MATT'S POV
"I'm sorry hijo .. she had a miscarriaged '' deretsong sabi ng doctor na sumuri kay Raine.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig nanginig ang buo kong katawan at pakiradam ko ay nagshut down ang buo kong sistema.
" But don't worry stable na ang kondisyon ng pasyente... by the way kaano ano pala kayo ng pasyente.."
Pero bago pa ako makatugon ay may narinig na kaming sumisigaw mula sa loob ng kwarto kung nasaan si Raine ..
Nagmamadaling tumakbo ang doktora para puntahan ito at ako nanatili lang sa labas ng kwarto hindi ko kayang harapin si Raine lalo nat ako ang naging dahilan ng pagkamatay ng anak nya.
Nakikita ko na kinakausap ng doktora si Raine at panigurado ako na sasabihin na nito ang masamang balita na nakunan sya..
''HINDIIIIII ..... HINDI PATAY ANG ANAK KOOOO NAGSISINUNGALING KA LANG BUHAY SYA BUHAY ANG BABY KO! '' umiiyak na sigaw ni Raine na dinig na dinig ko mula saking kinatatayuan.
''Im sorry Mrs. ginawa namin ang lahat para iligtas ang baby nyo pero sobrang dami ng dugo ang nawala sa inyo kya naging huli na ang lahat!!!'' tugon ng doktora.
Patuloy ang pagwawala ni Raine ... pinagtatangal nya ang kung ano mang aparato na nakakabit sa kanya hanggang sa unti unti na syang kumalma ng turukan sya ng doktora ng gamot...
Ilang saglit lang ay nakatulog na rin sya...
Nagtatakbo ako na hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng paa ko hanggang sa kusa akong makarating sa rooftop ng hospital.
"Aaaaaahhhhh" sigaw ko para pakawalan ang lahat ng bigat na dinadala ng dibdib ko.
Biglang bumalik sa alaala ko yung tagpong nangyari sa hospital na nakita ko sina Raine kasama si CJ at sinabi sakin ni Raine na nagpacheck up sya kaya sila nandun naputol na nga lang ang usapan namin ng tumawag si Lean pero ng hindi na nila ako sinagot yung muli ko silang tanungin siguro nga kaya nandun si Raine dahil buntis pero ayaw itong paalam ni Lean sakin kaya iniwas nito si Raine,..
''KUNG ALAM KO LANG RAINE" sabi ko sa sarili ko kasabay nito ay paglandas ng luha sa aking mukha..
''Kamusta na po sya doc?'' tanong ko sa doktora ng lumabas ito mula sa kwarto ni Raine.
" Gising na sya pero tulala sya hindi nagsasalita ni wala akong makitang bakas ng emosyon sa kanya gagawa kami ng series of test para masiguro ang kondisyon nya pero sinasabi ko na sayo na maaaring resulta ito ng matinding trauma ng nalaman nya na namatay na ang kanyang anak hindi na ito kinaya ng utak nya kaya kusa itong nagshut down''
Doctor ako kaya familiar ako sa tinutukoy ng doktora meron din akong ilan ilang pasyente na nagkaganito dala ng sobrang depression may part ng utak nila ang kusang nagmumulfunction dahil hindi na nito kinaya ang tindi ng depression na nararanasan ng isang pasyente.
''Pero magsasagawa pa rin kami ng CT scan to make sure kung anong naging epekto ng utak nya at para makappagbigay rin kami ng medications para dito pero ang higit sa lahat ang mismong pasyente parin ang makakatulong sa sarili nya para bumalik sya sa normal kung kaya na nya harapin ang lahat lahat for sure kusa ring babalik sa normal ang kalagayan nya ... By the way maitanong ko po ulit ano ang relasyon nyo sa pasyente"
BINABASA MO ANG
I NEVER KNEW LOVE TILL I FOUND YOU (ASHRALD FF)
FanfictionPinaglayo ng kapalaran at muling pinagtagpo ng tadhana sa sitwasyong hindi naasahan...Sa taong lumipas masasabi na ba ni Raine kay Lean ang totoong nararamdaman nito o may mga bagay na darating ang magtutulak sa kanya para sarilinin na lang ang laha...