Chapter 26Hindi nagmamadali ang pagmamahal. Nakapaghihintay ang tunay na pag- ibig. If it can't wait then maybe, it's not love. It may be just some sort of infatuation and not really a deep affection. Gumuhit sa aking isipan ang sinabi sa akin ni Mama.
"It takes time, Rielle." aniya.
Tila naging masikip ang bawat sulok ng unit ni Seo para aming dalawa. I can't catch my breathing to be back in its normal state. Abot- abot ang tahip ng aking puso. Isang kaisipan ang nagpalakas ng tibok ng dibdib ko. Seo's in love with me!
Don't you dare tell me if this is just an illusion and don't you dare wake me up if this is just a dream!
Let me sleep and enjoy every bit of it so that if ever I'll be awake, I'll remember how it makes me feel…to be loved…by the person I am in love with, too.
Narinig ko ang marahas na pagbuntong- hininga ni Seo. Walang nagsasalita sa pagitan namin na para bang nakaririnig na ako ng kuliglig mula sa kung saan. Tila kinakapa namin pareho ang aming mga sarili.
Lumundag ang puso ko ng humiga si Seo sa couch at ginawang unan ang dalawang hita kong magkatabi. Pumikit siya. Some of his hair falls perfectly on his forehead, touching his beautiful thick eyebrows. Gumalaw ang labi niya. I swallowed hard as the memory of what happened earlier arise in my memory.
He is literally my first kiss! I am not sure if I am his' but that doesn't matter anymore, right? Nakagat ko ang labi ko sa inis sa huling naisip.
"Seo..." tawag ko. Hindi ko alam kung tulog ba siya o sadyang pinapahinga lamang ang mga mata niya.
"Hmm…let me stay here for a while, Rielle." tukoy niya'y ang paghiga sa aking kandungan. Hinawakan niya ang isa kong kamay at pinagsalikop ang aming mga daliri. Ang isa nama'y marahan kong iniangat at inilagay sa kanyang buhok.
He smiled as he feel how I caressed his hair. Yumuko ako para tingnan ng mas malapit ang kanyang features. Mula sa makakapal niyang kilay na siyang nadedepina sa tuwing itinatago ang kanyang galit. Ang mga mata na kahit nakapikit ay masasabi mo agad na nakabibighani sa oras na ito'y dumilat. Ang ilong na siyang pinaka perpektong ilong na nakita ko sa aking tanang buhay. Gayundin ang labing kanina ko napatunayan ang lambot. Nag- init ang aking pisngi sa tumawid na kaisipan.
"I love you…please say you love me too..." mahina at halos bulong niyang sabi. Tila isa akong sanggol na hinehele ng kanyang salita.
"I...I-I love you too" Uminit ang pisngi ko matapos iyong sabihin. Ngumit siya habang nakapikit ang dalawang mata. He really is the most beautiful man I've ever seen.
Mama, if this is the love you are talking about, the love who can wait, can takes time, then I don't mind waiting for so long just to have this.
"Can't I just stay here for atleast the next two hours?" tanong ko kay Seo na ngayo'y pinapaikot ang susi ng SUV sa kanyang kamay.
Isinuot ko ang dalawang kamay ng itim na jacket na iniabot niya sa akin kanina. Luminga ako sa orasan at nakitang mag- aalas syete na. I texted Tita Yoli a while ago that I am with Seo but of course, I needed to be home, she might be worried because I am not at home yet. Even if she trusted Seo so much, she'll probably still worrying on what I am up to.
"I want that too, Rielle, but your Tita must be worried to you at this time, we should go now," marahang sabi niya bago tumayo mula sa pagkakaupo sa sofa. Tumango ako nang mapagtantong tama siya. Inilahad niya ang kamay niya sa akin para mahila ako mula sa pagkakaupo.
"We'll have so much time together, not just two hours nor three, not just day nor weeks, even months nor year, I promise," aniya bago tuluyang pihitin ang pintuan upang makalabas kami sa kanyang unit.
BINABASA MO ANG
Somewhere In Batangas (Isla Verde #1)
Teen FictionS SERIES #1 - Completed ✓ Rielle Serrano, a Manila girl encountered changes in her life when they moved in Batangas. She met a man named Seo, known as the hottest fisherman in their place. Can Rielle finally found the man of her dreams, somewhere i...