Kiefer5 days since Mika I mean, B moved in sa condo. May few adjustments kasi may pagka-OC sya, no, major adjustment pala kasi 5 days na rin akong nagppretend na gay. Di naman masyadong mahirap cause like what B said, modern gay daw ako a.k.a Pogay. How's that? haha!
Di kami masyado nagkikita cause I'm always in my room, (talk about bum life 😑) and she's at work. I cant just invite my friends naman cause aside from Von di nila alam na I'm "gay". Mahirap na, baka mabuko pa...
Sa sobrang bum ko nakabisado ko na sched ni Mika, gumigising sya ng 0600 para magprepare ng breakfast, kakain by 0630 matatapos ng 0715, shower until 0800 lalabas ng room ng 0810 tapos uuwi around 1815...
Oh, and speaking of the beautiful angel haha! Ayan na sya..
"Hi B, nagdinner ka na? Tomorrow pala uwi ako sa Bulacan. Dayoff."
"Ahh yup, nagpadeliver ako sa Jollibee, how about you? so until when ka dun?"
"Oyy sarap Jollibee, but kumain na ko e. Feeling ko may room pa naman for peach mango pie kung aalukin mo ko haha! Balik din ako dito tomorrow night, wag mo ko mamiss agad ah."
"Sus ngayon pa nga lang miss na kita. Buti nalang dalawa inorder ko kasi sure na bitin ka sa isa. hahaha!"
"Ano nga yun?"
"Sabi ko, dalawa inorder ko kasi bitin ka sa isa"
"Hindi yung bago yun"
"Nagpadeliver ako ng Jollibee?"
"Hindi.. may isa pa"
"Ah sabi ko di kita mamimiss, cant wait na masolo tong unit. Wooooh!"
"Ahhh.. Oy, B ah. Rule No. 1 baka malimutan mo. Uuwi din ako dito tomorrow night baka mabulaga na naman ako. Haha!"
"Gaga ka no? joke kasi."
"Uy.. nahiya sya. Joke lang din. Ikaw ba? Di ka uuwi?"
"Saan pa ko uuwi? Dito ko nakatira?"
"Baliw, sa parents mo. Ganun"
"Hmm nope. Dito lang ako."
"Why? Di mo sila miss?"
"Hindi."
"Bakit nga?"
"Tingin mo ba kung miss ko sila, titiisin ko na magstay dito magisa ng walang ginagawa instead of living sa bahay namin?"
"Oh... good point. Oo nga noh!? So bakit ka nga nag move out sa inyo? Di ka ba nila tanggap?"
Ayuuuun pumasok na naman yung fake gender ko, ay nako Mika, sana nga ganun nalang...
"Hahahaha! Oo. basta, di kami nagkakasundo ngayon."
"Okay lang yan, kahit ano mangyari, B.. parents mo pa rin yun and ako, tanggap kita"
Tanggap nya ko!! Teka, bat ako kinilig hahaha! Umayos ka Kiefer, yung gay Kiefer tanggap nya. Assuming.
"Aww sweet mo talaga, buti ka pa. Thanks, B!"
"Wala yun, kaw pa. Parang sisters na tayo e. Oh, akyat muna ako sa room ah. Thank you thank you sa peach mango pie! You're the best!"
Parang sisters...
sister...
wow, kinilig pa ko ng slight. Sister pala tingin sakin. Yung totoo? Ganun ba ko ka-convincing maging gay? Grabe, Mika ah.
---
Lame update because luuuh di ko alam pano maachieve yung gusto ko mangyari sa story na to. hahaha!Sana masabayan nyo trip ko. lol
Anyway, sinong di magiging proud kay Mika Reyes? Sobrang deserving sa lahat ng blessings. 😍
Proud fan here 🙋🏻
Oh, and season opening na!
Sino manunuod ng live on wed? Gusto ko lang sabihin na.. ang swerte nyo pows haha! See you on Feb 6? Yes?
Lets support Lady Spikers sa games! G ha? 😘
BINABASA MO ANG
The Great Pretender
RandomWhen love takes over and you finally want to stop pretending... PAANO MO SASABIHIN?