Chapter 30

461 11 22
                                    


Chapter 30 



"Ate! Tingnan niyo po itong dream house ko!" tawag sa akin nang batang si Carmi. Ngumiti ako at yumuko para magkapantay kami. 


"Sino ang gumuhit niyan?" tanong ko kahit pa alam ko namang si Seo ang gumuhit no'n para sa kanya kapalit nang drawing kong hiningi niya kanina. 


"Siya po!" ngiting-ngiting sagot ni Carmi at itinuro si Seo na nakatayo at nakapamaywang di kalayuan sa amin. Nakatingin siya sa amin ni Carmi na tila ba inaasahan niya nang ipapamalita ni Carmi sa akin na siya ang nagdrawing niyon. 


Sa guhit pa lang ni Seo ay kitang kita na ang pagiging bihasa niya sa pagguhit. Ang linis pa ng papel na parang walang kahirap- hirap niyang ginawa iyon. 


"Omygosh! I'm sorry!" sigaw ni Aila nang mabitawan ang hawak niyang lata ng poster paint na kulay blue. 


Dahil sa may likod ko mismo niya nabitawan ay nagkalat ang tilamsik noon sa puti kong T-shirt. Nakita kong nakakunot ang noo ni Seo habang papalapit sa amin. 


"Seo, I'm sorry! Hindi ko sinasadya..." tila gulat na gulat na saad ni Aila. Ako ang natapunan ngunit kay Seo siya humingin ng dispensa. 


Tumingin ako sa kanya, hindi inaabangan ang paghingi niya ng paumanhin sa pangalan ko ngunit kung gagawin niya'y konsolasyon na lamang para sa'kin. Maging ang braso ko'y halos maging kulay asul na. 


Hindi sumagot si Seo kay Aila bagkus ay hinawakan na ang kamay ko at akmang hihilahin na paalis roon. 


"Rielle, I'm sorry," saad ni Aila. Tumingin ako sa kanya at tumango ng mabilis. Hindi na siya hinayaang pagsalitain pa ni Seo o kung may sinabi pa siya'y marahil ay hindi ko na narinig dahil tuluyan na akong inialis ni Seo roon. 



Nilingon ko muli sila habang naglalakad kami ni Seo palabas sa hall. Ang mga staffs ng charity at mga kasamahan namin na nagtulong tulong upang linisin ang natapong pintura at si Aila na masama ang tingin sa'kin ngayon. 



Huminga ako nang malalim. I just can't believe how Aila have the guts to stare at me like I did something wrong to her where in fact, I am not dealing with her life in the first place. 



"Ayos ka lang?" tanong ni Seo. Hindi pa rin binibitawan ang kamay ko. Nahihiya na ako at gusto nang bumitiw dahil pakiramdam ko'y nagpapawis na ito. 



Tumango ako at napatingin sa kamay naming magkahawak habang naglalakad kami patungo sa bus namin. Napatingin rin siya roon, akala ko'y bibitawan niya na ang kamay ko ngunit mas lalo niya lang inayos ang pagkakahawak! Ang mga daliri namin ay pinagsalikop niya pa! 


Nang makarating kami sa pintuan ng bus ay saka niya palang binitawan ang pagkakahawak sa kamay ko at ako naman itong tila nadismaya at ayaw pang bumitaw! Itinulak ko muli sa realidad ang sarili ko saka humarap sa kanya kahit pa hindi ko naman alam ang sasabihin ko. Mabuti na lamang at siya ang unang nagsalita. 



"May dala ka bang ekstrang damit?" tanong niya at binuksan na ang pintuan ng bus saka ako giniya papasok. 



Tumango ako. Napatulala sa kanyang mukha. Tumango siya pabalik at hinila na ako paakyat ng bus. Nang mahanap ang bag ko'y kinuha ko roon ang itim kong T-shirt. Pagbalik kay Seo'y napansin kong naka itim rin siya. Ngunit wala akong choice kundi mag-itim din ngayon! 


Sinamahan ako ni Seo sa washing area at tinulungan niya akong tanggalin ang poster paint na dumikit sa braso ko. Kahit pa kaya ko naman iyong gawin mag-isa ay hindi ko alam kung bakit hindi na ako nagprotesta pa na daluhan ako roon ni Seo. Hinayaan ko na lamang kahit pa hindi na maawat ang tibok ng puso ko sa sobrang lapit niya sa'kin. 



Somewhere In Batangas (Isla Verde #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon