Chapter 22Ikinansela ang pasok namin ngayong araw dahil may malaking meeting na dadaluhan ang mga faculties at boards ng school kaya naman medyo tanghali na akong nagising dahil wala rin namang naiplanong gawin.
Laking gulat ko nang paglabas ko nang kwarto ay naroon pa rin si tita sa dining table habang nakaharap sa kanyang laptop at may tinitipa roon. May tasa rin ng kape sa kanyang gilid. Hindi pa siya nakaayos ng damit na pang- opisina kaya naman nagtaka ako.
"Good morning tita," I greeted her. Sumulyap siya sa akin at ngumiti.
"Good morning hija, have your breakfast here." inaya niya ako sa dining table at nakita kong may lutong pagkain na doon. She must prepared it.
Sumunod rin naman ako sa kanya at naupo na sa upuang malapit sa kanya. I can sense how serious she is when it comes on work but I think, she's not that stress for that these days, it refreshes my mind.
"Hindi po kayo pupunta ng Silva ngayon tita?" tanong ko habang naglalagay na sa pinggan ng pagkain.
"No, I'm just going to be late. Pupunta rin ako mamaya." sabi niya habang hindi pa rin iniaalis ang tingin sa kanyang laptop. Napatango ako.
Maybe I can go with her?
"Why? You want to come with me?" saad ni tita na tila nabasa ang nasa isip ko.
Nilunok ko ang unang subo ko ng pagkain. "Pwede po ba?"
Humalakhak si tita. "Of course, Rielle!" nginitian niya ako at nagbalik muli sa ginagawa, ipinagpatuloy ko naman ang pagkain ko.
Matapos iyon ay napagdesisyunan ko nang maligo at mag-ayos para hindi na kami matagalan pa ni tita sa paggayak. Maging si tita rin ay naggayak na rin para makaalis kami agad.
I just choose to wear a maroon longsleeves dress and paired it with a white wedge sandals. Pinatuyo ko lang ang buhok ko at hinayaan lang itong nakalugay.
Tita, of course, with her usual office attire looks so superior. No wonder, she's the boss by the way.
Sakay ng kotse ni tita ay tulad pa rin ng siklong trapiko ang dinanas namin bago tuluyang makarating sa Silva. Nakasunod ako kay tita habang naglalakad kami papasok ng building.
Sumakay kami ng elevator at medyo nagulat ako nang makita roon si Aila, wearing an office attire na hapit na hapit sa katawan. Binati niya si tita at nginitian naman ako. Hindi ko nasuklian ang ngiti niya sa hindi malamang dahilan kaya itinikom ko na lamang ang bibig.
Nakarating kami sa palapag kung nasaan ang opisina ni tita. Bago pumasok ay nasulyapan ko muna si Aila na ngayon ay inilalapag ang gamit sa kanyang cubicle, smiling while making some chitchats on other employees. Is she really that friendly? No wonder kung bakit sobrang close nila ni Seo?
Nanatili iyon sa isip ko at nawala lang noong tila nagplay muli ang sinabi sa akin ni Seo noong nakaraan.
"Hindi kami malapit ni Aila, Rielle." Seo stated as if its final while furrowing his eyebrows.
Umirap ako sa kawalan. Hindi pala sila close sa ganoong lagay?
Halos sabunutan ko ang sarili nang mapagtanto, ano naman ang pakialam mo ngayon, Rielle? Does it have something to do with me? It doesn't have, right? Or it does?
BINABASA MO ANG
Somewhere In Batangas (Isla Verde #1)
Teen FictionS SERIES #1 - Completed ✓ Rielle Serrano, a Manila girl encountered changes in her life when they moved in Batangas. She met a man named Seo, known as the hottest fisherman in their place. Can Rielle finally found the man of her dreams, somewhere i...