"Ano naman kung gwapo?! Don't tell me... gezzzus! Kiefer, natuluyan ka na!?""Ano?! Hindi! Baliw! Tinignan ko lang kung may pag-asa ako kaso mukhang mahirap kalabanin tong isang to. Grabe, Bro. Buff! Mukhang tambay sa gym!"
"At napansin mo talaga yung muscles? Alam mo, umamin ka na kasi di naman kita huhusgahan.. Although, mej magbabago tingin ko sayo ng slight"
"Gagu ka talaga. Hindi nga! Punta ka na nga lang dito, mababaliw ako wala akong kausap"
"Pano si live-in partner mo? Baka maabutan na naman tayo hahaha!"
"Ang feeling talaga. Mamaya pa yun! Pati di ko sya ka live-in okay?"
"Oo nga naman.. pero alam mo, lamang ka naman dun kahit mas matangkad, gwapo or maputi sya sayo kasi ikaw kasama nya sa bahay. Oh ha!! 1 point for Nogay!"
"..sya naman boyfriend... So 12 pts for boyfriend"
"Onga naman. Pati isa pa lagot ka kay.."
"Shhh pwede ba Von"
"Sabi ko nga, wala. Teka baka di ako makapunta jan may date kami ni Lau."
"Hayy sige na nga. Ganyan ka eh, palibhasa alam mong mahal kita kaya harap harapan mo ko niloloko"
"Hahahahaha! Gags byeeee!"
Nacurious lang naman talaga ako kung anong type ni Mika. Kaso sa nakita ko... mukhang di ako pasok sa criteria. Tsk tsk! Wala naman akong balak ligawan sya, bukod sa may boyfriend sya ayoko maging complicated lalo ang situation.
Nagmall nalang muna ako habang wala pa si B, nakakabagot na kasi magisa. Sana pagbalik ko andun na sya para di ko na makita ulit yung boyfriend nya.
Bukas one week ko na palang housemate si Mika, di naman siguro nakakabading kung ipagcecelebrate ko sya diba? Sabagay, yun naman tingin nya sakin. Gusto ko lang ipagcelebrate kasi nakatagal sya ng one week na kasama ako.
Mika
Naglunch lang kami sa bahay then niyaya ko na agad si Josh na ihatid ako sa condo. Nakaka-guilty kasi na iniwan ko si Kiefer without checking kung ok lang talaga sya.
It doesn't mean naman na pag sinabi nyang okay sya, okay sya talaga. Baka ayaw nya lang isipin ko na he needs me?
Ewan ko sayo Mika, assuming ka naman na need ka nung tao. Uhm nope, di ka assuming, kasama sa social responsibility mo na maging concern sa kapwa. So.. Ugh I better stop talking to myself na nga.
I arrived around 7pm and immediately checked Kiefer around the unit pero di ko sya makita. I knocked several times sa room nya but he's not answering. Halos masira ko na yung door nya kakaknock baka kung ano na nangyari sa kanya. Sobra na kong nagaalala.
"B... I'm right here."
"Oh my god, Kiefer! Where have you been!? Okay ka lang ba? You cant just leave like that! You should've called me!"
"Woah woah.. Relax, Miks. Nagpalipas oras lang ako sa mall. Aren't you over reacting?"
Ouch. That hurts but.. am I?
"Sorry kala ko kasi kung ano nangyari sayo because may sakit ka like what you said earlier diba? But mukhang magaling ka na.. parang wala ka ngang sakit eh. Sige, I'll go to bed na. Night, Kief."
I hope nahalata nya yung sarcasm sa sinabi ko, nakakainis lang kasi concern lang naman ako sasabihan pa ko ng OA. Fine, if that's how he wants it then so be it. Kainis!
Kiefer
Now ko lang nakita yung ganung side ni Mika, Ugh girls! Napaka-melodramatic! But okay na rin maaga sya matulog para makapag set up ako ng balloons for her mini weeksary celebration.
3 points for Ravena na this!
---
Ano ba tong pinasok ko 😓 cant find the right words to write what's on my mind. Jeskelerd.Oh and just like that February naaaaa!
Fast forward to Wednesday! Cant wait to cheer for the girls in green 😍 #ArrowsUpDLSU 💚🏹
BINABASA MO ANG
The Great Pretender
AcakWhen love takes over and you finally want to stop pretending... PAANO MO SASABIHIN?