangyari dun na masama at ako pa man din ang huling kasama niyang lumabas. Nakalipas ng 2 oras kong pag lalaro online ay dinalaw na ako ng antok. Sakto namang pahiga na ako at nakapatay na ang ilaw, nakatanggap ako ng isang mensahe sa aking cellphone mula kay Edward.

Edward: Andito na ako sa bahay boss. kakarating ko lang.

Ako: Ganun ba? Ok good night.

Edward: Goodnight din! :)

Di na ako nag reply sa kanyang mensahe. Di ko na siya tinanong kung sino yung nakita kong kasama niya nung mag hiwalay kami ng landas kanina. Baka kung anu pa isipin niya, sabihin pang possessive ako masyado hehe. Bagkus ay nahiga na ako at tuluyan ng nakatulog. Pag gising ko ng umaga ay nakatanggap naman ako ng text mula ulit ito kay Edward.

Edward: Boss kita tayo ngayon nila Yeth at pupunta tayo sa boarding house nila. Mga 10am ayos lang ba?

Pag tingin ko sa aking orasan ay pasado 9am na pala ng umaga at agad naman ako nag reply sa kanyang text.

Ako: Ok sige. Pero ma le late ako at kakagising ko lang ok? Saan ba tayo mag kikita?

Edward: Sa tapat ng University sa kubo. See you there.

Ako: Ok! See you.

Agad naman ako gumayak. Nag almusal, naligo at nag bihis. Nag paalam naman agad ako kay mama na pupunta ako sa aking mga barkada. Kilala na ng aking Mama ang mga barkada ko at masaya naman siya dahil good influence daw sila sakin hehe. Kaya pag nag papaalam ako sakanila at sinabi kong sila ang kasama ko eh walang ng ibang sasabihin si Mama kundi "Ok". 

Sumakay na nga ako ng jeep at nag text kay Edward para sabihing papunta na ako sa Kubo. Andun na pala siyang nag aantay sakin. Pag tingin ko ng orasan ko ay sampung minuto bago mag alas diyes kaya naman pag baba ko ng jeep ay nag madali na ako upang makarating on time sa meeting place namin. Pero na late ako as usual. Buti na lang pinangunahan ko silang ma le late ako kaya naman ng makarating ako dun ay agad tumayo si Edward at napansin kong kasama na niya si Yeth. Tumayo na rin siya at sabay sabay na kaming nag tungo sa boarding house nila.

"Ngayon pala ang dating nila Geng at April galing sa probinsya." batid ni Yeth. 

Napakalayo pa ng pinanggalingan ng dalawang yun. Si April eh nanggaling pa ng bulacan at si Geng naman sa sa Tarlac. "Nasabi mo na ba yung plano natin tungkol sa outing sa La Union bukas?" ani ko.

"Ako pa ba. Siyempre nasabi ko na sakanila. Pati si Apol tinawagan sila kagabi para iinform ang tungkol dun." Ani Yeth.

"Ansabe nila?" ako.

"Si April medyo nag dalawang isip. Hindi pa daw siya nakakapag enroll. Etong si Geng eh pumayag naman agad. Pero I think na convince ko naman si April dahil sabi ko overnight tayo at walang maiiwan sa boarding house." Sagot naman ni Yeth.

"Malamang! Kamote yun. Takot lang niya mag isa sa boarding house nyu. Malay nyu si manang (caretaker) eh serial killer pala. Oh kaya bugaw tapos ibugaw kayo!" patawa kong sabi.

Napansin kong natawa si Edward sa aking sinabi habang kami ay nag lalakad papunta sa boarding house nila. "Grabe naman bugaw talaga?" Ani ni Edward.

Wala ng IbaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon