Chapter 25So the plan A have been cancelled. I am defeated. I don't have any idea right now about avoiding Eliseo anymore. Hindi ibig sabihin noo'y hindi na ako binabagabag ng mga posibilidad ngunit parang kakaunti na lang ang porsyento ng aking pakialam.
Because I felt so happy and I really don't want to ruin the moment. If this is just a temporary happiness then I'll be happy for now even if it will end soon.
Hahayaan ko na lang ang sarili kong mahulog? Kahit hindi sigurado kung mahuhulog rin siyang kasabay ko?
"Sama ako, hindi naman ako makikitable sa inyo!" asar ni Zel sa akin. Ngingiti- ngiti lamang ngunit ang hitsura'y mapangantiyaw.
Isang pagkakamali palang sinabi ko pa sa kanya ang anyaya ni Seo na sabay kaming magreview sa library. Bakit ba kasi nasabi ko pa kay Zel? Iyan tuloy at hindi na siya magkamayaw sa kaaasar sa'kin.
Umirap ako at isinukbit na ang bag, "Bahala ka," sabi ko na lang. Nagvibrate ang cellphone ko kaya't sabay kaming napasulyap roon ni Zel. Pinanliitan ko siya ng mata samantalang siya'y ngingiti ngiti lamang na tila masayang masaya siyang asarin ako sa mga ganitong pagkakataon.
Seo:
Can you give me 10 minutes? May iniatas lang saglit ang head. Please wait for me.
Bilib na bilib ako sa istilo ng pagtitext niya. Napakalinis. Proper capitalization and punctuation marks!
Napangiwi ako sa sarili't kahit maliit na bagay na kapuri-puri'y pinapansin ko sa kanya.
Ako:
Yup, take your time.
"Let's go!" pakanta pang sabi ni Zel na para bang tuwang- tuwa siya sa lahat ng nangyayari.
Bumuntong- hininga ako at umiling. If we're talking about Eliseo Hebrides, Raizel has been very supportive. Samantalang dati'y sa tuwing may nagbababalak na pumorma saki'y halos taasan niya ng kilay.
Palabas na kami nang room nang biglang lumitaw si Harlow sa pintuan. Guwapong guwapo sa suot niyang gray na v-neck tshirt at pants. Halos mapatawa ako sa gulat na reaksyon ni Zel.
"Saan ka pupunta Raizel? Hindi ba may date tayo?" kunot- noong tanong ni Harlow. Napanganga ako dahil hindi ko man lang alam iyon!
Tumingin ako kay Zel ngayong inirapan lamang ang kanyang ex-boyfriend. Luminga siya sa'kin at umiling upang itanggi iyon. Naningkit ang mga mata ko.
"Mag date ka mag- isa!" utas ni Zel sabay hila sa akin palabas sa room. Sumunod naman kaagad sa amin si Harlow.
"Nagdidate pa ang mag-ex?" natatawang tanong ko kay Zel na ngayong naglalakad habang nakahalukipkip. Busangot at hindi na maipinta ang mukha.
Harlow Salazar is Zel's long term ex- boyfriend. They have been in a relationship since we are on grade 10 up until our grade 12. Bago matapos ang huling taon namin sa senior high school ay nagbreak sila. I don't asked for the whole story because I know that my bestfriend will not be comfortable to talk about it. I just know that Zel break up with him because she lost her interest.
I'm not denying that Zel is really a kind individual but a very bad player when it comes on flirting and relationships. She always have suitors at hindi nawawalan noon ng boyfriend. Until Harlow came, na siyang naging pinakamatagal na karelasyon. Ngayo'y wala naman siyang naikukwentong kung sino.
"We're not dating!" agap niya. Natawa na lamang ako sa kaibigan.
"Sonatina Raizel!" napalingon ako nang tawagin ni Harlow si Zel sa buong pangalan nito. Humalakhak ako sa pamumula ng mukha ni Zel.
BINABASA MO ANG
Somewhere In Batangas (Isla Verde #1)
Teen FictionS SERIES #1 - Completed ✓ Rielle Serrano, a Manila girl encountered changes in her life when they moved in Batangas. She met a man named Seo, known as the hottest fisherman in their place. Can Rielle finally found the man of her dreams, somewhere i...