Lean's POV
"Ano ang napagusapan nyo ni Atty."tanong sakin ni Raine ng makabalik na ako.
"Sinabi ko sa kanya ang lahat ng nangyari , pero mahihirapan daw kaming patunayan yun dahil lahat nagtuturo ng ebidensya ay nagtuturo sakin nagkalat ang mga finger prints ko sa bahay ni Corrine lalo na yung maabutan pa ako ng mga pulis na katabi mismo ang bangkay niya,"
"Lalabas din ang totoo Lean, magtiwala ka alam ng diyos na wala kang ginawang kasalanan mananaig din ang hustisya"ani ni Raine.
Pilit akong ngumiti sa totoo lang iniiwasan ko na magisip si Raine lalo na sa kalagayan nya ngayon .
"Gagawin ko ang lahat Raine ,, para sayo at sa magiging anak natin hindi ako susuko hanggat hindi napapatunayan na inosente ako"
Niyakap ako ni Raine,, at naramdaman ko na kahit paano ay napagaan ng kanyang yakap ang bigat na nararamdaman ng dibdib ko.
"Tara,,ihatid na kita kailangan ko pa kasi pumnta sa opisina ngayon."sabi ko ng kumawala kami sa pagkakayakap .
"Lean ,, alam ko marami pang tanong ang gumugulo dyan sa isipan mo na kung sino talaga ang may kagagawan ng lahat at kahit hindi mo sabihin sakin sumasadya dyan sa utak mo na may kinalaman si Matt sa lahat ng nangyari pero Lean .." seryosong sabi nya..
"Oo Raine malakas ang kutob ko na may kinalaman nga si Matt sa lahat ng nangyari kay Corrine at alam ko na sya ang nagdidiin sakin sa pagpatay dito .."
"Lean ,, Sa tingin mo magagawa yun ni Matt na hahantong sa point na makakapatay sya .."
"RAINE ,, walang makakapagsabi nun hindi natin alam kung anong kapasidad ni Matt."
"Pero anong dahilan ? Bakit nya papatayin si Corrine ?"
"Sa ngayon hindi pa natin masasagot yan ,, pero gagawa ako ng paraan para masagot ang lahat ng katanungan tungkol sa pagkamatay ni Corrine at bakit ako ang idinidiin"
"Umaasa parin ako na walang kinalaman si Matt sa lahat ng ito ,, Lean.. "
"Oras na umandar ang imbestigasyon unti unti rin lalabas ang ebidensya .. Kung ano man ang maging outcome nito kailangan na siguro natin tangapin ..At Raine ,, hinihiling ko sana na wag ka masyadong magisip lalo na sa kalagayan mo sa ngayon panigurado maapektuhan nito ang pagbubuntis mo ,,hayaan mo na ako ang umayos ng lahat at intindihin mo lang ngayon ay ang sarili mo." Paalala ko sa kanya.
"Oo Lean dahil alam ko na magiging okay ang lahat mapapatunayan din na wala kang kinalaman sa pagkamatay ni Corrine"
Nagyakapan kami ni Raine ,, alam ko na makakayanan ko ang lahat basta nasa tabi ko lang sya ....Ang pagmamahal ko sa kanya ang isa sa dahilan kung bakit ako lumalaban.
Hinatid ko muna si Raine bago ako nagpunta sa opisina,, gaya ng inaasahan apektado lahat sa nangyari,, kaya kaagad ako nagpatawag ng staff meeting para mapaliwanagan ang lahat.
"Kumpleto na ba ang lahat?" tanong ko pagpasok ko sa loob ng conference room kung saan ako nagpaset ng meeting.
"Kumpleto na po ang lahat, Sir"ang sekretarya ko na ang sumagot.
"Alam nyo naman siguro ang lahat ang dahilan kung bakit ako nag patawag ng meeting ,, gusto ko lng sabihin sa inyong lahat that na ginagawa ko ang lahat para ayusin kung ano man itong pinagdadaanan ko at gusto ko siguraduhin sa inyo na wala kayong dapat ikabahala "pahayag ko sa mga empleyadong nagtatrabaho dito sa kompanya.
BINABASA MO ANG
I NEVER KNEW LOVE TILL I FOUND YOU (ASHRALD FF)
FanficPinaglayo ng kapalaran at muling pinagtagpo ng tadhana sa sitwasyong hindi naasahan...Sa taong lumipas masasabi na ba ni Raine kay Lean ang totoong nararamdaman nito o may mga bagay na darating ang magtutulak sa kanya para sarilinin na lang ang laha...