Happening #17
" he's adopted"
Kinabukasan...
Nakaupo ako sa harap ng pc ko at inagawa ng schedule for the month ko.
August 7- Birthday Ni Mama
August 10- Periodic Exam
dalawang araw lang pala ang may importanteng mangyayari ngayong August. Birthday na rin ni Mama bukas. Unfortunately Hindi siya uuwi. Haayyyy...
Humiga na lang ulit ako sa kama at tinignan ko sa wrist watch ko kung anong oras na.
" 4: 15 a.m pa lang 5 pa ako maliligo. Tsk naman bat kasi ang aga kong magising eh."
Wala naman yung tita ko. Ewan kung nasaan lupalop ng daigdig yung babaeng yun.
" AHH ANONG GAGAWIN KO DITO?? Sigurado namang tulog pa yung mga yun eh."
[referring to my friends]
Bumaba na lang ako para kumuha ng makakain, inaayos ko yung gamit ko, kumain na ako, nilabas ko yung susuot ko pero bat parang ang bagal pa ring ng oras.! 4:45 pa lang.
lumabas ako para itapon yung mga crumpled papers ko na ginamit ko pang solve kagabi. Siguro buong pad paper na ata to, sayang mga puno.
Nung matapos ko nag itapon yung mga papel, may narinig akong naglalakad. Lumingon lingon naman ako pero wala akong nakita. Tumalikod na ako pero may naglalakad na naman. TOKWA NATATAKOT NA AKO AH!!HINDI NAKAKATAWA!!
Lumingon ako ulit at paglingon ko sa bench na nasa kabilang daan may nakita akong lalaking nakaupo.at nakayuko, nakauniform na din siya. May ilaw kasi sa tapat ng bench kaya nakikita ko. Tsaka MATANGLAWIN EH..
Lumapit ako at nakilala ko kung sino siya.
" Ex-O??"
Pag angat niya ng ulo niya halatang nagulat siya pero nag smile naman siya.
" oh??aga pa ah??diba tulog mantika ka?"
Bigla ko siyang tinulak at umupo sa tabi niya.
" napaka sama mo, hindi ko rin nga alam kung bakit ako nagising ng maaga ngayon eh. Ikaw pala yung narinig ko kanina, natakot pa naman ako."
Pagkatapos nun yumuko siya ulit at hindi na nagsalita. Alam ko tahimik siya pero bakit iba yung ngayon pakiramdam ko ang laki laki ng problema niya.
" di ka naman aalis diyan diba?"
" oo bakit??mamaya pa, sabay na tayong pumasok."
" sige maliligo lang ako tapos magbibihis hintayin mo ako. Okay?"
" sige."
" kung gusto mo pasok ka na rin sa loob."
" de okay lang naman ako dito."
Pumasok na ako tulad ng sinabi ko naligo na ako at nagbihis, gumawa ako ng hot chocolate sa disposable cups...
" oh?"
"ano yan?"
" ummm...drugs?"
"baliw.."
"thanks.."
Nagsmile siya tapos kinuha niya rin. 5:15 a.m palang 6 pa kami aalis. Umpo na rin ako sa tabi niya.
"may problema kaba?"
Nung tumingin ako sa kanya, hindi siya nakatingin sa akin sa hot choco lang siya nakatingin.
"oo "
" tulad ng?"Sabay inom.
" ampon ako."
O__O
Hindi ko paman nabubuhos yung hot choco sa bibig ko nasa labi ko pa lang tapos napatigil ako sa sinabi niya. Dahan dahan akong tumingin sa kanya at binaba yung baso ko.
" ampon ka?"
" nakakgulat noh?"tapos nagsmile siya. A bitter smile form in his lips.
"kaya ba iniiwasan mong pag usapan yun?yung about sa family mo?"
" siguro?"
" ahh ganun ba. Kelan pa?"
" 3 years old. Mahirap lang kami, pero nakakain naman kami ng 3 beses sa isang araw. Tapos isang gabi iniwan nila ako sa tapat ng isang bahay sabi nila babalikan nila ako, kaso hindi, may nakita din akong sulat dun sa jacket na binigay nila sa akin. Nakasulat doon na kaya nila ako iniwan dahil hindi na nila ako kayang buhayin. Simula nun yung may ari nung bahay kung saan ako iniwan yung umampon sa akin. Lumipat din kami ng bahay at dito nga kami napunta."
" sorry to hear that."
"de okay nga at least ngayon may napagsabihan na ako."
So ibig sabihin ako pa lang yung napagsabihin niya?? Kala ko nakwento na niya kay Hayle.
"ayos lang yan, at least may kumupkop sayo, at least may nagmahal sa yo ulet."
Tinap ko yung likod niya kasi napansin kong teary eyed na siya. He answer me a smile. Again a bitter smile.
" tara lakad na tayo 5:50 na."
"tara."
Nagstart na kaming maglakad.
" so, pano kung hinanap ka pala nila."
" hinanap?kung hinanap nila ako sana nakita nila ako."
"galit ka sa kanila??"
Inistraight niya yung hot choco sabay crumple ng baso at tinapon niya. Alam ko na ang sagot niya.
"oo.galit na galit."
"pano kung isang araw makita mo sila??"
" wala lang, ituturing ko silang estranghero kapag ganun.ituturing ko silang hindi kilala. Pati mga kadugo nila."
" si Rei Anne ba alam niya to??"
"hindi pero alam niyang ampon lang ako."
"ah ganun ba??"sabay tapon ng baso ko. Ubos na eh. Gusto ko pa.
" maayos ba trato sayo nung mga parents mo ngayon??"
"oo naman, nabibigay naman nila gusto ko."
ramdam na ramdam ko yung lungkot niya sa bawat pagsagot niya sa tanong ko.
" paano kung may anak sila??diba gusto mo ng kapatid?"
"wag na lang kung galing lang sa kanila."
Ex-O's POV
Naglalakad kami ngayon papuntang school. Hindi ko alam kung bakit ko nakwento ang talambuhay ko sa babaeng to.siguro kasi malalaman din nila balang araw.
" paano kung may anak sila?diba gusto mo ng kapatid?"
nung itanong niya sa akin yun. Hindi ko mapigilang mapaisip kasi nga gusto ko ngang magkakapatid eh.
"wag na lang kung galing lang sa kanila."Yun na lang ang nasagot ko. Tama naman diba? Aanhin ko pa yun kung galing din sa kanila?
" sige una na ako."
Hindi ko napansin na nandito na pala kami sa school. Naghiwalay na kami kasi foods siya drafting naman ako.
"sige kita na lang tayo mamaya."
Tumalikod na ako at naglakad.
"Ex-O!!"
Narinig ko siyang tinawag ako kaya lumingon na lang ako.
"oh??"
"basta ikaw pa rin Kuya ko.okay??!"
Then nag okay sign siya at pumasok na. napangiti na lang ako pagkatapos nun. Bakit pa nga ba ako naghahanap ng kapatid eh meron naman tumuturing sa akin na kuya.
She's more than a friend to us.
BINABASA MO ANG
F.R.I.E.N.D.S.H.I.P
Teen FictionI dedicate this to my FRIENDS in Highschool..want youut to share that this is the Happenings I will never forget!! this story is about a circle of friends that will challenge them...tingnan natin kung sino ang tatagal at hanggang saan nila kakayanin...