RAINE's POV
"May problema ba huh,,Raine?"tanong sakin ni Lean habang nakasakay kami ng kotse papunta sa kanila kung saan naghanda ng dinner ang kanyang mama.
"Lean, Nagkita kami ni Matt kanina pumunta sya sa bahay yung kakaalis mo pa lang"tugon ko .
"Kaya ba parang malalim ang iniisip mo "Lean.
"Ewan ko Lean nararamdaman ko na parang may iba sa kanya na para bang hindi na sya yung Matt na nakilala ko dati ..."
''What do you mean ? Paano nagiba ?''usisa ni Lean.
''Meron akong nakikita sa mga mata nya na para bang punong puno ito ng galit na hindi ko maintindihan dahil sa twing titingnan ko sya sa mata nakakaramdam ako ng takot at Lean sinabi nya sakin na hanggang ngayon nahihirapan syang tangapin na wala na ako sa buhay nya ,, sinumbatan nya ako na na matapos nyang ibigay ang buong pagmamahal nya ay itatrato ko lang daw sya na parang basura''sagot ko kay Lean naisip ko na mabuti na ring malaman nya ang lahat dahil wala naman na akong rason para magtago o maglihim pa sa kanya.
''Basta Raine wag mo babalewalain yang kutob mo kay Matt lalo pa ngayon na inamin nya sayo na nahihirapan syang tangapin ang lahat malay mo na sa sobrang sakit ng dulot ng pagiwan mo sa kanya maisipan nya na makagawa ng hindi maganda .. Raine kaya ako sobrang lakas ng paniniwala ko na may kinalaman si Matt sa lahat ng ito kaya hindi ako titigil hanggat hindi ko nalalaman ang totoo''
''Lean ,, tama ka siguro nga lahat ng tao possibleng magbago ang mabubuti pwedeng maging masama at ang masasama pwede maging mabuti hindi nga tayo dapat maging kampante sa mga posibilidad na mangyari ito kay Matt lalo nat sobra ko syang nasaktan at baka ang sakit na yun ang magdulot sa kanya para gumawa ng hindi maganda''
"Basta Raine ayoko na maglilihim ka sakin huh ,, lalo na tungkol kay Matt pareho nating alam na sa ngayon ay puro kutob at hinala lang tayo but sooner kapag napagtagpi tagpi na natin ang lahat sigurado lalabas din ang totoo ..''
''Oo Lean lalabas din ang totoo ,, mapapatunayan din natin kung sino talaga ang may kasalanan sa pagpatay kay Corrine''
''Sa ngayon paghandaan muna natin ang pagsabi kay mom ng totoo tungkol sa kalagayan mo alam ko mahirap din ito sa parte natin pero nangangako ako paninindigan ko kayo ng magiging anak natin,,pangako yan ''sabi nya sabay hawak saking kamay na nakapatong saking hita.
Pilit ko man iwaksi ang kabang nararamdaman ko ngayon na haharap ako sa mama ni Lean pilit paring pumapasok ang kaba sa sistema ko .
''Lean ,, ginagawa ko ito para sayo dahil kung ako lang tangap ko na hindi ako kayang tangapin ng mama mo kaya hindi na ako umaasa pero dahil sa mama mo sya at alam kong importante na malaman nya ang tungkol satin at sa magiging baby natin anut anoman ang maging resulta nito tatangapin ko ''
''Diba sinabi ko na sayo matangap man o hindi ng mama buo na ang desisyon ko na panindigan ko kayo ,, Raine marami ng nangyari at alam kung marami pa ang pagsubok na darating sating dalawa ang gusto magkasama tayong haharapin ang lahat ng iyon ..tayong dalawa lang ''
''Salamat Lean ,, mahal na mahal kita sobra'' pilit akong ngumiti habang sinasabi ang mga salitang yun na pakiradamdam ko ay may namumuo na namang luha sa gilid ng aking mga mata na konti na lang ay maaari ng tumulo.
Hinawakan ni Lean ang baba ko at tiningnan nya ako sa mata.
''You are my life CLARAINE MONIQUE SAAVEDRA and I love more than anything else '' tugon nya na syang naging dahilan ng tuluyan ng naglandas ang luha saking mga mata.
Niyakap nya ako ,, na pakiramdam ko ay sobrang secure na secure ako sa mga bisig nya .. tama magkasama kaming haharapin ang lahat ng pagsubok na darating samin ..
BINABASA MO ANG
I NEVER KNEW LOVE TILL I FOUND YOU (ASHRALD FF)
FanfictionPinaglayo ng kapalaran at muling pinagtagpo ng tadhana sa sitwasyong hindi naasahan...Sa taong lumipas masasabi na ba ni Raine kay Lean ang totoong nararamdaman nito o may mga bagay na darating ang magtutulak sa kanya para sarilinin na lang ang laha...