CHAPTER SIX- Wrong decission

1.2K 19 4
                                    

Raine's Pov

"Ni request ni Denise na maging private nurse ka nya habang isinasagawa ang kanyang chemotheraphy...Dahil bukod sakin ikaw lang ang nakakalam ng kondisyon nya "sabi sakin ni Dr.Espiritu ng ipatawag nya ako.

"Wala pong problema sakin Doc...pero kailangan ko pa pong magpaalatylm sa department ko marami din po kasi akong pasyenteng hawak ngayon kaya po hindi ko po maiiwan sila ng basta basta"

"Pinaalam na kita sa head nurse na may hawak sayo at may nakuha na syang pansamantalang gagawa ng trabaho mo kaya wag ka ng magalala ok Ms.Saavedra"

"Sige po doc...Payag na po ako "nakangiti kong tugon.

"Maraming Salamat alam naman nating pareho ang pinagdadaanan ng inaanak ko kailangan nya ngayon ng taong pagkakatiwalaan at ayon sa nakikita ko ikaw yun Ms.Saavedra..."

"Ikinararangal ko po yun Doc. na pagkatiwalaan ako ni Ms.Denise...Ako rin po pakiramdam ko napalapit kaagad ang loob ko sa kanya...kaya wag po kayong magaalala tutulungan ko po sya sa pagharap ng lahat ng ito.

"Hindi ko nga alam sa batang yan kung bakit ayaw pa nyang ipaalam sa magulang nya na sana kahit paano hindi sya nagiisang harapin ang lahat ng nangyayari sa kanya "

"Siguro nga doc ayaw nyang magalala sa kanya ang magulang nya kaya mas pinili nya na wag na lang itong sabihin pa sa kanila"

"Sana nga malampasan ni Denise ang lahat ng ito dahil kapag umabot sa puntong sumuko ang kanyang katawan hindi na natin ito pwede pang itago sa mga mahal nya sa buhay'

"Malalampasan pa ito ni Ms.Denise Doc.."

"Ipinagdarasal ko yan ...anak na rin kasi ang turing ko sa batang yan eh ...By the way Ms.Saavedra nakausap ko na yung hospital kung saan isasagawa ang chemotheraphy sessions ni Denise walang nakakakilala kay Denise doon yun kasi ang ibinilin nya na hanggat sa maaari ayaw nya ng may makakakilala sa kanya finax ko na rin ang lahat ng medical records ni Denise kaya wala ng magiging problema"

"Sige po doc....ako na rin po bahalang umalalay sa gamutan ni Ms.Denise wag po kayong magaalala"

"Salamat ulit Ms.Saavedra hindi kasi ako pwedeng umalis dito sa hospital ng ganung katagal marami din kasi akong hawak na pasyente meron pa akong nakaschedule na major operation sa isa sa mga pasyente ko sa isang araw at sigurado na magtataka ang daddy ni Denise kung bigla akong magpapaalam basta naibilin ko na lahat sa hospital na pupuntahan nyo "

"Opo doc ipinagdarasal ko rin po na maging maayos ang lahat lahat na sana matapos ang chemo ni Ms.Denise gumaling na po sya"

"Gagawin natin ang lahat para gumaling si Denise hindi natin hahayaan na magpatalo syasa sakit..."

Pagkatapos naming magpaalaman ng doctor at matapos nya na magbigay sakin ng iba pang instructions ay dumeretso na ako sa nurse station tatapusin ko muna ang duty ko ngayong araw...Hindi ko alam kung bakit sobrang nalulungkot ako....kung bakit ganito na lang ang pakiramdam ko para kay Denise kahit iniiwasan kong isipin na hindi sya gumaling sumasagi pa rin ang posibilidad na mangyari yun stage 2 na ang Leaukemia nya yung mga ganung chances kasi may gumagaling may tuluyang lumalala 50/50 ang chances.

''Hui Raine tulala ka na naman....napansin ko hetong nakaraang araw para kang balisa huh may problema ba?"pagaalalang tanong ni Marie isa sa mga pinoy na katrabaho ko marami ding pinoy na nagtatrabaho dito sa hospital kaya hindi na rin ako masyadong naiinip na minsan may kakwentuhan at kausap halos pare pareho kasi ang istorya namin na nagsasakripisyo dito sa ibang bansa para sa pamilya.

"Ah wala okay lang ako"halos nauutal kong tugon.

"Namimiss mo lng siguro yung family mo sa Pinas noh?"

I NEVER KNEW LOVE TILL I FOUND YOU (ASHRALD FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon