Chapter 9
Huling klase namin ang Oral Communication para sa araw na ito. May ipinasulat lang naman ang teacher namin kaya mabilis lang na lumipas ang oras.
Kaninang umaga pagpasok ay nanibago ako dahil si Aros lang ang kasabay ko. Ayon kay Aros ay hindi raw papasok si Seo dahil kailangang pumunta sa Hacienda na pagmamay-ari ng angkan nila kaya siya na lamang ang sasabay sa akin.
Unang pagpasok ko iyon na hindi kasabay si Seo kaya naman hindi ako sanay. Ngunit ipinaalala ko sa sarili ko na hindi laging nariyan si Seo. Ano bang ineexpect ko?
"Aros…" tawag ko sa katabi kong seryoso sa pagsusulat ng lecture.
"Bakit?" nilingon niya ako ngunit ibinalik muli ang tingin sa kanyang sinusulat.
Ngumuso ako, "Tingin mo, galit kaya sa'kin si Seo?"
Kunot-noong napalingon sa akin si Aros. Saglit siyang napatigil sa pagsusulat. "Bakit naman iyon magagalit?" tanong niya.
Nagkibit-balikat ako.
Binuklat ni Aros ang notebook niya upang magsulat muli sa kabilang pahina. Tumingin siya sa akin.
"Alam mo Rielle, hindi magagalit iyon si Seo sa'yo." sure na sure na sabi niya at nagpatuloy sa pagsusulat.
"Baka siguro nagtampo lang," dagdag pa ni Aros sabay humalakhak.
Napalingon naman ako sa kanya at naituon ang buong pansin ko.
"Bakit naman siya magtatampo?" nagtatakang tanong ko kay Aros.
Nagkibit-balikat naman ito. "E bakit naman siya magagalit?" pabalik niyang tanong.
Sinimangutan ko si Aros dahil mas lalong gumulo ang utak ko. Nagpatuloy na lamang ako sa pagsulat dahil nakita kong matatapos na sila ni Jac samantalang hindi pa man lang ako nangangalahati.
Bakit nga naman kasi magagalit si Seo? Wala naman akong ginawa ah?
Mabilis na lumipas ang oras at uwian na. Usapan muli namin ni Seth na magrereview sa library. Ang sabi niya ay dadaanan niya na lang daw ako sa room. Tumanggi ako ngunit dadaanan lang rin naman daw ang room namin patungong library kaya ayos lang daw. Sa huli ay pumayag na lamang ako.
Sabay-sabay na kaming lumabas nina Jac at Aros. Hindi ko alam ngunit nasanay na akong tatambad sa aking paningin si Seo na nakahilig sa may barrier sa tapat ng room namin simula pa noong unang araw. Nanibago na lamang ako dahil iyon ang unang beses na wala akong nakitang kahit na anino ni Seo roon.
"Sasabay ka ba sa akin ngayon, Rielle?" tanong ni Aros. Si Jac ay kanina pa nagpaalam. Malayo ang bahay nina Jac sa amin kaya hindi kami nagsasabay pauwi.
"Hindi Aros, didiretso ulit akong library eh." sabi ko sa kanya.
Tumango si Aros at tinapik ang balikat ko.
"Sige, Rielle. Mauna na ako, may usapan kami ni Seo na mangingisda maya-maya eh." paalam ni Aros.
Napahinto ako.
"Mangingisda kayo?" tanong kong muli.
Tumango si Aros at ngumisi. "Oo, sama ka?" humalakhak siya. Alam niyang gustong-gusto kong sumama sa pangingisda!
Sinimangutan ko lamang siya dahil hindi na ako pwedeng magpaliban pa sa pagrereview para sa darating na contest.
Maya-maya pa ay nagpaalam na nang tuluyan si Aros. Hindi pa man ito nakakalayo ay may kumalabit na sa likod ko.
Kinabahan akong bigla dahil isang tao pa lang ang kumalabit sa akin sa lugar na 'to.
Imposible, Rielle! Hindi nga siya pumasok.
BINABASA MO ANG
Somewhere In Batangas (Isla Verde #1)
Novela JuvenilS SERIES #1 - Completed ✓ Rielle Serrano, a Manila girl encountered changes in her life when they moved in Batangas. She met a man named Seo, known as the hottest fisherman in their place. Can Rielle finally found the man of her dreams, somewhere i...