Chapter 16

536 14 6
                                    

Chapter 16

Pinihit ko ang ulo ko sa kabilang banda dahil parang nangangawit ito. Napadaing ako sa sakit dahil parang na stiff neck pa ata 'to. Napamulat ako at nakita si tita na nakaupo na sa may dining table habang nagkakape at abalang-abala sa pagtitipa sa kanyang laptop. Nakatulog na pala ako kagabi dito sa sala sa paghihintay kay tita at malamang ay hindi na niya ako ginising pa dahil tulog na tulog ako.

"Good morning iha, magbreakfast ka na," nilingon ako ni tita dahil napansin niya ang pag-aayos ko ng mga unan sa sofa.

Lumapit ako sa kanya, "Good morning po," sinilip ko ang laptop ni tita at tama nga akong para sa Silva iyon.

Nagpaalam muna ako sa kanya na magbibihis lang sa kwarto bago kumain, tumango na lamang siya at nagpatuloy sa ginagawa. Bumalik ako sa sala upang kunin ang mga gamit na dala ko saka ito binitbit patungo sa kwarto.

Mayroong dalawang kwarto ang condo unit na pagmamay-ari ni tita. Hindi masyadong malaki ngunit sakto na ito para sa amin. May sarili rin namang banyo ang dalawang kwarto bukod sa banyo sa may kusina. Katamtaman rin ang laki ng kusina at sala at komportable naman kaming dalawa dito ni tita Yoli.

Tulad ng huli kong punta rito, ganoon pa rin ang ayos ng kwarto na tinutulugan ko. Malinis na naman ito kaya hindi na ako nag-abala pang linisin ito ulit. Inilagay ko na lamang ang mga damit ko sa closet na walang laman. Matapos kong maayos ang lahat ng gamit ko ay kumuha na lamang ako ng damit at dumiretso sa bathroon upang makaligo.

Matapos maligo ay isinuot ko na ang isang maong shorts at spaghetti strap na kulay yellow. Pinatuyo ko lamang ang aking buhok at sinuklay ito ng bahagya matapos niyon ay lumabas na muli ako sa kwarto. Wala na si tita Yoli sa pwesto niya kanina, naroon pa rin ang laptop na gamit niya kanina ngunit nakasara na ito. Luminga-linga at ako, siguro ay nasa loob ng kanyang kwarto.

Kumuha na ako ng pagkain at nagsimula ng kumain. Dinampot ko ang tasa ng mainit na tsokolate at sumimsim rito. Naagaw ng pansin ko ang cellphone kong nanahimik sa tabi. Hindi ko alam kung para saan ang pagdadalawang isip ngunit dinampot ko ito at binuksan. Nanlaki ang mata ko ng sumabog ang notifications ko sa facebook na ang totoo'y kaka-download ko lang kahapon. Binuksan ko ito at sinalubong ako ng higit isang daang friend requests. Iniiscroll ko ito at napagtantong mga taga BPC ito dahil mutual friends ng iba sina Jac at Aros.

Sunod kong binuksan ay ang messages at tumambad sa akin ang messages nina Zel, Jac, Branwen at ng mga groupchats namin nina Zel noon na active pa rin pala.

Una kong binuksan ang message ni Zel na nasa unahan ng unread messages ko.

Raizel Arson: I miss you!

Raizel Arson: Anong oras kami pupunta dyan? Gusto na kitang makita!

Raizel Arson: Online ka 12 hours ago, kakadownload mo lang ng facebook app no? Hahahaha

Raizel Arson: Reply back! ASAP

Bahagya pa akong natatawa habang nagtitipa ako ng mensahe. Mukhang kagabi niya pa ata naimessage ito.

Rielle Serrano: Mga 1pm. I miss you too girl.

Matapos kong isend iyon ay hindi ko na siya hinintay magreply dahil hindi naman siya active ngayon. Sunod na nasa messages ay si Jac. Inopen ko naman ang messages niya na kagabi niya rin naisend.

Somewhere In Batangas (Isla Verde #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon