Chapter 11"I have this feeling about that Kristina, I'm not being a bitch, alright, but I think she likes Seo." humalukipkip si Jac sa pagkakaupo.
Kasalukuyan kaming nakaupo sa backseat ng kanyang kotse. Ayaw kasing pumayag ni Jac na mag-jeep kami lalo na dahil medyo malayo ang biyahe patungo sa bayan. Mabuti na lamang dahil isang tawag niya lang sa kanyang driver ay pupunta agad ito kung saan siya naroon dala ang kanyang kotse.
"Hindi naman siguro," sagot ko sabay tingin sa bintana.
At ano naman ang pakialam ko kung may gusto nga 'yung si Kristina kay Seo?
"Dapat may dala siyang lambat kung mangingisda rin siya!" sabi ni Jac at umirap. Napahalakhak naman ako.
Binabagtas namin ang daan patungo sa bayan. Kaming dalawa lang ni Jac ang pupunta roon dahil hindi nga napaunlakan nina Aros ang paanyaya namin. Sayang dahil isasama pa naman sana ni Aldrin ang anak niyang si Adrian.
Ganap nang madilim nang makarating kami sa bayan. Direkta naman kaming ibinaba ng sasakyan ni Jac sa tapat mismo ng peryahan.
Makukulay at nagliliwanag na perya ang bumungad sa amin. Malaki ito at aakalain mong amusement park.
Naglakad kami ni Jac papasok sa kalakhan nito at tumambad sa amin ang napakaraming tao. Parang may fiesta sa araw na ito at talagang nagtipon tipon ang mga tao para magkasiyahan.
Dumiretso kami ni Jac sa isang larong nakita niya kung saan natawa ako dahil parang nagsasayang ng piso ang mga taong sumusubok.
Sa isang malapad na mistulang plywood na nakalatag na kalebel ng tuhod ay mayroong maliliit na kahon. Bawat kahon ay may nakalagay na iba't ibang number. Ang kailangang gawin ng mga tao ay maghagis ng piso at kung maipasok sa kahit anong box para makuha nila yung amount ng pera na nakalagay roon.
Inilahad sa akin ni Jac ang kanyang kamay kung saan maraming barya siyang hawak. Hindi ko alam kung saan niya kinuha ang barya niya ngunit kumuha na rin ako.
Nag-inat pa muna si Jac bago siya pumwesto para ihagis ang piso. Hindi muna ako naghagis at pinanood muna siya.
"What the heck? I thought this one is easy!" inis na sabi ni Jac. Humalakhak naman ako.
Nagsimula na rin akong maghagis ng barya at wala kaming ibang ginawa ni Jac kundi ang tumawa lang ng tumawa habang pinanonood ang mga sarili naming maubusan ng barya.
"I feel like a loser, parang madali lang naman 'yun eh!" hindi pa rin makamove on si Jac sa pagkatalo namin sa larong iyon dahil kahit isang beses ay hindi man lang kami nakashoot sa kahit saang kahong naroon.
Humalakhak lamang ako at hinila siya sa isa pang laro. Mayroong eraplano at number sa mga gilid ng lamesa. Kailangang maglapag ka ng kahit magkano sa kahit saang number na gusto mo saka paiikutin ang eroplano at kung saang number huminto 'yung eroplano, yun ang mabibigyan ng premyo.
Naglapag si Jac ng fifty pesos sa number 12. Tumingin ako sa kanya at parang sure na sure siya sa ginawa niya.
Kinuha ko ang fifty pesos at ibinalik sa kanya, "Piso lang ang ilagay mo, baka mabokya lang tayo." sabi ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Somewhere In Batangas (Isla Verde #1)
Roman pour AdolescentsS SERIES #1 - Completed ✓ Rielle Serrano, a Manila girl encountered changes in her life when they moved in Batangas. She met a man named Seo, known as the hottest fisherman in their place. Can Rielle finally found the man of her dreams, somewhere i...