CHAPTER 15: More Fun in Province!

39 1 2
                                    

Naramdaman kong may tumatapik sa akin kaya pag mulat ko ng aking mata ay mukha ni Edward na naka ngiti ang bumungad sa akin. "Malapit na tayo gising ka na. Kala ko di ka inaantok?" ani niya.

"Nakatulog ba ako? Sorry hehe." Napansin kong nakatulog pala ako sa kanyang balikat.

"Oo nakatulog ka kaya ako naman ang nagising at di ko na tinuloy ung tulog ko kaya inihiga ko na lang ung ulo mo sa aking balikat." pag papaliwanag ni Edward.

"Ganun ba? Naku sorry ha. Sabi ko ako ang hindi matutulog eh" pangiti kong sabi.

Narinig ko naman si Apol na may kausap si phone at nakatayo na malapit sa driver upang sabihin kung saan kami bababa. "Kausap niya si Geng. Siya ang susundo sa atin sa Tarlac" batid ni Edward na tila nabasa ang aking iniisip.

Tumango lang ako pagtugon sa kanyang sinabi at agad ko na rin inayos ang mga gamit namin at siniguradong wala kaming maiiwan sa bus. Napansin kong pareho din ang ginagawa ng aking mga kasama.

Di nag tagal ay huminto na rin ang bus at sinenyasan kami ni Apol na bumaba na. Agad na rin kami tumayo sa aming mga upuan at tuluyang bumaba sa bus. Dumeretso kami sa isang gasoline station kung saan nag aantay sa amin si Geng.

"Mga boss! Welcome to Tarlac!" Bungad sa amin ni Geng. "Kumuha na kayo ng tricycle at sabay sabay na tayong uuwi sa aming bahay.

Agad naman kami kumuha ng dalawang tricycle na masasakyan kung saan kasya naman kami. Nauna nang sumakay sila geng at lahat ng babae namin kasama na sila Unity, Eph, Geng at Edna. At kami namang mga lalake sa isa pang tricycle.

Makalipas ang limang minuto ay nakarating na kami sa bahay ni Geng kung saan ay nag aantay sa amin ang kanyang mga magulang at mga kapatid at agad naman kaming sinalubong ng masasayang mukha at malalaking ngiti. Pinapasok agad kami sa kanilang bahay at inihatid kami sa aming magiging silid.

Isang kwarto lang para sa aming lahat na mag kakaibigan at inaayos pa ang ibang parte ng bahay ika ni Geng. Humingi naman ito ng paumanhin sa amin dahil sa inconvenience sa pagsisiksikan sa kwarto.

"Wala yun! Masaya nga eh mag kakasama pa rin tayo sa pag tulog!" Ika ni Apol.

"Oo nga naman at madami tayo pwede gawin" ika naman ni Kuya Bhadz.

"Ehem. Mukhang may binabalak kang iba jan kuya ha. Sino sakanila?" pabiro kong sabat.

"Baliw! I mean pwede tayo mag games, mag kung ano ano or truth or dare! For sure gusto mo yun!" sagot ni Kuya Bhadz.

"Hmmmmm sabagay. Alam mo talaga ang mga gusto ko. Game sige mamayang gabi."

"Mga boss nag umagahan na ba kayo? Malapit na rin tanghalian at kakain na tayo. Nag luto sila tatay ng masarap" ani Geng.

"Sige ayusin lang namin tong mga gamit namin at lalabas na rin kami para maka tulong sainyo" ani Apol.

"Ayus lang Apol at marami naman kaming nag luluto sa labas. Si tatay ang head chef namin. Kung gusto nyu labas muna kayo at mag karaoke. Pinalabas ko na karaoke namin dun sa malapit sa kainan sa labas para makakanta tayo." alok ni Geng.

Karamihan sa aming mga barkada ay mahilig talagang kumanta besides sa pag luluto. Madalas kaming mag karaoke pag mag kakasama kami sa Baguio. Pero hindi naman sa pag mamayabang ay isa ako sa may malalamig na boses na talagang nakakainlove. Kaya siguro na fall si Edward dahil sa boses ko? Joke lang.

'Sa totoo lang ay hindi pa ako sigurado sa kanyang nararamdaman sa akin at bukod dun eh hindi siya single kaya naman baka masaya lang talaga siya na kasama ako. Pero hindi pa rin ako hihinto sa aking da moves kay Edward and make him fall in love with me hehehe' sabi ko sa isip ko.

Wala ng IbaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon