One.

11K 143 7
                                    

"'Neng, mag-iingat ka dun ha?"

"Opo 'tay, tatawag po agad ako sa inyo pag nakarating na ko sa Ateneo."

"'Neng, siguraduhin mong kumpleto ang mga dala mong gamit, mahirap magpabalik balik."

"Opo 'nay, kayo naman po, malaki na ko, kayang-kaya ko 'to."

"Ly, text mo lang kami pag may kailangan ka ha," sabi ni Kuya Nicko sakin.

"Uy si Kuya, oo na, alam kong mamimiss mo ko."

"Dalawin ka namin pag may oras kami," sabi naman sakin ni Kuya Paulo.

"Oo nga Ate, sasama ako," sabi ni Kian.

"Obvious ngang mamimiss nyo ako, hahaha! Tatawag naman ako lagi, Kian, no girlfriends muna, okay?"

"Eh," sabi ni Kian at napakamot ng ulo, natawa naman kami ni Tatay.

"OH MGA PA-CUBAO DYAN, AALIS NA!!!" napatingin kaming lahat kay Kuya na sumigaw.

"Oh pano, Tay, Nay, Kuya Paulo, Kuya Nicko, Kian, una na ko," sabi ko sa kanila habang nakangiti, pero naiiyak na talaga ko.

"Mag-ingat ka Ineng," sabi ni Inay sakin at niyakap ako, ganun din si Itay, sila Kuya at Kian.


Sumakay na ko sa bus at nagsimula nang umandar, nung makaupo na ako, kumaway muna ulit ako sa kanila. Inialis ko na yung paningin ko sa kanila kasi tutulo na yung luha ko.


"This is it, Ly. You're now going to the next chapter of your life," I said to myself.


Mga 8 am nasa Cubao na ko. Naglakad na ko papunta sa sakayan ng jeep papunta sa Ateneo. Medyo familiar na naman ako dahil sa enrollment namin nung bakasyon. Hindi ko talaga inexpect na makakapasa ako dito sa Ateneo, tas scholar pa.


Malapit na ko sa gate nang may sunod sunod na bumusina sakin.


"What the?!" sabi ko, lumingon ako to see a black porsche.


*BEEEEEEEEP* busina niya ulit kaya napatabi ako. Nakita ko kung pano ako lagpasan ng kotse na yun.


"Tse! Maganda ka pa naman! Ayusin mo yang pagdadrive mo!" sigaw ko, oo nakita ko yung driver, ang ganda pa naman ni Ate, tss.

Nagulat ako ng naglabas sya ng middle finger sa bintana ng kotse nya.

Maganda nga, ugali naman. Napailing na lang ako, nandito na ko sa gate ng harangin ako ni Kuya guard.


"ID?" masungit nyang tanong sakin. ANO BA LAHAT BA NG TAO DITO GANTO?! -______-

"Ito na nga," sabi ko tas pinakita ko sa kanya yung ID ko.

"Sige pasok," sabi niya,

"Thanks," sarcastic kong sabi.


And here I am again, ang laki lang talaga ng Ateneo. Yung pinasukan ko nung high school, 1/8 lang ata compare dito. Nagtricycle ako papunta sa registrar's office, may kailangan lang kasi akong ipasa tas pupunta na ko dun sa dorm na inupahan ko malapit dito.


"Wow, of all places," sabi ko pagkapasok ko, si Ms. Attitude kasi nandito rin. Nakaupo lang siya dun, parang may hinihintay. Umupo ako dun sa malayo sa kanya.

They Don't Know About UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon