Chapter 17

483 14 8
                                    

Chapter 17


"Rielle, male-late ako sa usapan ah, darating kasi mama ko galing Saudi." paalam ni Andrei na siyang isa sa mga kagroup namin sa thesis.

Nagkatinginan kami ni Geyanne at parang nagcocommunicate na kami gamit ang aming mga tinginan. Noong nakaraang nagpaalam si Andrei ay papa niya raw ang umuwi, ngayon naman ay ang mama niya. Hindi na tuloy namin alam kung totoo nga ang sinasabi niya.

Bumuntong hininga si Geyanne at nagkibit balikat. "Ge." tipid na tipid niyang sagot. Pasimple namang nagpaalam na si Andrei. Napairap na lamang ako.

"Oh ano, Rielle, kitakits na lang bukas ah!" paalam ni Geyanne, siya ang leader namin. Tumango ako at nagligpit na ng gamit ko.

Nauna nang lumabas si Geyanne sa room. Habang ako naman at ang ilan ko pang mga kaklaseng nag uusap usap ang natira na lang sa loob. Matapos kong iligpit ang mga gamit ko ay nagpaalam na ako sa mga kaklase kong mauuna na.

Habang papalabas ay idinial ko ang numero ni Zel. Kanina pa lumabas iyon ng room dahil napagdesisyunan ng mga kagrupo niya na sa coffee shop sa baba na lang sila magmeeting tungkol sa thesis nila.

"Oh Rielle, nasaan ka na?" bungad ni Zel. Kasalukuyan akong bumababa ng hagdan.

"Palabas na ng school, saan ka?" tanong ko kay Zel.

"Nandito pa rin, pero wala na ang mga kagrupo ko, dito na lang kita hihintayin." pinal na sabi ni Zel. Pumayag naman ako at ibiniba na ang tawag.

Dire-diretso na ang paglakad ko palabas ng campus para agad na makarating kay Zel. Paglabas ko ng gate ay dumiretso na agad ako sa kabilang kalsada para makapunta sa coffee shop kung nasaan si Zel.

Pagdating ko roon ay tumambad sa akin ang iba't ibang klase ng taong naroon sa loob, may mga estudyante at mga naka sibilyan na busy sa pagkulikot ng kanilang mga laptop at cellphones habang sumisimsim ng kanilang mga kape.

Kinawayan ako ni Zel na naroon sa kabilang gilid at nakaupo mag-isa sa isang bilog na mesa. Agad akong lumapit sa kanya at naupo sa tapat niya.

"Anong oras ang meeting niyo?" paunang tanong niya. Luminga ako at tumingin sa menu na nasa may table.

"Bukas pa, kayo ba?" sagot ko at itinaas ang kamay para tawagin ang waiter. Nang mapansin ako ay dumiretso na siya rito.

"Ewan, update na lang daw." sagot ni Zel. Nang makalapit ang waiter ay umorder ako ng frappe.

"Ang bilis, malapit na finals!" nag-inat si Zel at para bang ibinubuhos niya lahat ng pagod niya ngayong first sem.

Natapos na ang midterm namin para sa first sem ngayong first year college. So far ay ayos naman lalo na dahil kung may subject na nahihirapan ako ay tinuturuan ako ni Branwen. I somehow can't believe it na magdadalawang taon na ulit ako sa Maynila.

Kahit ganoon ay hindi naman nawawala ang communication namin ni Jac lalo na kung hindi kami busy pareho ay nag-uusap kami thru chat at videocall. Minsan naman ay nagkakausap rin kami ni Aros ngunit ang sabi ni Jac ay busy din iyon lalo na dahil nag-shift ng strand si Aros last year kaya naman hindi na align sa business ang course niya.

Somewhere In Batangas (Isla Verde #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon