CHAPTER TWENTYEIGHT

848 22 8
                                    

KYLE'S POV

Gusto kong deretsahin si Bianca kung pinopormahan sya ni Jacob napansin ko kasi lately na panay dikit sa kanya nito ..

Pero natatakot ako sa isasagot sakin ni Bianca ..paano kung gusto nya si Jacob ?

"Mukhang lumelevel up na sayo yung mokong na yun huh ?"sabi ko kay Bianca sabay akbay habang naglalakad ito sa hallway ng university .

"Ah yun si Jacob wala yun noh ,, panay lang paandar lang nun .."

"Type mo naman ,, "

Tumigil kami sa paglalakad at tiningnan nya ako .

"Hindi ...Bakit?"

Naramdaman ko na para ba akong nabunutan ng tinik sa lalamunan na mismo nangaling kay Bianca na hindi nya type si Jacob akala ko hindi na ako magkakalakas ng loob alamin kay Bianca kung anong status nila.

"Wala lang ... Masama bang magtanong .."

Umiling sya bilang pagsagot ,, at muli ay naglakad hindi ko na sya sinundan kasi pakiramdam ko gusto kong matatalon sa tuwa ,,

"KYLE ,, "tawag nito ..

Kaagad naman akong tumakbo palapit ..

"Punta ka sa birthday ko bukas huh .."

"Wow 18 ka na pala Bianca it means pwede ka ng magkasyota"dinaan ko na lang sa pangaasar pero sa totoo lang deep inside gusto ko talaga malaman at marinig kung anong magiging reaksyon nya .

"Syota ka dyan alam mo Kyle yang pagboboyfriend wala sa edad yan nasa maturity yan kung 18 ka na nga pero isip bata ka pa rin ang panget kung magboboyfriend ka na gaya mo tanda mo na isip bata ka pa rin .."

"Sabagay may punto ka dun at Bianca hindi ako isip bata noh dahil ready na ako magka girlfriend humahanap lang ako ng tamang timing natatakot kasi ako baka bastedin ako ng girl"

"May nagugustuhan kang girl ?"biglang sumeryoso ang mukha ni Bianca ..

"Hahaha ,,Joke lang no wala kaya ang sabi ko lang kung sakali man ay ready na ako pumasok sa isang relationship hindi gaya ng iniisip mo na isip bata ako .."sabay bawi ko hindi ko alam kung bakit inatake na naman ako ng takot paano ko naman maaamin kay Bianca na sya ang mahal ko kung heto lagi akong inuunahan ng takot .

"Sige na mauna na ako kailangan ko pa kasi asikasuhin yung party ko para bukas basta pumunta ka huh hindi ka pwedeng mawala dun "paalala sakin ni Bianca ..

"Oo naman pwede ko bang palagpasin yun "

At doon ay iniwan na nya ako ..

Napabuntong hininga pa ako habang tinatanaw ko sya na naglalakad palayo ..

I NEVER KNEW LOVE TILL I FOUND YOU (ASHRALD FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon