Raine's Pov
Inexpect ko ba na makakatulog pa ako matapos ng naging paguusap namin ni Lean kanina na nalaman na nya ang totoo tungkol sa tunay na nararamdaman ko para sa kanya,,
Paano nito mababago ang lahat sa pagitan namin?Anong gagawin ko?Makakayanan ko bang makiharap kay Denise dala dala ang lahat ng guilt dito sa dibdib ko na sa bawat sandali na kaharap ko si Denise nagtatago ako sa isang kasinungalingan na minamahal ko ang lalaking minamahal nya ng lubos.
Paano ko haharapin ang darating na araw na nararamdaman ko na parang pasikip na ng pasikip ang aking mundo na parang nakakulong ako sa isang sitwasyon na kahit gusto ko ng kumawala ay hindi pwede..
At paano kung isang araw malaman ni Denise ang lahat ng ito?Paano nya ito matatangap lalo na sa kanyang malubhang kalagayan...
Dumadag pa itong si Matthew na hindi ko maintindihan na parang meron sa kanya na hindi ko maintindihan na para bang minsan sa buhay ko ay nagtagpo na ang aming mga landas...
At hindi ko alam na kung bakit sa una pa lamang naming pagkikita pakiramdam ko ay matagal na nya akong kilala at kaagad sya nagkaroon ng interes sakin..Basta yun ang nararamdaman ko sa mga tingin at kilos ni Matthew..At sana nga nagkakamali lang ako ng kutob hindi ako pwedeng mainvolve kahit kanino dahil alam ko sa sarili ko na hindi ko pa kayang pakawalan ang pagmamahal ko para kay Lean kahit pinaniwala ko na sya na kakalimutan ko na sya..Alam kong masasaktan ko lang ang lalaking mamahalin ako dahil hindi ko naman ito kayang pantayan o suklian..
Kinaumagahan ....
"Okay ka lang Raine?"tanong sakin ni Denise habang nandito kami sa may Veranda para magpahangin.....Nakita nya kasi akong humihikab.
"Ok naman Denise.."sabi ko na lang pero nanghihina talaga ako dahil wala akong halos tulog syempre hindi ko naman pwede sabihin sa kanya yun ...Kilala ko si Denise masyado itong mausisa baka isipin pa nya kaya hindi ako nakatulog kagabi dahil kay Matthew..
BINABASA MO ANG
I NEVER KNEW LOVE TILL I FOUND YOU (ASHRALD FF)
FanficPinaglayo ng kapalaran at muling pinagtagpo ng tadhana sa sitwasyong hindi naasahan...Sa taong lumipas masasabi na ba ni Raine kay Lean ang totoong nararamdaman nito o may mga bagay na darating ang magtutulak sa kanya para sarilinin na lang ang laha...