RAINE'S POV
''Ano pong kailangan nila?'' bungad sakin ng isang babae na syang nagbukas sakin ng pinto.
''Ah ,, pasensya na .. kayo na ba ang mayari ng bahay na ito nasaan na ang dating nagmamayari nito?" tanong ko.
'' Ay matagal na naming nabili ang bahay nato tatlong taon na ang nakakaraan at wala na kaming balita sa dating may ari ng bahay.." sagot ng babae na nasa 40 pataas na ang edad .
''Ganoon po ba? Sige po maraming salamat na lang po" magalang kong sambit sa ginang.
''Sige hija ,, tanungin mo na lang siguro sa mga ibang kapitbahay baka sakaling alam nila kung nasaan na yung dating may ari nito." payo sakin ng babae.
''Sige po .." ako
Nanlulumo akong naglakad palayo sa dati naming bahay ..
Napakahalaga kay inay ang bahay na ito at hindi ko alam kung bakit nya ito nagawang ibenta dati ko pa nga sya kinoconvince na lumipat sa ibang bahay pero ayaw nya dahil sa espesyal nga sa kanya ang bahay na ito.
Dinala ako ng mga paa ko sa bahay nila si CJ hindi para doon alamin kung nasaan na ngayon nakatira sina nanay at Kyle panigurado alam nya ito.
Nakailang katok lang ako ng pinagbuksan ako ni Aling Norma ang nanay nya.
Binigyan ko ito ng matamis na ngiti..
Nakita ko sa itsura nya ang pagtataka na para bang hindi nya ako nakikilala ,, nakasuot din naman kasi ako ng shades kaya siguro hindi nya ako marecognized.
''Kamusta na po kayo,, Aling Norma?" sambit ko sabay tangal ng suot kong shades.
''Mahabaging langit ,,, Raine ,, ikaw ba yan!!! Diba patay ka na..'' gulat na wika ng nanay ni CJ ..
Oo nga pala limang taon na inaakala ng lahat na patay na ako dahil ito ang pinalabas ni Matthew..
''Buhay po ako Aling Norma ,, marami pong nangyari na mahirap ipaliwanag .. "
''Pasok ka hija ,, hindi ako makapaniwalang buhay ka ..." mautal utal na yaya sakin ni Aling Norma.
"Salamat po" nakangiti kong tugon habang humahakbang papasok sa bahay nila.
Wala parin itong pinagbago ng ilibot ko ang aking mga mata sa kabuam ng bahay ng bestfriend ko.
"Maupo ka muna at kukuha kita ng maiinom marami tayong dapat pagusapan hija panigurado matutuwa ang anak ko kapag nalaman nitong nagbalik ka" taranta paring wika nya.
Umupo na ako at habang naghahanda si Aling Norma ay napukaw ang atensyon ko ng mga litrato na nakapatong sa stante sa tapat ko tumayo ako para tingnan ito.
Wedding pitcure ni Zander at CJ ...
Hindi napigilan ng luha ko ang pumatak habang tinitigan ang pitcure frame ..
''Ikinasal na pala ang best friend ko na hindi ko man lang alam .." bulong ng utak ko na may halong panghihinayang kasi bata pa lang kami nangako na kami sa isat isa oras na ikasal kami ay kukunin naming maid of honor ang bawat isa..
Pero hindi yun natupad dahil sa mga sadyang pinaglaruan ng tadhana ang aming mga kapalaran ..
Nang ilapag ko ang wedding pitcure at ibinaling ko naman ang aking mata sa iba pang pitcure frame at dito ay napansin ko naman ang litrato ng isang cute na cute na batang babae.
''BABY NILA ZANDER AT CJ .." boses ni Aling Norma mula sa likuran.
Kaagad kong pinunasan ang luha saking mga mata bago humarap sa kanya.
BINABASA MO ANG
I NEVER KNEW LOVE TILL I FOUND YOU (ASHRALD FF)
FanfictionPinaglayo ng kapalaran at muling pinagtagpo ng tadhana sa sitwasyong hindi naasahan...Sa taong lumipas masasabi na ba ni Raine kay Lean ang totoong nararamdaman nito o may mga bagay na darating ang magtutulak sa kanya para sarilinin na lang ang laha...