Chapter 21

507 16 0
                                    

Chapter 21

Hindi ko alam kung paano ako nakatulog kagabi kahit pa pasado alas-dos na ng umaga ay mulat na mulat pa rin ang mata ko at magdamag lang akong nakatitig sa kisame.

Hindi pa rin makapaniwala sa nangyari pa lamang. At sa pwedeng mangyari pa.

I remember imagining back then that one day I'll meet him again, I'll meet Seo for the next chance, in the land that I haven't expected that I will loved the most, In Batangas.

I imagined meeting him after years ago, in the seashore near their house, together with his wife and their child on his arms. I somehow being selfish by pushing that thought away. Its like its not pleasing me, never going to be pleased by that, even in my wildest dream.

Halos kasunod lang naman namin si tita kagabi nang umuwi dahil hindi pa man lang naman ako nakakapaghubad ng sapatos ay dumating na siya. I wonder why he let me go home with Seo kung pauwi na rin naman siya?

Hindi ko na iyon inusisa pa dahil baka kung saan pa mapunta ang usapan at isa pa, I just can't admit it to myself na kahit papaano'y nagustuhan ko iyon!

Ang akala ko ay tatanungin ako ni tita tungkol kay Seo tulad ng kung bakit siya narito sa Maynila ngunit mukhang wala siyang balak itanong iyon. Just like her unexpected reaction when she saw Seo at her office, parang normal lang ang lahat. Parang hindi malabong magpunta nga si Seo dito sa Maynila.

Pinilit ko pa nang bumangon sa pangatlong alarm ng cellphone ko kahit pa parang binabayo ang ulo ko dahil kakatulog ko lang bago mag alas-tres.

Sinimulan ko na ang morning routine ko. Naligo, nagbihis at kumain kasabay ni tita. Nang ready na ang lahat ay nagpaalam nang papasok ng school.

"Are you sure na magba-bus ka na lang? I can drive you to your school. Maaga pa naman." alok ni tita habang hinahalo ang kanyang tsaa.

Sinigurado kong naiayos ko na ang mga gamit sa bag ko at wala na akong nakalimutan.

"Ayos lang po talaga tita, hindi naman po mahirap mag commute." I said as a matter of fact at nasanay na rin naman ako. Kahit pa napakadaming pagkakataong gusto akong laging ihatid ni tita, mas pinipili ko na lang mag commute. Oo nga't mas makakatipid sana pero ayoko naman na mahassle pa siya dahil magkaiba ang route namin.

"Alright then, ihahatid ka ba ni Seo mamaya?" halos masamid ako sa sarili kong laway sa sinabi ni tita.

Bakit naman ako noon ihahatid?!

"Tita!" suway ko sa kanya, parteng para na rin suwayin ang pagwawala ng sistema ko marinig pa lang ang pangalang iyon.

She just laughed at my reaction, "Baka lang," tita Yoli smiled at nakitaan ko ng nang-aasar na tingin.

Nagpatuloy na lang ako sa pag-aayos ng bag habang kinakalma ang sariling puso. Hindi naman ako ihahatid ni Seo! Bakit naman niya iyon gagawin kung ganoon?

"Malilate ka na, should I call Se—"

"Tita naman eh!" sabi ko. Humalakhak naman siya. Tita Yoli is such in a good mood today, not that she's always in her bad days but I guess this is much better.

Somewhere In Batangas (Isla Verde #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon