Chapter 36

438 9 0
                                    

Chapter 36



"Where are you na ba? I'm freaking excited to see you na!" galak na sabi ni Jac sa telepono. 

Jac messaged me last night to inform me that she's going back in the Philippines today. Nabanggit ko sa kanyang nasa Batangas ako at dahil sa tuwa niya'y nagpapasundo siya ngayon sa bayan. 

"I'm on my way, calm down. Magpalamig ka muna sa mall diyan!" saad ko sa kanya. 

"Sure! Call me 'pag andito ka na ah!" aniya. 

Sumang-ayon naman ako at ibinaba na ang tawag. Nilingon ko si Seo na nakatalikod sa'kin habang iniisa-isa ang mga picture frames na nakadisplay sa estanteng nasa kwarto ko. 

I stared at him. It's so good to stare at him like this when he didn't stared back at me. Kapag gano'n ay ako ang laging nauunang sumuko at umiiwas ng tingin. 

He is wearing a white long sleeves polo folded on his forearm and a slacks. Hindi niya inayos ang buhok niya. It was messy today and that makes him ten times hotter. 

Ipinilig ko ang ulo ko sa naisip. Are you fantasizing about him now, Rielle? Really? 

Lumapit ako sa kanya at inagaw sa kanya ang picture frame na hawak. Sa kasamaang palad ay iyon pang old picture ko iyon kung saan three years old pa lang ako at bungi ang dalawang ngipin sa harap! Gulat ko iyong itinago sa likod ko. 

"That's why you hate cavities," tumango-tango siya. Tinampal ko ang braso niya. 

"Tara na! Jac's waiting." hinila ko ang kamay niya palabas ng aking kwarto. Nagpatianod naman siya at sumakay na kami sa kanyang sasakyan. 

I am wearing a peach bodycon sleeveless dress and a white wedge. I put some tint on my lips and then put my seatbelt on. 

Seo just stared at me like he was not getting enough view all this time. Itinaas ko ang kilay ko. Nagkibit balikat lamang siya at pinaandar na ang sasakyan. 

"How come..." napanganga si Jac at Aros nang makita kami ni Seo na magkasamang papalapit sa kanila. 

Naghigh-five si Seo at Aros nang makalapit. Si Jac naman ay niyakap ako ng mahigpit. 

"You have so many kwento to tell me, right?" ngiti ni Jac sabay pabalik balik ng tingin sa aming dalawa ni Seo. 

"I will tell everything to you, detailed!" tugon ko. Niyakap niya naman ako at ipinahayag ang pagka-miss sa'kin. 

Jac's face became more matured. Tumangkad din siya na kung saan dati'y mas matangkad ako sa kanya, ngayon ay magkasing tangkad na lamang kami. Mahaba rin ang buhok niya at tuwid. May kulay na asul sa ilalim. 

"Bakit nga pala magkasama kayo?" usisa ko sa kanilang dalawa ni Aros. 

Seo was driving. Katabi niya ay si Aros na nasa passenger seat. Kaming dalawa ni Jac ay nasa backseat. 

"Pinuntahan niya ako sa Maynila," inis na sabi ni Aros. 

"Hindi kita pinuntahan! Nagkasalubong lang tayo!" utas naman ni Jac pabalik. 

Si Seo naman ay napailing na lang sa kanilang dalawa samantalang ako'y gulong gulo silang tiningnan. 

"Alam kong alam mong tatawid ako sa pedestrian na 'yun," sabi ni Aros. 

Tiningnan siya ni Jac ng masama. "Feeler!" 

"Hoy! Manahinik nga kayong dalawa! LQ ba kayo?" saway ko sa kanila. I heard Seo chuckled from his seat.

Somewhere In Batangas (Isla Verde #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon