CHAPTER FOURTYSIX

623 12 4
                                    

LEAN'S POV

  "Matt ,, magiging matibay na ebidensya ang lahat ng sinabi ni Mang Pedring para sa kaso pwede natin ipresinta sa korte na talagang set up lang ang lahat pero hindi parin tayo pwedeng tumigil sa paghahanap ng ebidensya..."sabi ni Atty. matapos naming kitain si Mang Pedring yung security guard na nakakita kay Matthew noong gabi na nangyari ang pagpatay kay Corrine.

''But Lean ,, hindi parin tayo pwedeng tumigil na humanap ng iba pang ebidensya kailangan natin mapanindigan na sinetup ka lang talaga ni Matt...."dagdag pa ng abogado.

''Yeah Atty.. hindi ako titigil hanggat hindi magiging klaro ang lahat kung si Matt nga ang totoong nagset up sakin hahanap at hahanap ako ng ebidensya na makapagpatunay nito at higit sa lahat kailangan nyang panagutan ang ginawa nya kay Corrine"

''Basta Lean magiingat ka sa mga hakbang mo dahil sa oras na makahalata si Matt na may idea ka na panigurado ay kikilos na yun para hindi sya madiin mas mabuti ay bumuluga na lang sa korte ang lahat ng ebidensya na magtuturo sa kanya na ginawa nyang krimen''

''Yes Atty .. ngayon mas magiging aware ako kung gaano ka tuso yang si Matt at hindi ang katulad ko ang malalamangan nya kung ganito ang gusto nyang laro pwes makikipaglaro ako sa kanya...''

''Ipaalala ko lang sayo Lean ,, sa susunod na araw na ang first hearing at dapat kahit paano makapagpresinta na tayo ng ebidensya bukod kay Mang Pedring ''

''Oo Atty... sisikapin kong makahanap pa ng ibang ebidensya para mapatunayan sa korte na inosente ako"

Matapos naming magpaalaman ni Atty ay nagtungo na ako sa pulis meron lang akong bagay na lilinawin..

Gusto kong makausap yung pulis na humuli sakin noong umagang natagpuan ang bangkay ni Corrine.

Alam ko na kasabwat sila ni Matt sa pagset up sakin.

Kailangan ko malaman ang history nila kung hindi sila nasasangkot kung saan mang ilegal na gawain.

''Mr.Montanez ,, halos isang linggo na ring suspendido ang dalawang pulis na humuli sa inyo ..." balita sakin ng pulis na naka duty ngayon ng tanungin ko kung nasaan ang mga pulis na humuli sakin.

''Huh ano? Paanong nasuspindi?"pagtataka kong tanong.

''Sir ,, napatunayan na kasi na kung ano anong ilegal ang kinasasangkutan ng dalawang yun .... ginagamit nila ang pagpupulis nila para sa hindi mabuting paraan buti na lang ay may concerned citizen na nagreport samin na yang mga pulis na yan ang may pumoprotekta sa isa sa pinakamalaking sindikato ng droga at nang mapatunayan na hindi lang yun ang katarantaduhan na ginagawa nila hindi na nagdalawang isip si hepe na suspendehin sila at may posibilidad na mapatalsik sila sa pwesto"

''Ibig mong sabihin hindi sila matitinong pulis sila yung mga tipo na gagawin ang lahat kahit ilegal kumita lang ng pera ''

''Ganun na nga Sir .... matanong ko lang Sir bakit po parang interesado kayo sa dalawang yun eto parin po ba yung tungkol sa pagkakahuli  sa inyo ..''usisa ng pulis.

'' Oo dahil gusto ko kilalanin sila dahil malakas ang kutob ko na kinasabwat lang sila sa pagseset up sakin ngayon nalaman ko na hindi pala sila matitinong pulis mas matibay ang paniniwala ko na nabayaran lang sila para gamitin ng taong gustong sumira sakin"

''Sir ,, satin satin lang toh ako rin po may hinala na sinadya lang ang lahat ng nangyaring pagkakadakip sa inyo ,,, ayoko lang po magsalita dahil baka nga kutob ko lang din ito pero gaya ng sinabi nyo na possible ngang na set up lang kayo siguro may possibilidad na tama nga ang kutob ko''

''Anong ibig mong sabihin ?'' tanong ko na nararamdaman ko na may alam sya sa nangyari...

''Noong gabi na pare pareho kaming naka duty at kinagabihan din yun bago mamatay yung biktima..... narinig ko si Santos na may kausap sa cp nito yung para bang may katarantaduhan na naman silang gagawin pagkababa ni Santos ng phone sabi nya kay Guzman maghanda ito dahil may malaki silang raket bigtime daw yung nagutos sa  kanila na linisin ang kalat nito ...''

I NEVER KNEW LOVE TILL I FOUND YOU (ASHRALD FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon