CHAPTER THIRTYFIVE

735 12 2
                                    

NA// KAILANGAN KO TALAGANG BIGYAN NG SPECIAL CHAP SI CORRINE GUSTO KO NA IREVEAL LAHAT DAHIL MALAPIT NA RIN MATAPOS ANG STORY NA ITO .

__________

CORRINE'S POV

Naging bulag at tanga ako ng mahalin ko sya sa pagaakalang mahal nya rin ako pero hindi pala dahil iba ang mahal nya ang pinakamasakit ...

MAHAL NYA ANG BESTFRIEND KO ...

FLASHBACK

"Kami na ni Matt... "deretsang sambit sakin ni Vanessa ng makasalubong ko sya sa hallway ng university na pinapasukan namin.

Hindi ko alam kung paano ko itatago kay Vanessa ang sakit na nararamdaman ng puso ko na paano ko masasabi sa bestfriend ko na ang sakit sakit ...

"Oh ,, hindi mo lang ba ako icocongratulate....."

"CONGRATS BEST!" pinilit kong ngumiti habang binibitawan ang mga salitang yun na kahit alam ko deep inside parang pinipiga ang puso ko.

"Isipin mo yun Corinne matagal na pala naming gusto ni Matt ang isat isa pero ngayon lang namin naamin ,, malay ko ba na gusto nya samantalang ikaw ang lagi nyang kasama akala ko nga sayo sa may gusto eh inisip ko na siguro nagpapalakas lang yun sayo para makuha ang approval mo" -VANESSA.

"Siguro nga ... "matipid kong tugon para kasing hindi ko na kaya kung magsasalita pa ako na puro kasinungalingan naman ang lalabas sa bibig ko ang hirap magpangap na hindi ka nasasaktan na gustong gusto na sumabog ang puso mo sa sobrang sakit.

"Best ,, may prob ba? Ayaw mo ba si Matt para sakin?" tanong nya sakin na bakas sa facial expression nito ang pagaalala.

"Hindi huh....okay lang no kung saan kayo masaya" pagsisinungaling ko.

"Best ,, mauna na rin ako huh may pupuntahan pa kasi ako "paalam ko sa kanya na sa totoo lang ay gusto ko na munang lumayo o huminga man lang dahil sobrang sikip na ng dibdib ko matapos ibalita sakin ni Vanessa na sila ni Matt.

"AKALA KO AKO ANG MAHAL MO MATT?GINAMIT MO LANG PALA AKO PARA MAPALAPIT KA KAY VANESSA ....PINAASA MO AKO MATT !!" sabi ko sa sarili ko sa harapan ng salamin habang tuloy tuloy ang pagagos ng luha sa aking mga mata.

Lumipas ang mga araw na pinili ko munang umiwas kay Vanessa lalo na't lagi silang magkasama ni Matt ... ang sakit kasi sa puso na ang taong mahal mo ,, ang mahal ay ang bestfriend mo ..

"CORRINE ..."tawag sakin ni Matt ng pasakay na ako ng kotse.

"Bakit?"malamig kong pagtugon.

"May problema ba tayo?"tanong nya.

"Wala ,, Ano naman ang magiging problema natin ?"pagkakaila ko.

"Napansin ko kasi na parang iniiwasan mo kami ni Vanessa.."

"Yun ba ? Wala yun noh ayoko lang naman maging istorbo sa inyo ng bestfriend ko ..."

Nagulat na lamang ako ng hawakan nya ang aking kamay at tiningnan ako sa aking mga mata.

"Corrine ,, hindi ka kahit kelan naging istorbo samin ni Vanessa dahil utang ko sayo ang lahat kung hindi dahil sayo hindi ko makikilala si Vanessa at hindi ako sasaya ng ganito sa piling nya "seryoso nitong sambit .

Walang anumang salita ang lumabas mula saking bibig na kailangan bang isampal sa mukha ko ang lahat ng sakit na wala naman akong magawa kundi tangapin yun.

"Sige na Matt ,,mauna na ako ...At ikaw baka hinihintay kana ni Vanessa..." paalam ko sa kanya sabay bitaw sa pagkakahawak nya.

Hindi ko na sya hinintay pang magsalita..

I NEVER KNEW LOVE TILL I FOUND YOU (ASHRALD FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon