Chapter 14

515 15 8
                                    

Chapter 14

"Dahil ang pagsikat ng araw ay parang simbolo ng panibago na namang pagkakataon… pagkakataon na dapat sulitin dahil baka iyon na ang huli, samantalang ang paglubog naman ng araw ay sumisimbolo sa pagtatapos na ang ibig sabihi'y tapos na ang pagkakataong gawin ang lahat ng bagay na hindi na ulit magagawa pa at pagkakataong hindi na maibabalik pa."

"Pero ito, Rielle, hindi pa naman ito ang huli di'ba?"

Tinitigan kong muli ang palad kong dumampi sa dibdid ni Seo na siyang nakaramdam ng malakas na pagtibok ng puso niya.

Napalunok ako at inilapat ang palad kong iyon sa dibdib ko at dinama ang pamilyar na malakas na pagtibok nito.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maipaliwanag kung ano ang ibig sabihin ng bawat hindi normal na pagpintig ng puso ko sa tuwing kasama ko si Seo.

Sa gitna ng pagmumuni-muni ko ay bigla kong narinig ang yapak na galing sa pinto. Ang lakas ng ulan sa labas na kanina pa hindi humihinto simula pagdating ko sa bahay. Tila hinayaan lang kami nito ni Seo na makauwi muna bago tuluyang ibagsak ng nagngangalit na kalangitan ang malakas na ulan.

Napalingon ako sa pintuan at nakita ko roon si tita Yoli na kararating lamang. Medyo basa ang suot niyang damit dahil sa malakas na ulan. Itinupi niya ang payong at inilagay sa may pinto.

Tumayo ako at sinalubong siya, "Kamusta po tita?" tanong ko.

Bumuntong-hininga si tita at naunang maglakad sa akin patungo sa sala. "We need to talk, Rielle."

Napalunok ako at agad na sumunod sa kanya. Kinabahan ako dahil seryoso ang tono ni tita. Lagi naman siyang seryoso ngunit iba ngayon, at iyon ang mas nagpakaba sa akin.

Maya-maya ay inabutan ni Manang Linda si tita ng tuwalya upang tuyuin ang sarili.

Kasalukuyan kaming magkaharap na nakaupo sa magkabilaang couch. Napasandal si tita sa upuan at tumingin sa akin ng seryoso.

Pumikit siya na tila ba nag-aalinlangang magsabi sa akin.

"Ano po iyon tita?" tanong ko.

Hinilot ni tita ang kanyang sentido. "I don't know how to say this but, Rielle…" halatang dismayadong dismayado si tita at sa itsura niya ay parang may malaki siyang problemang kinahaharap.

"Kailangan na nating bumalik sa Maynila." diretsong sabi ni tita na siyang nakapagpagulat sa akin.

Hindi ako agad nakapagsalita dahi parang nawala ang boses ko. Bakit kami babalik roon? Anong problema rito?

"May problema po ba?" kinakabahang tanong ko. Nakaramdam ako ng pag-aalala kay tita.

Marahan siyang tumango. "Mahigit dalawang milyon ang nawala sa branch natin sa Maynila at hindi ko na alam ang gagawin ko." napahilamos ng kanyang palad sa kanyang mukha si tita.

Nanlaki ang mata ko. Saan naman napunta ang dalawang milyong iyon? Ang pagkakaalam ko ay napakaayos ng pagpapatakbo ni tita kasama ang mga tauhang naka-assign roon.

"I'm so sorry, Rielle. Alam kong tahimik at payapa na ang buhay mo dito sa Batangas pero ayokong iwanan ka ritong mag-isa kung uuwi ako ng Maynila." malungkot na sabi ni tita na para bang nagui-guilty siya dahil kailangan naming lumuwas muling Maynila.

Somewhere In Batangas (Isla Verde #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon