Chapter 31
Weeks and months passed by, wala akong narinig na kahit ano tungkol kay Seo. I just have two things I knew, one, that Seo came back to Batangas to be with her Mom as his younger sister suffer in a critical condition. two, I hurted him.
I hurted him and I don't have a face to even try talk to him through messages. I just don't have the guts. I just feel like I am not in the right place to do it.
I've contacted Aros one time. Nakakuha ako ng updates. Na ngayong panaho'y nasa ospital pa rin si Azalea na kapatid ni Seo at si Seo raw na malimit na niyang makita sa tabing dagat at napag-alaman niyang full-time na nagtatrabaho sa hacienda nila.
Seo transferred out. Bumalik siya ng Batangas at doon na nga rin nag- aral. After the first time connecting with Aros, napag- alaman ko ring hindi na sila masyadong nagkakasama ni Seo dahil busy sa kaniya-kaniyang pag- aaral. Hindi ko na sinubukan pa ulit na kausapin si Aros o si Aldrin tungkol roon. Kapag nakakausap ay inilalayo ko na roon ang topic namin.
I am always contacting Jac but she is currently in Macau kaya naman kay Aros at Aldrin lang siya nakakasagap ng nangyayari sa Batangas.
Hindi ko na nakausap pa si Branwen matapos ng pangyayaring iyon. I don't really know if that was how our friendship really ended. Hindi ko na alam. Nabalitaan na lang namin ni Zel na lumipad na ang pamilya niya sa New York at doon na namalagi for good. I don't know if the reason has something to do with me but I feel like it can somehow heal him and it is somewhat good for the both of us. Hindi ako galit sa kanya ngunit hindi na rin ako komportableng palagi siyang nakikita kaya ayos na siguro iyon.
Huminga ako nang malalim at itinabi na lang ang reviewer ko para sa final exam. Minabuti ko na lamang matulog sa gabing iyon.
"Rielle! Nakikinig ka ba? Ang sabi ko ay parang gusto kong mag shift!" sabi ni Zel sa'kin. Siguro'y kanina niya pa iyan sinasabi ngunit ngayon ko lang narinig nang malinaw.
Uminom ako sa ng tubig sa water bottle na binili ko sa canteen. "Edi magshift ka,"
Tiningnan niya ako ng masama. "Kaibigan ba talaga kita?"
Tumango naman ako at nginitian siya. Binatukan niya lamang ako at inayang bumili sa ulit sa canteen.
Habang naglalakad papasok sa canteen ay namataan ko si Aila na papasalubong sa amin ni Zel. Tiningnan ko lang siya gamit ang blangkong ekspresyon ng mukha samantalang siya'y halos mawala na ang itim ng mata kaiirap.
Hindi ko alam kung totoo ang mga naririnig kong sinisisi daw ako ni Aila kaya umalis si Seo ng Maynila. If that's true, I don't have a choice but to agree with her because I blame myself as well. Hinahayaan ko na lamang iyon. Hindi naman importante sa akin ang opinyon ng ibang tao.
Simula noong magtransferred out si Seo ay bibibira ng mag-krus ang landas namin ni Aila. Noon din ay napagtanto kong kaya lang naman siguro siya nakapasok sa mundo ko ay dahil gusto niyang makapasok sa mundo ni Seo, ngunit si Seo noon ay nasa mundo ko, ngunit hindi ko na siya matagpuan roon ngayon.
"Bukas na lang ulit, Rielle!" nagpaalam na si Karren kasama sina Aigee matapos ang workshop namin para sa araw na 'to.
My first two years on college are just natural. Boring, plain, ordinary at walang ganap. Nililibang ko na lamang ang sarili sa pagsali sa mga clubs at pagtataguyod ng sarili kong Arts Club. Nagtutungo pa rin kami sa mga foundations at charities to conduct workshops. Kapag ganoo'y masaya na rin ako.
BINABASA MO ANG
Somewhere In Batangas (Isla Verde #1)
Teen FictionS SERIES #1 - Completed ✓ Rielle Serrano, a Manila girl encountered changes in her life when they moved in Batangas. She met a man named Seo, known as the hottest fisherman in their place. Can Rielle finally found the man of her dreams, somewhere i...