CHAPTER THIRTYEIGHT

783 13 5
                                    

NA// Malapit na rin matapos ang story na to ang target ko is up to chapter 45 sana nga lang maachieve ko ..

Thank you sa walang sawang nagsusupport ng lahat ng stories na ginagawa ko ..

_________

LEAN's POV

Hindi ko alam kung bakit sobrang hirap para sakin ang makumbinsi na totoo ang sinasabi sakin ni Corrine kanina ...

Maraming bagay na wala pa ring linaw .

Na bakit sa mismong gabi pa ng proposal ni Matt kay Raine ang gabi na nagkakilala kami ni Corrine sa bar at bakit ganun na lamang kadali para kay Matt na tangapin ang rejection ni Raine .

Parang lahat ay perfect timing ...

Na para talagang pinagplanuhan ..

Hindi na ako nagdalawang isip pang puntahan si Raine para sabihin kung ano man ang nalaman ko ... Ang tungkol kay Corrine at sa koneksyon nito kay Matthew..

Hindi pa man malinaw ang lahat atleast nangaling na mismo kay Corrine na set up lang ang lahat para masira kaming dalawa ..

At kung sa ngayon ay wala pa akong nahanap na ebidensya na maaaring magkasabwat nga sina Corrine at Matt ang importante ay masabi ko na kay Raine ang lahat lahat.

Nakailang katok din ako ng pagbuksan ako ng pinto si Kyle ang bumungad sakin na syang nagbukas ng pinto.

"Anong kailangan mo ?"mahina pero ramdam na ramdam ko na may galit ang tono nya at ang dahilan siguro ay nakita nya kami ni Corrine na magkasama sa Mall .

"Pwede bang makausap ang ate mo.."sabi ko.

"Para ano pa ? diba tapos na kayong dalawa at masaya ka na dun sa Corrine na yun ang sweet sweet nyo pa nga kahapon eh "

"Kyle ,, hindi mo naiintindihan may mga dahilan ako kung bakit ko ginagawa yun kaya sana naman hayaan mo na akong makausap ang ate mo please"pakiusap ko sa kanya.

"Wala sya dito umalis kasama si Kuya Matt "

"Huh?Saan naman sila nagpunta ?Madalas bang nakakasama ng ate mo si Matt?"

"Hindi ko alam kung saan sila nagpunta at eh ano naman syo kung lagi silang magkasama ni ate eh hindi naman ibang tao si Matt at higit sa lahat si Matt kahit kailan hindi sinaktan ang ate ko gaya mo wala ka ng ginawa kundi saktan si Ate Raine"galit na sumbat sakin ni Kyle.

Bumalik na ako sa kotse hindi na rin ako nagaksaya ng panahon na depensahan ang sarili ko kay Kyle ,,naiintindihan ko naman sya dahil sa paniniwala nyang niloloko ko nga ang ate nya natural ganun ang maging pakikitungo nya sakin.

Ang iniisip ko ngayon ay kung nasaan sina Matthew at Raine ..

Para na namang sasabog ang aking puso dahil alam ko na magkasama sila wag ko lang silang maabutan dalawa kundi hindi lang sapak ang matitikman ng Matthew na yan..

Masyadong epal nakahanap lang ng butas para makapasok na naman sa buhay ni Raine ..

"SHIT!Why are they taking so long?"reklamo ko na halos magdidilim na ay wala parin sina Raine at Matt sinadya ko talagang maghintay dito dahil ayoko na itong patagalin pa .

And after long of waiting ay natatanaw ko ng pababa si Matt sa kotse at pinagbuksan pa ito nito si Raine .

Kaagad akong bumaba ng kotse at nilapitan sila.

"RAINE ,, Can we talk?"kahit nagngingitngit na ang dibdib ko sa inis dahil sa paghihintay ko pinilit ko paring maging mahinahon dahil gusto ko talaga na maging maayos ang paguusap namin ni Raine.

I NEVER KNEW LOVE TILL I FOUND YOU (ASHRALD FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon