CHAPTER THIRTYONE

781 18 7
                                    

MATTHEW'S POV

Buti na lang ay may dumating na doctor na papalit sakin kaya hindi na naextend ang paguwi ko sa Manila ng two weeks ..

Sobrang namimiss ko na si Raine ..

At buo na ang plano ko ..

Walang sabi sabi na niyakap ako ng mom ng mabungaran nya ako sa may pintuan gaya ng sinabi ko kay Raine aayusin ko na ang lahat sa pagitan namin ng mommy at Biance ..

"I'm happy you're back ,, son"maluha luhang sambit ng mom habang nakahawak sa magkabilang pisngi ko .

"Gusto ko lang kayo makausap mom at maayos na satin ang lahat .." sabi ko.

"Sige ,, ano bang gusto mong pagusapan,,?"

" Mom ,, gusto ko lang na magkaayos tayo tapusin na natin ang lahat ng ito its been a year na tinitiis natin ang bawat isa ."

"Alam mo naman ang dahilan diba? "

"Mom ,, gusto ko lang na matapos na itong gulo bago ko yayain magpakasal si Raine "

"WHAT ? PAKAKASALAN MO SI RAINE BUT SHE DOESN'T LOVE YOU AT ALL AND SHE NEVER DID DAHIL SI LEAN MONTANEZ PARIN ANG MAHAL NYA"

"Ma,, mahal ako ni Raine at isang taon na pinatunayan nya sakin na burado na sa puso nya si Lean kaya please tangapin nyo na si Raine dahil sya ang gusto kong makasama habang buhay dahil sya ang buhay ko mom at wala na si Lean mom hindi sya babalik para guluhin kami ni Raine .."

"So,, hindi mo pa alam ?"

"What do you mean ,,ma?" nasa boses ko ang pagtataka.

" Nagbalik na si Lean from Milan ,, more than a month I'm not sure ,, Paano mong hindi nalaman na niloloko ka na ng Raine na yan ..."

Parang pinasabugan ng granada ang puso ko ,,

"Ma,, ganyan na ba kayo kagalit kay Raine para sirain mo sya ng ganyan .."

"Hindi Matthew ,, ikaw lang ang tanging concern ko dito dahil simula ng dumating yan si Lean lihim kong pinasubaybayan si Raine coz I don't trust her lalo na ng maassign ka sa Bacolod ... She was with Lean they went to Batangas and spent a week together ..Matt wake up tapusin mo na yang kahibangan mo sa walang kwentang babae na yan na kahit kelan ay hindi ka magagawang mahalin ...I thought kaya ka pumunta dito para pagsisihan ang desisyon na sya ang pinili mo na akala ko inamin na nya sayo ang lahat pero it seems na wala kang idea kaya wala akong choice kundi sabihin sayo ang lahat lahat na niloloko ka lang ni Raine!!"

Walang salita ang lumabas mula sa aking bibig ,, na parang hindi nagsisink in sa utak ko ang lahat ng sinabi ng mom ..hindi magagawa ni Raine na saktan ako sa lahat ng taong kilala ko hindi si Raine.

"I don't believe you ,, dahil ang gusto nyo sirain kami ni Raine dahil ayaw nyo sa kanya but you failed Ma dahil kahit anong paninira ang gawin nyo hindi ako maniniwala ,, Mahal ako ni Raine yun ang totoo .."

Hindi ko na hinintay na tumugon ang mom lumabas na ako ng bahay at dere deretsong sumakay ng kotse pinaandar ko ito at dumeretso sa resto tinext kasi ako ni Raine na nasa Resto sya ... wala syang idea na nandito na ako dahil inexpect nya ay two weeks pa ako mastastay sa Bacolod ..

Nagmamadali akong pumasok at dito ay sinalubong ako ni Janet .

"Ang mam Raine mo .. "casual kong tanong..

"Ah Sir isang linggo po nakabakasyon si Mam Raine pauwi na po siguro ngayon yun "sambit ni Janet na sa tingin ko ay walang idea sa mga nangyayari ..

"Alam mo ba kung sino kasama nya ? "

"Hindi po eh,, buti na nga lang po nakakayanan ni Mam Josie na palakarin itong resto ng walang umaalalay sa kanya kasi naman po itong si Sir Lean nagkaroon daw ng emergency kaya nagfile din ng vacation talagang sinabayan pa si Mam Raine "

I NEVER KNEW LOVE TILL I FOUND YOU (ASHRALD FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon