LEAN'S POV
Marami ang nangyari ,, ilang beses na ring sinubok ng tadhana ang pagmamahalan namin ni Raine na dumating sa punto na kailangan namin itong i set aside para lang sa kapakanan ng iba ganun na naman ba ang mangyayari ngayon na kailangan na naman naming magtiis para sa kapakanan ng iba .
"Oh bro ,, nagkita ba kayo ni Raine ?" tanong ni Zander ng matapos silang tumugtog .
"Oo .." matipid kong tugon habang nakaupo ako sa bar area ..
" Kamusta naman?" Usisa nito na umupo na rin sa tabi ko.
Sinenyasan pa nito ang bartender para bigyan sya ng alak .
Umiling lang ako na alam ko naman na magegets nya na hindi naging maganda ang usapan namin ni Raine ..
"Hirap nga yan dude ,, hindi naman kasi ganun kadali kay Raine na iwanan si Matt ."
"Pero ako ang mahal ni Raine ....narinig ko yun mismo sa bibig nya kanina"
" Masyadong complicated yang lovelife mo bro .. Ikaw handa mo bang ipaglaban yang si Raine "
" DAMN !!! UMUWI AKO DITO SA PINAS PARA SA KANYA ZANDER SA PAGASANG MAAYOS NAMIN ANG LAHAT TAPOS HETO MERON NA NAMANG TAO NA PAPAGITAN SAMIN NA DAPAT ISAALANG ALANG ANG NARARAMDAMAN" sabi ko sabay shot ng wine na hawak ko.
" Siguro tol kailangan mo ng tangapin na hindi talaga kayo ni Raine .."
" Ano hahayaan ko na lang sya kay Matthew kahit alam kong hindi naman nya mahal yung tao ,, magiging miserable lang ang buhay nya kung patuloy syang magpapakulong sa pagmamahal sa kanya ni Matthew .. Ok lang sakin payag ako at handa akong pakawalan sya kung mahal nya yung tao dahil alam ko sasaya sya pero paano ko makakayanan na makita ang babaeng mahal ko kasama ang taong hindi naman nya mahal na wala lang syang choice dahil gusto lang nyang suklian ang lahat ng ginawang sakripisyo sa kanya nung Matt "
"So ,, Anong plano mo,, paghihiwalayin mo sila?"
"Hindi ko alam pero ang gusto ko mangyari ay matauhan yang si Raine at magkaroon naman sya ng kahit konting tapang para ipaglaban kung ano ang tunay na nararamdaman ng kanyang puso ... Dahil dude ang dami ng sinakripisyo ni Raine para sa ibang tao na kahit sarili nyang kaligayahan nakalimutan na nya ang gusto ko lang ay maging masaya sya at alam ko hindi si Matt ang makakapagbigay sa kanya."
"Dahil ikaw lang ang makakapagbigay nun ..."
"Tanging si Raine lang ang makakaalam kung sino at ano ba ang makakapagbigay sa kanya ng kaligayahan .."
"Basta Lean ,, pagisipan mo muna yang mga desisyon mo imbes na ikaw ang makatulong kay Raine baka ikaw pa ang lalong makasakit sa kanya ."
"Oo dude ,, hindi ko na mapapatawad ang sarili ko kung sasaktan ko pa si Raine napakadaming beses ko na syang nasaktan .."
"Goodluck bro ,, sige balik na ako sa banda maiwan na kita dyan ...basta wag maglasing okay .."paalala sakin ni Zander .
"Hindi ako titigil na mahalin ka Raine at ipaparamdam ko sayo ito sa bawat sandali ng buhay ko hanggang sa ikaw na mismo ang hindi makatiis na bitawan si Matt at sundin ang nilalaman ng puso mo ...For once Raine hayaan mo naman ang sarili mo na lumigaya at wag iconsider ang nararamdaman ng iba " sabi ko sa sarili ko.
"ANONG GINAGAWA MO DITO?" gulat na reaction ni Raine ng sadyain ko sya sabahay nila.
"Wala naman ,, bakit masama bang bumisita ?" nakangiti kong sagot .
"Ewan ko sayo Lean ,,, nakapagusap na tayo noong nakaraang gabi diba hindi pa ba malinaw sayo ang lahat ,, mamaya kung ano ang isipin ng mga kapitbahay .."
BINABASA MO ANG
I NEVER KNEW LOVE TILL I FOUND YOU (ASHRALD FF)
FanficPinaglayo ng kapalaran at muling pinagtagpo ng tadhana sa sitwasyong hindi naasahan...Sa taong lumipas masasabi na ba ni Raine kay Lean ang totoong nararamdaman nito o may mga bagay na darating ang magtutulak sa kanya para sarilinin na lang ang laha...