RAINE'S POV
''Magkapatid nga kayo pareho manloloko !''galit na galit na wika ni Bianca ng aminin na ni Kyle ang pagiging magkapatid namin .
''Bianca ,, please makinig ka sakin ...''pakiusap ni Kyle na bakas na bakas sa itsura nito ang kagustuhan na maliwanagan ang isip ni Bianca.
''Damn you ,, Kyle!! Ginawa mo akong tanga sinabi ko sayo lahat lahat kung gaano ko kinamumuhian ang babaeng yan na sumira ng pamilya ko pero wala akong kaalam alam na kapatid mo pala yan pinagkatiwalaan kita alam mo ba yun pero pinaikot mo lang ako sa kasinungalingan mo " panunumbat ni Bianca kay Kyle at hindi narin nito napigilan ang pagtulo ng kanyang luha..
''Alam ko Bianca nagsinungaling ako sayo dahil oras na sabihin ko sayo lahat masasaktan ka lang at ayokong mangyari yun dahil mahal mahal kita" nanginginig na rin tono ni Kyle hbang nagsasalita.
''Magsama sama kayong lahat pare pareho kayong manloloko!!''yun lang ang sinabi ni Bianca at nagmamadali na itong naglakad papalayo samin .
Hahabulin pa sana ito ni Kyle pero mabilis ko syang napigilan ..
''Hayaan mo muna sya kailangan muna nya siguro ng space para makapagisip naging napakabilis ng lahat ng nangyari kaya hindi magiging ganun kadali para sa kanya tangapin ang lahat "payo ko kay Kyle ..
Tuluyan ng naglandas ang luha sa mukha nito na alam ko kanina pa nya pinipigilan hindi na nya kailangan pang magsalita para maramdaman ko kung gaano sya nasasaktan ngayon kaya kaagad ko syang niyakap...
''Ssshhh ,, magiging okay din ang lahat Kyle palipasin mo muna ang lahat bago mo kausapin si Bianca" bulong ko dito habang yakap yakap ko sya.
''Best ,, tara na aabutan na tayo ng ulan tsaka nyo na ituloy yan medyo makulimlim na oh" sabad ni CJ .
Kumawala na kami ni Kyle sa pagkakayakap ...
''Ako na bahala sa kapatid ko" malumanay na wika ni Matt na para bang nakita ko sa kanya ang pagaalala kay Bianca ,, alam ko na napakarami ng nangyari na gulo sa pagitan namin ni Matt pero hindi parin mawawala ang pagiging kapatid namin kina Kyle at Bianca na ngayon ay naapektuhan narin ng sitwasyon.
Hindi ko na nakuhang sagutin pa si Matt dahil hinatak na rin ako ni CJ nagaalala kasi ito na baka abutin kami ng ulan ..
''CJ naman hindi ako pwedeng tumakbo ng mabilis alam mo namang buntis ako '' awat ko kay Cj na mukhang nakakalimutan yata na nagdadalang tao ako dahil nga halos kaladkarin na ako nito.
''Sorry best ayoko naman na kasing mabasa sa ulan at ayoko naman na malate tayo sa gig ni Zander " sabi nito..
Dinaanan namin dito sa university si Kyle para sabay sabay na kaming pumunta sa gig ni Zander birthday din kasi nito kaya inimbitahan na rin kami..
Buti na lang ay may pumaradang taxi at kaagad naman na itong pinara ni CJ bago pa tuluyang bumuhos ang ulan ...
Nabaling ang tingin ko sa kinatatayuan ni Matt habang nakasandal ito sa may trunk ng kotse nya hindi kasi magawang umandar ng taxi na sinasakyan namin dahil sa mga taong nagsisipagdaan at natataranta sa paghahanap ng masisilungan samantalang si Matt ay hindi man lang iniinda ang malakas na ulan at hindi man lang din ito natinag sa pagkakatayo.
Hindi ko alam bakit parang bigla akong nakaramdam ng awa sa kanya sa mga oras na ito samantalang noong nakaraang araw ay halos isumpa ko na sya dahil sa pangugulo nya sa restaurant...
BINABASA MO ANG
I NEVER KNEW LOVE TILL I FOUND YOU (ASHRALD FF)
ФанфикPinaglayo ng kapalaran at muling pinagtagpo ng tadhana sa sitwasyong hindi naasahan...Sa taong lumipas masasabi na ba ni Raine kay Lean ang totoong nararamdaman nito o may mga bagay na darating ang magtutulak sa kanya para sarilinin na lang ang laha...