Denise Pov
Almost ten years na rin ako dito sa Italy pero ang parents ko matagal na dito ang dad ko kasi ang mayari ng isang hospital dito sa Milan nagdecide kasi ang dad na dito na kami sa Milan for good natagalan naman kasi yung pagmmigrate namin dahil ayaw iwanan ng mama si Lola medyo may edad na kasi ito but when she passed away ten years ago tsaka kami sumunod ng mom dito sa Italy.
Kaya heto ngayon ang Milan na ang tinuturing naming tahanan...Dito na ako natapos magcollege...Fashion consultant ako sa isa sa pinakasikat na clothing line dito...Mabait at very supportive ang parents ko sinubukan din naman ng dad na iconvinced na mag medicine pero wala talaga sa puso ko ang pagdodoctor.
Mahirap din ang naging adjustments ko dito sa Milan lalo na nung unang araw ko dito at ang pinakamasakit ay nung iwanan ko si Lean.
FLASHBACK
Isang linggo bago ng ilibing si Lola at i open na rin ng mommy ang plano naming pagmigrate sa Milan.
"Tatapusin mo na muna yung highschool tapos lilipad na tayo papuntang Milan.."
"Opo Mom...Alam ko naman na darating din yung araw na iiwanan natin ang Pilipinas eh.."malungkot kong tugon kay mommy...Expected ko na kasi yun kaya hindi na ako nasurprised pa pero nasasaktan pa din ako dahil sa iisang tao na iiwanan ko dito sa Pinas si Lean.
"Okay lang yun Denise....kaya ko ang sarili ko.."ani ni Lean ng ibalita ko sa kanya na lilipad na kami papuntang Italy.
"Alam ko etong mga oras na ito higit mo akong kailangan dahil sa problemang pinagdaraanan ng pamilya..."
"Denise hindi sa lahat ng oras dedepende ako sa ibang tao...I need to stand on my own may sarili kang buhay na dapat mong iprioritize ang pamilya mo lalo na ang daddy mo napakatagal na panahon na gusto nya kayong makasama sa Italy kaya wag mo na ipagkait sa kanya yun okay..ayos lang ako Denise"
Nararamdaman ko na pilit lang kinoconvince ni Lean ang sarili nya that he's okay dahil ako nakikita ko kung gaano sya kaapektado sa nangyayari sa family nya ngayon at sana may panahon pa para damayan ko sya kaso ilang linggo na lang graduation na at tapos nun aalis na kami ng mom papuntang Italy.
Natapos na nga ang graduation namin at ready na ang lahat sa pagalis ko.
"Mom...Pwede ko po ba muna puntahan si Lean?"paalam ko kay Mommy.
"O sige basta bilisan mo kasi mamaya konti aalis na tayo papuntang airport"
"Sige po mom....Magpapaalam na rin ako sa kanya"
Kapitbahay namin si Lean kaya nilakad ko lang papunta sa kanila...
"Babalik ako Lean ....at siguro that time may lakas na ako ng loob sabihin sayo na mahal kita pero sa ngayon kailangan ko munang unahin ang pamilya ko si daddy na napakatagal na panahon ang hinintay para mabuo ang pamilya namin sa Italy...Pinapangako ko Lean ikaw lang ang mamahalin ko habang buhay ..hanggang sa mamatay ako"bulong ng isipan ko habang nakatayo sa harapan ng bahay nila wala na si Lean may nakapaskil na FOR SALE sa gate ng bahay nila.
Hindi ko na napigilan ang aking luha alam ko sa sarili ko na matatagalan pa bago kami magkita ni Lean at hindi ko rin alam kung paano ko haharapin ang buhay sa Italy na wala ang bestfriend ko...Nasanay kami na laging nandyan kami para sa isat isa...Paano na si Lean kung wala ako sa tabi nya..? Sino ang magcocomfort sa kanya..
"GOD...bigyan nyo po ng masasandalan si Lean....Yung taong makakapagpasaya sa kanya yung taong bibigyan sya ng lakas ng loob sa mga panahon na ito....God...give me a sign na kailangan ko ng makampante dahil alam kong may magaalaga kay Lean please God"dasal ko habang nasa loob ng kotse papuntang airport.
BINABASA MO ANG
I NEVER KNEW LOVE TILL I FOUND YOU (ASHRALD FF)
FanfictionPinaglayo ng kapalaran at muling pinagtagpo ng tadhana sa sitwasyong hindi naasahan...Sa taong lumipas masasabi na ba ni Raine kay Lean ang totoong nararamdaman nito o may mga bagay na darating ang magtutulak sa kanya para sarilinin na lang ang laha...