CHAPTER TWENTYFOUR

867 18 6
                                    

LEAN'S POV

Nandito ako ngayon sa venue kung saan gaganapin ang kasal namin ni Denise mamaya at sina Denise padating na hindi naman ito kalayuan mga 30mins away lang sa bahay nila.

Nauna na ako para siguraduhin na okay na ang lahat nangungulit nga si Denise na sasamahan nya ako pero hindi na ako pumayag sinabihan ko sya na kailangan nya magpahinga at sinabi ko na konti na lang naman ang kailangang asikasuhin at buti naman ay napakiusapan ko at hindi na sya nagpumilit pa .

"Okay na po ang lahat Sir "sabi sakin ni Diane ang pinay na wedding coordinator na naka base dito sa Milan.

"Thanks Diane ,, "nakangiti kong tugon dito.

"Sige po Sir idodouble check ko lang po yung caterer to make sure na maayos na rin yung foods" paalam nito sakin.

May ngiting gumihit sa aking labi habang minamasdan ang kabuan ng lugar kung saan gagawin ang garden wedding namin ni Denise masaya ako dahil kahit konting panahon lang ang naibigay samin para planuhin ang lahat naging maganda naman ang resulta buti na lamang ay malapit rin na kaibigan ng dad ang may ari nitong venue kaya hindi na kami nahirapan magpareserved ..

Pabalik na sana ako sa loob ng nakita ko na nakatayo si Raine di kalayuan kung saan ako naruon ,, nandito na sila kinuha ko yung cp ko may nagmessage hindi ko narinig kanina kasi kausap ko si Diane tsineck ko yung message .

"We're here already"- DENISE .

Binasa ko lang pero hindi ako nagreply kasi nakatuon ang atensyon ko kay Raine na nagmamasid din sa kabuuan ng lugar ...

At hindi ko alam kung bakit hinihila ako ng aking paa palapit sa kanya ...

"RAINE ?"tawag ko ..

Lumingon sya ..

I NEVER KNEW LOVE TILL I FOUND YOU (ASHRALD FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon