CHAPTER THIRTEEN-

983 21 4
                                    

LEAN's POV

Nakatulog na rin si Denise hinalikan ko muna sya sa forehead bago ako lumabas ng kwarto nya kailangan ko na rin kasing dumeretso sa office .

Byv

"Natutulog na sya..."sabi ko kay Raine ng magkasalubong kami kakalabas din nya kasi sa kwarto nya.

"Mabuti naman nakapagpahinga na sya"tugon nito na hindi man lang makatingin ng deretso sakin...

"Kamusta ka na?" tanong ko.

"Maayos naman...ikaw? Buti na lang hindi nahalata ni Denise yang sugat mo"

"Oo maliit lang naman kaya hindi nmn masyadong visible"sambit ko na ang tinutukoy nya ay ang sugat sa gilid na labi ko na dahil sa pagkakasuntok sakin noong nakaraang gabi.

Hindi ko alam ...

Kung bakit nagiba ang trato ko kay Raine....para bang nararamdaman ko na unti unting nawawala yung galit na nararamdaman ko sa kanya dahil sa nalaman kong mahal nya ako

"Thank you nga pala sa pagbisita mo kahapon sorry kung medyo nasungitan kita"

"Ganti mo lang yun dahil pinagtabuyan din kita nung nasa hospital ako.."

"Hindi huh..naiintindihan naman kita eh...Lagi ka na lang napapaaway dahil sakin"

"Wala yun noh.....sabi ko sayo kahit sinong babae ang makikita kong binabastos tutulungan ko naman nagkataon lang na tatanga tanga ka "

Napatawa si Raine...

And its like music in my ears...

"Hindi ka parin nagbabago Lean.."nakangiti nyang sambit.

And her smile it captivates my soul.

"Ikaw din hindi ka parin nagbabago engot ka parin"

"Malay ko bang may mga tarantadong lalaki na titigil sa harapan ko..."

"Dami mo kasing arte bababa baba ka pa sa kotse...Paano na lang kung wala ako dun edi napahamak ka na"

Sumeryoso ang mukha ni Raine.

"Lean....nagtatataka lang ako...bakit parang naging iba ka ngayon ?"

"Anong iba?"

"Yung pakikitungo mo sakin...."

Natahimik ako....Dahil ako mismo hindi ko rin alam basta hindi ko maipaliwanag simula ng marinig ko kay Raine na mahal nya ako.

Masaya ako na dapat hindi naman dahil mas lalo kong inaabsorb sa sistema ko ang totoong mahal ako ni Denise....Alam ko masasaktan ko si Denise.

"Dahil gusto ko na kalimutan ang lahat Raine...Ayoko ng mabuhay na may dala dalang bigat sa dibdib..Oo nasaktan ako pero hindi naman siguro kailangan na buong buhay ko makulong ako sa sakit diba....Kailangan ko ring mag move foreward para sa sarili ko para sayo at higit sa lahat for Denise..."

"Pinapatawad mo na ako Lean..."

"Oo naman...Alam kong may dahilan ang lahat ng nangyari siguro ako lang ang nagpilit sa mga bagay bagay na imposibleng manyari..kaya nasaktan ako ng sobra..."

"Salamat Lean....Sobrang kinagaan ng loob ko na ngayon napatawad mo na ako.."

"At nagpapasalamat din ako sa pagpayag mong alagaan si Denise sa kabila ng lahat ng nangyari satin in the past..."

"Wala yun....Mahihindian ko ba si Denise..."

"Oo sinabi mo pa..."

Hindi ko alam kung bakit hindi ko napigilang yakapin si Raine....

I NEVER KNEW LOVE TILL I FOUND YOU (ASHRALD FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon