CHAPTER NINE-Not like what I expected

1K 19 2
                                    

RAINE'S POV

Mali ang inaakala ko ..hindi si Lean ang pumarada na kotse sa harapan ko....Bigla akong kinabahan grupo kasi ito ng mga lalaki na mukhang mga sangano...

"Hi Miss...Can we drive you home..?"nakangising alok ng isa na nakaupo sa may passenger seat

"NO THANKS!!"tangi ko....

"The rain is getting harder and harder and I'm sure you might get sick if you will insist us"

Hindi ako tumugon mukhang mapilit sila bagkus ay naglakad ako palayo sa kanila sobrang bilis ng tibok ng puso ko habang naglalakad....Lord wag nyo po ako pababayaan dasal ko hindi ko na nga alintana ang lamig at ginaw ang gusto ko lang ay makalayo sa mga mukhang adik na mga lalaking ito.

Pero hindi pa ako nakakalayo ay may humawak na sa braso ko.

"Common don't play hard to get.."sabi ng lalaki habang nakahawak sa braso ko at hinihila papuntang kotse nila.

"Can you please let go of me...you bastard!!"sigaw ko at pilit kumakawala sa pagkakahawak nito.

Ngumisi lang ang lalaki na parang nakakaloko....

"Let go of me!!!HELPPPPPP!!!"halos maputol na ang litid ko kakasigaw na baka sakaling may tumulong sakin....Pero madilim ang lugar sabayan pa ng lakas na buhos ng ulan...

Pero bago pa ako isakay ng lalaki ay nagulat na lamang ako ng sumambulat ito sa sahig.

"LEAN?"salitang lumabas mula saking bibig ng nakita ko sya na nakatayo habang nakatingin sa lalaking sinuntok nya.

Pero lumabas na sa kotse ang dalawa nitong kasamahan galit na galit ang mga itong nilapitan ni Lean at hinawakan ng isa ang magkabilang braso ni Lean para wala itong maging palag.

"STOP ITTTT !"sigaw ko ng undayan ng suntok ng isang lalaki si Lean sa may panga.

At magkasunod sunod na suntok ang tinangap ni Lean halos hindi ko na nga mabilang.

Lumapit ako para awatin ang lalaki na gumugulpi kay Lean pero kaagad nya akong naitulak kaya napasadsad ako sa sahig......may naramdaman akong konting kirot sa siko ko alam ko nasugatan ito....Pero hindi ko ito pinansin pinilit kong tumayo sa pagkakatayo ko ay nakasalampak na si Lean sa semento hindi pa nakuntento ang isa pinagsisipa pa si Lean.

"ENOUGH!!!!" sigaw ko.

At doon ay umalis na ang mga lalaki at iniwan si Lean....

"Lean..."sabi ko habang tuloy tuloy na ang pagdaloy ng luha ko tinatapik ko ang mukha nya pero wala itong naging reaksyon.

Wala ng malay si Lean......ang mukha nito punong puno na ng sugat ang labi nya patuloy ang daloy ng dugo.

Buti na lang ay may nagdaang taxi at kaagad ko itong pinara.

Umiiyak padin ako habang nakasakay sa taxi at nakasandal sa balikat ko ang walang malay na si Lean......

Nagpaderetso ako sa hospital...

Halos isang oras din akong nasa labas ng Er para hintayin ang doctor na sumusuri sa kalagayan ni Lean.

Tatayo ..uupo... palakad lakad hindi ako mapakali....Sobrang nagaalala na nga ako sa kanya.

Hanggang sa lumabas ang doctor at ibinalita sakin na wala namang grabeng pinsala ang natamo ni Lean...Pero kailangan pa rin itong obserbahan....

Pumasok ako sa kwarto kung saan sya inilipat...Naabutan ko syang walang malay na nakahiga...

Huminga ako ng malalim habang nakatingin sa kanya...Muli ay may bumalik sa alaala ko...

FLASHBACK

I NEVER KNEW LOVE TILL I FOUND YOU (ASHRALD FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon