Chapter 13Ginising ako nang sinag ng araw mula sa bintana na tumatama sa aking mukha. Napalingon ako sa saradong pintuan at bahagyang napatulala.
Napakabilis ng araw dahil natapos agad ang first semester namin at ngayon nga ay matatapos na ang bakasyon bago kami bumalik para sa second semester. Maraming nangyari at sobrang nasanay na ako sa presensya ng mga tao sa paligid ko.
Noong nakaraang walang pasok ay isinama ako ni Tita Yoli sa bayan upang makita ko ang negosyong pinatatakbo niya. Doon ko nakita ang pisikal na proseso ng paghahabi na ilang dekada nang ginagawa ng mga manggagawa roon. Ang iba ay inistima pa ako at tinuruan ng mga basic.
Maka-ilang beses na rin akong nakabalik sa bahay nina Jac para magbonding kami. Medyo malayo sa amin ang bahay nila dahil malapit iyon sa bayan. Ganunpaman ay palagi akong sinusundo rito ni Jac sa tuwing kukumbidahin niya ako patungo sa bahay nila.
"May nahuli na ako!" tuwang tuwang pamalita sa amin ni Jac sabay angat ng pamingwit niya at tumambad sa amin ang gahinlalaking galunggong na nabingwit niya.
Nakita ko ang impit na pagtawa ni Seo samantalang si Aros naman ay lantaran ang paghalakhak.
"Parang kapag inihaw mo iyan ay wala ng matitira kahit tinik, Jacinta!" asar ni Aros.
Sinimangutan lamang sjya ni Jac. "Manahimik ka Katharos baka ikaw ay masampal ko diyan." nagulat pa ako dahil unang beses ko iyong narinig si Jac na magsalita na may Batangueño accent.
Hindi siya pinansin ni Aros sa halip ay tumawa pa ng malakas.
"Hala gumagalaw!" gulat na sabi ko nang maramdaman ang marahas na pag-galaw ng pamingwit na para bang balyena ata ang kumagat sa pain ko.
Nasilungan ako ng isang aninong napunta sa likod ko. Napatingala ako at napalunok nang makita si Seo sa na nakahilig sa may likod ko at hinawakan ang pamingwit na hawak ko.
Seryoso ang mukha niya at parang kalmadong kalmado ang lahat samantalang ang sistema ko ay nagwawala sa sobrang lapit niya!
Iniiwas ko ang tingin sa kanya habang siya naman ay hinihila ang tali ng pamingwit. Maya-maya pa ay umangat ang dulo ng pamingwit at tumambad sa akin ang isang bangus na nakakagat sa pain ng pamingwit ko.
"Ayan na." mababa ang boses ni Seo.
Namangha ako dahil first time kong makahuli ng isda.
"Ang galing naman ni Rielle! Ang laki ng nabingwit na isda, hindi tulad nung sa isa diyan." humalakhak si Aros, mukhang hindi pa rin siya tapos sa pang-aasar kay Jac.
Sumalok si Jac ng tubig at iwinisik kay Aros.
"Shit, ang alat! Nalagyan ang mata ko!" nakakaalarmang sabi ni Aros.
Napatingin kami ni Seo kay Aros at akmang lalapit, si Jac naman ay nanlaki ang mata at agad na lumapit kay Aros.
"Joke, hehe!" biglang sabi ni Aros kaya naman binatukan siya ni Jac.
Maraming beses na rin kaming nakasama ni Jac sa pangingisda nina Seo at Aros. Minsan ay kasama namin si Aldrin at anak niyang si Adrian kapag hapon kami sumasama sa pangingisda ngunit kadalasan ay umaga kami nakakasama dahil may inaasikaso si Jac tuwing hapon na siya namang hindi makasama si Aldrin dahil abala sa paghatid sundo kay Adrian sa school.
"Naririnig mo ba 'to, Rielle?" tanong ni Jac sa akin isang araw na kasama namin si Seo at Aros na mamulot ng shells sa dalampasigan.
"Alin?" tanong ko.
"Teka. Hoy, halika kayo! May ipaparinig ako." nakangiting tawag ni Jac kay Seo at Aros na medyo nauna sa amin at sineseryoso ang pangunguha ng mga kabibe.
BINABASA MO ANG
Somewhere In Batangas (Isla Verde #1)
Teen FictionS SERIES #1 - Completed ✓ Rielle Serrano, a Manila girl encountered changes in her life when they moved in Batangas. She met a man named Seo, known as the hottest fisherman in their place. Can Rielle finally found the man of her dreams, somewhere i...